Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19

Thread: Hiling

  1. #1

    Coffee Hiling

    Special mention: request ni Demon Spade
    hindi ko alam kung love story na masasabi pero try ko



    “Ganito na lang ba parati ang sasapitin ko sa tuwing magmamahal ako?”
    mga salitang bigla na lang nabigkas ng lalaking nagmumuni-muni habang nakatambay sa isang tahimik na lugar at nakatingin sa mga bituin.

    “Hanggang kailan ba ko magiging ganito, ano ba ang pagkukulang ko at ganon na lang ang nagiging kapalit ng effort na ginagawa ko?”
    Napabuntong hininga sabay nagsalita ulit.

    “hay ito na ata ang kapalaran ko, parang ayoko na magmahal kung sakaling may dadating pero mahirap magsalita ng tapos aaarrrgh….ano ba nangyayari sakin”

    Maraming bagay ang gumugulo sa kanya kung ano talaga ang magiging desisyon niya dahil sa simpleng bagay na sinapit, kung isasara na ba niya ang puso niya para magmahal. Ang sagot walang nakakaalam kundi siya lang.

    Habang siya’y tulala parin at nakatitig sa mga bituin sa langit, may naalala siyang bagay na talagang nakakalungkot kaya hindi niya namalayan na naiiyak na pala siya.

    “shit! Ayoko ng ganito, ayoko maging malungkot”
    sabay pahid ng kanyang luha.

    Sa ganong pagkakataon buo na agad ang desisyon niya, ang baguhin ang kanyang sarili at kalimutan ang lahat ng mapait na sinapit. Alam niya sa sarili niya paggising niya hindi na siya basta-basta masasaktan ulit.

    Kinabukasan maaga siyang nagising kaya’t bumangon na siya agad para mag-almusal, alam niyang sabado pero ugali na niyang magising ng maaga dahil hindi nagbabago ang kanyang body clock. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa lamesa para kumain ng almusal.

    “aga mo nagising anak, ano ba nakain mo?”
    “ma, wala naman po gusto ko man po matulog ulit pero ayoko dahil ang bigat po sa katawan kapag nasobrahan ako sa tulog”

    “pwede ka naman matulog ulit kung gusto mo, ay may pasok ka pala pag sabado na ko sigurado dadalawin ka ng antok mamaya sa school”
    “ma, nakalimutan niyo na po ata na pag sabado wala po akong pasok”
    “ay oo nga pala sorry anak, absent minded lang hahaha…”
    “okay lang po ma, ahmmmmmmmm……..ma aalis po ko mamaya”

    “at saan ka naman pupunta aber?”
    “sa mall po ma, may titignan lang po akong libro na gusto kong bilin”
    “at anong libro naman ang balak mong bilin, na ko anak parang hindi ata ikaw yan ano ba nakain mo at nagkakaganyan ka, kailangan ko na ba tawagin ang lahat ng santo dahil sa pagbabago mo”
    “si mama talaga, wala pong nangyari saking masama, gusto ko lang po maglibang kahit konti”

    “ganon ba anak? Hmmmmmmmmm……..kung aalis ka isama mo yung girlfriend mo teka ano nga ba pangalan niya iho”

    Tipid ang sagot dahil ayaw na pagusapan at maalala.

    “len-len ma”
    “ayun len-len pala, isama mo si len-len anak para hindi ka mambabae”

    “si mama talaga, nasa itsura ko po ba ang sinasabi niyong nambababae?”
    “ahmmmmmmmm…..siguro kahit sabihin natin na nasa gitna ng gwapo at cute ka parang malapit ka narin sa pagiging babaero”

    “Hindi na po ma, ako na lang po mag-isa ang aalis”
    “bakit may nasabi ba kong hindi maganda anak?”

    “wala po ma, okay lang po ako promise”
    “sigurado ka ba sa sinasabi mo anak? sa tono ng boses mo alam ko kung ano ang nangyari, break na kayo”

    “parang ganon na nga po ma, pero wala na po sakin yun”
    “hay…..okay lang yan anak, lahat tayo nasasaktan kahit sino naranasan yung sinapit mo sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa buhay, bumabangon tayo agad dahil ayaw natin maging ganon habang-buhay, maaring nasaktan ka ngayon pero dahil sa sakit na sinapit mo may natutunan ka pero isang bagay ang huwag na huwag mong gagawin porket nasaktan ka anak, ang isara ang puso mo”

    Napaisip siya ng konti, tama lahat ng sinabi ng mama niya.

    “salamat po ma”
    “wala yun ano ka ba, ayokong nakikita kitang malungkot o nasasaktan teka hindi mo pa siansabi kung ano ang dahilan ng break-up niyo ni len-len”

    “ma bigla ko pong napansin na parang interesado kayo sa nangyari”
    “hindi naman anak, curious lang si mama hihihi….”

    “parang may ibig sabihin po yung tawa niyong iyon ma, simple lang po ang dahilan kaya naghiwalay po kami ni len-len, may pagka-user po siya kaya nagdesisyon po akong makipaghiwalay sa kanya”
    “tama lang ang ginawa mo anak kaya dapat huwag kang manghinayang sa kanya, marami pang iba dyan saka hindi lang siya ang babae sa mundo, hala kumain ka na muna”
    “sige po ma, salamat po ulit”
    “wala yun, anytime anak”

    “sabay na po tayo kumain ma”
    “mauna ka na anak, sabay na kami kakain ng papa mo”

    “okay kayo po ang bahala”

    After 10 minutes.

    “anak ako na bahala sa pinagkainan mo”
    “hindi ma, ako na po maghuhugas ng plato ko”

    “hmmmmmmmm…..nakakapanibago ka talaga anak”
    “hay…..eto na naman po kami”

    Pagkatapos maghugas.

    “ma, balik lang po ako sa kwarto ko”
    “sige magpahinga ka muna saglit pero kung gusto mong matulog ikaw bahala pero magpatunaw ka muna ng kinain”

    “hindi po ako matutulog ma, ihahanda ko lang po yung damit na gagamitin ko para mamaya”
    “sabagay alas-diyes pa naman nagbubukas ang mall anak saka maaga pa naman, kung gusto mo manood ka na lang muna ng tv o kaya mag-computer sa kwarto mo”

    “mamaya ko na lang po gagawin yun ma, pagkatapos ko ihanda yung damit na gagamitin ko”
    “okay”

    Bumalik siya sa kanyang kwarto, imbis na ihanda ang damit na isusuot sa pag-alis ay iba ang nangyari, naisipan niyang buksan ang kanyang computer. Dali-dali siyang nag-log in sa account niya sa isang social networking site pero sa hindi inaasahan.

    [email protected]*^! napalitan niya agad ako, ang bilis ah tama lang pala yung ginawa kong makigpahiwalay sa kanya”

    Tuliro ulit siya sa nakita kaya’t nagbasa siya ng status ng iba pero sa hindi inaasahang pagkakataon.

    Mahal kita pero mas mahal ko ang pera mo.


    “dahil sa pera lumabas ang totoong ugali mo hay…..mga tao nga naman kahit kailan, bwisit kang babae ka, bakit hindi ka pa mamatay ngayon!”

    Sa sobrang inis naglog-out na lang siya para mawala ang tension na bumabalot sa pagkatao niya. Sana hindi na lang niya nabasa ang pinost ng ex niya kaya ang nangyari sira na naman ang araw niya.

    “shit! Shit talaga aaarrrgh…..naiinis ako sa kanya hay…..subukan ko na nga lang magsoundtrip para mabawasan ng konti ang inis ko”

    Binuksan niya ang winamp, naghanap ng kanta ngunit halos lahat napagsawaan na niya, inisip na lang niya na kahit ano na lang ma-i-play para mabawasan lang ang inis na nararamdaman. Pagka-play palang ng napiling kanta ay parang nagkaron ng kaginhawaan sa paligid.

    God gave me a song that the angels cannot sing
    I've been washed in the blood of the crucified one
    I've been redeemed


    Lyrics na paulit-ulit isama mo pa yung beat na parang malungkot pakinggan pero nakakarelax.

    “ayos to ah…it’s a dreamy song, mukha lang nakakatakot sa una pero nakakarelax pala pero mukhang pampatulog ah okay lang maganda naman ang vocal eh parang orchestra”

    Sa paulit-ulit niyang pakikinig sa sinasabing “Dreamy song” ay nakaidlip siya bigla.


    After 4 hours.

    “anak! gising na, malapit na magtanghali”
    “uhhhmmm….anong oras na po ba ma?” habang naghihikab.

    “alas 11 na kaya anak, hala bumangon ka na dyan at magayos para hindi ka ma-trapik sa pupuntahan mo”
    “uuuhhhmmm…sige po ma” sabay hikab ulit.

    After 30 minutes.

    “ma, alis na po ako”
    “kumain ka muna bago ka umalis, sigurado aabutan ka ng gutom sa biyahe”

    “okay lang po ako ma, sige po mamaya na lang po ulit ahmmmmmmm….si papa po asan?”
    “wala anak tulog pa hanggang ngayon, mukhang puyat na naman hayaan mo na”

    “ganon po ba? sige mauna na po ako”
    “ingat ka anak”

    Nang makarating siya sa mall nagikot-ikot lang muna siya saglit dahil hindi naman siya nagmamadali, ng makaramdam siya ng gutom ay bigla siyang nagdesisyon.

    “bilin ko na muna yung librong gusto ko bago ko kumain” sambit sa kanyang sarili.

    Nang papunta na siya sa cahier para magbayad.


    Itutuloy...
    Last edited by 10reason; 7th Jan 2014 at 06:02.

  2. #2

    Default Re: Hiling

    ts

    waiting ako sa mangyayari sa bookstore

  3. #3

    Default Re: Hiling

    Galing ni TS, nangangati na mata ko sa kakacheck kung may kasunod na...

  4. #4

    Default Re: Hiling

    Blag!

    “aray ko naman, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo” reklamo ng dalaga.
    “sorry miss, hindi ko napansin na may mababangga pala ko pasensiya na talaga” habang pinupulot ang mga pinamili ng dalaga.

    Pagkatapos pulutin ng lalaki ang pinamili ng dalaga ay bigla siyang umalis dahil may nakalimutan siyang bilin kaya hindi muna siya pumila. Habang hinahanap niya yung bagay na kulang ay bigla siyang napaisip.

    “teka bibilin ko pa ba yung kulang o hindi na hmmmmmmmmmmm……..nah hindi na lang siguro saka tom jones narin ako at baka magwala yung mga anaconda ko sa tyan”

    Nang pabalik na siya sa cashier ay napansin niyang mahaba ang pila, wala siyang ginawa kundi pumila kahit alam niyang aabutin siya ng siyam-siyam bago makabayad.

    After 5 minutes.

    “Pssssst!” sambit ng isang nakapila sa cahier.

    Nung una hindi pinansin ng lalaki kung sino yun kaya naghintay na lang siya ngunit maya-maya.

    “Psssssssssssssssssssssssssst!” medyo mas mahaba na.

    Tinginan ang lahat ng tao sa bookstore pero ang lalaki parang walang paki sa nangyayari. Sa sobrang inis ng tumatawag ay nilapitan niya ang lalaki para kausapin.

    “hoy magaling na lalaki, kanina pa kita tinatawag, bakit hindi mo ko pinapansin ha?”

    “eh malay ko ba kung sino yung tinatawag mo kaya hindi ko pinapansin”
    “bulag ka na nga, suplado ka pa” medyo nainis.

    “pasensiya na miss, akala ko ibang tao ang tinatawag mo kaya hindi ako lumilingon.

    Lumapit ang dalaga sa kanya para may sabihin.

    “isabay mo na yang pinamili mo sakin para hindi ka na mag-antay ng matagal dyan” sambit sa mahinang boses.

    “na ko huwag miss, bad yung iniisip mo”
    “ano gusto mo, mabilis kang makaalis dito o maghintay ka ng siyam-siyam”

    “eh ano ba gagawin ko?” medyo nagtataka.
    “basta sakyan mo lang ako, sigurado gets mo agad ang sasabihin ko”

    “sige sabi mo eh”
    “pag umalis ako tapos bumalik ako sa pila ko yun na ang hudyat okay?”

    “okay sige miss” medyo tuliro ng konti.

    Nang bumalik ang dalaga sa kanyang pila sa cashier.

    “ang daya mo naman sabi mo may bibilin ka lang saglit pero pinaghintay mo ko kaya eto konti lang ang nabili ko” sabay kindat sa lalaki.

    “pasensiya na, medyo naligaw ako sa loob eh” habang papalapit sa dalaga.

    Nang magkatabi na sila sa pila

    “isabay mo na tong binili ko kung okay lang” sambit ng dalaga.
    “sure yun lang pala eh akin na”

    “eto oh” sabay abot

    Medyo pinagtinginan sila ng ibang nakapila pero isa lang ang naglakas loob na magreklamo.

    “miss masama yang ginagawa mo, bakit mo pinasingit yang kasama mo” medyo mataas ang tono ng boses.

    “hoy! For your information ako po yung pinapila niya kanina pa, hindi ko lang siya nakita agad dahil may binili pa siyang iba hindi ko napansin na mahaba na pala ang pila” paliwanag ng dalaga.

    “talaga lang ha?” sabay tingin sa kasama ng dalaga.
    “oo sir siya po yung pinapila ko kanina kasi may nakalimutan akong bilin” paliwanag niya.

    “sa susunod kasi magtanong muna para hindi mapahiya, gusto pa gumawa ng eksena sigh” medyo naiinis na.

    Sa sobrang hiya ng lalaking nanita ay wala siyang nagawa kundi umalis na lang kaya bulungan ang ibang nakapila pero balewala lang sa dalaga ang nangyari kaya hindi na lang niya pinansin, Nang nabayaran nilang dalawa ang pinamili ay sabay na silang umalis sa bookstore. Habang naglalakad ang dalawa ay parang may namumuong tensyon at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

    After 5 minutes.

    “miss salamat pala” sambit ng lalaki.
    “wala yun” sambit ng dalaga.

    “ahmmmmmm…..miss ano pala name mo?”
    “job interview ba to?” pagtataka ng dalaga.

    “hindi, gusto ko lang malaman ang name mo”

    Nagkaron ng katahimikan saglit.

    “Alexa” sambit ng dalaga.
    “ay akala ko alexis ang name mo kasi para kang lalaki kung umasta eh”

    “tse! lalaki ka dyan alexa nga name ko a.l.e.x.a. gets mo ba?”
    “opo ms. Alexa” sabay ngisi

    “ngayong alam mo na ang name ko baka pwede ko ding malaman ang name mo”
    “sure yun lang pala eh I’m fred nice to meet you” sabay nakipagkamay

    “hello fred”
    “may nabasa ako tungkol sa name mo ms.alexa” sambit niya.

    “at ano naman ang nabasa mo tungkol sa name ko mr.fred ha?”
    “ang totoo ms.alexa eh yung ibig sabihin lang ng name mo yung nabasa ko sa isang libro”

    “oh talaga? ahmmmmm…..sige nga kung alam mo eh ano ibig sabihin ng name ko”
    “man’s defender ang ibig sabihin ng name mo ms.alexa”

    “ah talaga? ngayon ko lang nalaman yun ah saka please lang sana wala ng miss, alexa na lang itawag mo sakin”
    “sorry alexa nahihiya lang ako kausapin ka ng hindi formal pero dahil sinabi mo na wala ng ms. sa dulo eh sige”

    “ahmmmmm…..fred may pupuntahan ka pa ba pagkatapos?”
    “wala naman alexa, bakit mo natanong”

    “nagugutom na kasi ko eh samahan mo naman ako kumain”
    “sige yun lang pala eh ako rin kasi gutom na, hanap tayo ng pwede kainan”
    “okay”

    Habang naglalakad ang si fred at alexa ay hindi nila makalimutan ang nangayring eksena sa loob ng bookstore kaya tawa parin sila ng tawa, nagdesisyon silang kumain sa isang sikat na kainan na alam ng lahat, nang nakaupo na silang dalawa.

    “alexa ano sayo?”
    “kung ano yung oorderin mo yun na lang din sakin”

    “ganon ba? sige ako na bahala”
    “okay thanks fred”

    “sige saglit lang at pipila lang ako”

    Habang nakapila at naghihintay si fred, di mawala ang tingin niya kay alexa dahil ngayon lang niya napansin na maganda pala ang dalaga, hindi niya agad napansin ang panlabas na anyo ng dalaga dahil nung mga oras na magkausap sila ay sobrang absent minded niya kaya late niya napansin ang taglay na ganda nito. Sa tuwing napapatingin si fred at nahuhuli siya ni alexa ay bigla itong naiwas ng tingin para hindi siya mabuking.

    After 15 minutes.

    Pabalik na si fred sa pwesto nila dala yung inorder niya para sa kanilang dalawa ni alexa at umupo.

    “sorry kung matagal, ang haba ng pila eh”
    “okay lang, ganyan naman talaga kapag lunch marami talagang tao”

    “oo nga eh, tara kain na tayo alam kong gutom ka narin”
    “mabuti pa nga”

    Nang tapos na silang kumain.

    “pssssssssssst………may napansin ako sayo kanina habang nakapila ka” sambit ng dalaga.
    “ano naman ang napansin mo sakin alexa”

    “napansin ko lang kanina habang nakapila panay ang tingin mo sakin hihihi…akala mo di ko pansin yung ginagawa mo ha?”
    “ay ganon ba? sorry alexa akala ko kasi nakakita ako ng anghel kaya panay nakaw tingin ako, ang ganda mo kasi eh”

    “bolero ka pala hay na ko fred wala akong pera”
    “uy hindi bola yung sinabi ko, I’m just being honest”

    “weh talaga lang ha?”
    “okay lang kung ayaw mo maniwala sakin basta ang sinabi ko totoo at hindi ka-plastikan yun”

    “hindi ko naman sinabing nakikipag-plastikan ka sakin fred pero salamat sa papuri mo flattered ako”

    “no worries alexa ganon talaga ko maka-appreciate ng babae pero may napansin ako sayo” sabay ngisi
    “at ano an naman ang napansin mo ha fred”

    “ahmmmmmmmm……..sasabihin ko pa ba?”
    “sabihin mo kundi magagalit ako”

    “hay…….sige sige sasabihin ko pero hiya ako eh”
    “sus! ngayon ka pa nahiya sabihin mo na kasi kung ano yun”


    Itutuloy...

  5. #5

    Default Re: Hiling

    May napansin ako, special mention ako dito
    - - -
    maganda siya, ipagpatuloy mo yan mr.tse!.
    Anlakas mambitin haha.nae-excite ako sa susunod na mangyayari.
    Atsaka pansin ko din andun pa rin yung pagiging bitter type na tema sa unang chapter nito,hehe di nawawala yun..
    Maganda at smooth ang takbo ng kwento para sa akin,
    waiting for the next update

  6. #6

    Default Re: Hiling

    hehehe.....request mo yan boss di ba? saka sinubukan ko lang eh bumenta

    mukhang kailangan ko na talaga tapusin yung 3 am na kwento para ituloy to hehehe....


    sa pagbasa

  7. #7

    Default Re: Hiling

    “nasaan ang pakpak mo?”
    “ha? ano daw”

    “ang sabi ko alexa nasaan ang pakpak mo”
    “bakit mo naman nasabing asan ang pakpak ko”

    “kasi di ba sinabi ko kanina na nakakita ako ng anghel kaya tinatanong ko kung nasaan ang pakpak mo”
    “ay ako ba yung sinasabi mong anghel hihihi” sabay hampas ng mahina
    “pinuri na nga nanakit pa”

    “arte mo naman mahina lang yung paghampas ko pero salamat sa papuri, pinasaya mo araw ko ngayon fred sa totoo lang”
    “ganon ba? salamat napasaya pala kita ahmmmmmmmm….bakit may problema ka ba?”

    “wala, gusto ko lang maglabas ng stress toxic kasi masyado kapag may ginagawa sa school eh”
    “ganon ba bakit ano ba course mo?”
    “management, ikaw?”
    “computer science”

    “oh eh di magaling ka sa computer”
    “sakto lang alexa, more to go pa ko sa course ko”

    “bakit anong year mo na ba?”
    “second year”

    “same year lang pala tayo eh magka-batch pala tayo”
    “ay ganon, ngayon ko lang nalaman na same year tayo” sabay ngiti

    “hihihi ….now you know”
    “hahaha…yeah”

    “matanong ko fred ahmmmm…….bakit ka nagpunta sa bookstore”
    “may binili lang akong libro na tingin ko pwede magtanggal ng sama ng loob ko”

    “bakit naman masama ang loob mo” medyo nagtaka
    “sorry alexa ayoko na pagusapan, change topic na please”

    “okay ikaw bahala, sabihin mo sakin kung okay ka na I mean kung kailan ka pwedeng mag-share”
    “ganon ba? hmmmmmmmm…..sige pero nakakahiyang magkwento saka ngayon lang tayo nagkakilala eh”

    “okay lang fred, willing ako makinig ng kwento ng iba mas maganda kung may pinagsasabihan ka ng problema kasi kapag sinolo mo yan baka masiraan ka ng bait sa huli”
    “hindi naman siguro aabot sa ganon, nasa katinuan pa ko kaya malabong mangyari yung sinabi mo”

    “hihihi….akala ko lulusot eh”
    “eh hindi lumusot eh hahaha”

    “hmp oo nga eh kainis ka”
    “hehehe….”

    “fred uwi na tayo medyo madilim na eh”
    “ganon ba? sige tara”

    Habang naglalakad palabas ang dalawa sa mall

    “ahmmmmm….alexa saan ka ba nauwi?”
    “sa san pedro lang, eh ikaw?”

    “sa san pedro din lang ako”
    “ganon ba? sabay na tayong umuwi fred”

    “sige tara sakay na tayo ng van para hindi mainit”
    “sige”

    Nang nasa labas na sila ng mall

    “alexa ayun oh may van na malapit na umalis tara bago pa tayo maunahan” sabay turo
    “oo nga, tara na”

    After 2 minutes ng nakasakay na sila sa van, tahimik sa loob ng sasakyan dahil karamihan ng kasabay nilang pasahero ay tulog oh di kaya’y may mga sariling mundo pero isa sa kanila ang naglakas loob na magsalita.

    “alexa ahmmmmmmm….” medyo kinakabahan
    “ano yun fred”

    “pwede ko ba hingin number mo”
    “ahmmmmm…..bakit mo hinihingi number ko”

    “wala para ma-text kita just in case na pupunta ulit ako sa mall para may kasama ako, boring minsan umalis kapag ikaw lang mag-isa”
    “hay sinabi mo pa, kung hindi lang ako stress sa school eh hindi talaga ko pupunta sa mall ngayon ay! Oo nga no para may communication tayo kahit di tayo magkita wait bigay ko sayo number ko” kinuha sa bulsa ang cellphone sabay pinakita ang number

    “wait save ko lang, ayun naka-save na salamat”
    “no problem fred” sabay ngiti

    Nang malapit na ang dalawa sa kanilang destiansyon ay biglang nagsalit si fred

    “boss sa kanto lang”
    “sige po,saglit lang park ko lang para hindi makaabala” binagalan ang pagmamaneho

    Nang nakahinto na ang van na sinakyan ng dalawa ay naunang bumaba si fred at inalalayan si alexa.

    “salamat fred” sambit niya
    “walang anuman” sabay ngiti

    Habang naghihintay sa kanto ang dalawa

    “fred pwede humingi ng favor”
    “sige ano yun”

    “samahan mo naman akong tumawid kasi natatakot ako eh”
    “sige yun lang pala eh”

    “thank you” sabay ngiti
    “no problem” gumanti ng ngiti

    After 2 minutes

    “ayun alexa naka-stop na tara tawid na tayo”
    “okay”

    Nang patawid na ang dalawa ay biglang hinawakan ni fred ang kamay ni alexa para iparamdam sa kanya na safe siya sa binata habang tumatawid sa daan, nagulat ang dalaga ng gawin niya yun akala niya dumidiskarte na agad ang binata pero naramdaman niya bigla na gusto lang ipakit ng binata ang pagka-gentleman niya, nang makatawid na ang dalawa.

    “fred dito na lang ako”
    “huh? bakit” medyo nagtataka

    “kasi dyan lang yung terminal ng tricycle na sinasakyan ko” sabay turo
    “ah ganon ba? gusto mo haitd na kita hanggang sa bahay niyo”

    “nako fred saka na, medyo strict ang parents ko eh”
    “ganon ba? okay lang alexa, nest time bawala na tumanggi” sabay ngiti

    “oo promise fred” gumanti ng ngiti
    “okay sabi mo yan ha?”

    “sige mauna na ko sayo, ingat ka pauwi bye” sabay sakay sa tricycle na nakapila
    “sige salamat sa oras alexa, ingat ka rin” sabay kaway

    Nang nakaalis na ang sinakyang tricycle ng dalaga ay saka lang umalis ang binata para umuwi, nang nakasakay na siya ng jeep ay hindi mawala sa sarili niya ang saya sapagkat may bagong babae na nagbigay na naman ng kulay sa kanyang pagkatao, ayaw niya munang isipin na hindi don matatapos ang kanilang pagkakaibigan dahil alam niya sa sarili niya na lagpas sa pagkakaibigan nila ang susunod na mangyayari.

    Nang makarating siya sa kanilang bahay ay may napansin ang kanyang mama

    “mukhang masaya ang anak ko ah, kamusta naman ang lakad mo” sabay ngisi
    “okay po ma, kumpleto ang araw ko ngayon”

    “at bakit mo naman nasabi na kumpleto ang araw mo aber” pilit hinuhuli ang susunod na sasabihin ng anak niya

    “ahmmmmmm…..kasi ma may bago po akong kaibigan na for sure magugustuhan
    niyo ni papa pag pinakilala ko sa inyo ahmmmmmmmm….teka asan nga po pala si papa”
    “ayun nasa gimikan, biglang nayaya ng mga dati niyang classmate sa college kasi matagal na sila di nagkikita-kita pero may tiwala naman ako sa papa mo, subukan lang niya mambabae nako lagot siya sakin”

    “ma, huwag po kayong mag-alala kay papa, alam ko pong di niya gagawin yun kasi mahal niya po kayo”
    “pareho kayo ng papa mo, bolero hihihi”
    “ma naman, nagsasabi lang po ako ng totoo”
    “oo na anak, naniniwala na ko sayo” sabay ngisi

    “parang duda po ko sa ngiti niyo ma”
    “bakit mo naman nasabi anak” medyo nagtataka

    “kasi yung ngiti niyo po eh parang may ibig sabihin”
    “anak walang ibig sabihin ang ngiti ko, masama lang si mama sa sinabi mo, pero bago mo ako mahuli eh kwento mo naman yung tungkol sa bagong kaibigan mo hihihi”

    “ahmmmmmmm……..bat parang bigla po kayong naging interesado ma” medyo nagtaka
    “wala lang anak, gusto lang malaman ni mama” sabay ngisi

    “hmmmmmmmm…….sige kahit konti lang po sabihin ko parang kagaya ng pantalon” sabay ngisi
    “parang pantalon? ano ang ibig mong sabihin anak” medyo duda

    “parang kagaya po ng pantalon, medyo bitin” sabay ngiti
    “hay naku anak, pinapatagal mo pa ikwento mo na kay mama” medyo excited

    “sige po sabi niyo eh, may nakilala po akong girl sa bookstore her name is alexa akala ko nga po nung una eh suplada siya kasi unang tingin mo palang sa kanya talagang matatakot ka kasi may pagkamataray siya pero nung nagkaron po kami ng conversation hindi naman siya mataray talaga kasi sobrang bait po niya”

    “talaga anak ahmmmmmmmm…..tapos?”
    “kumain po kami sa labas kasi nagutom po kaming dalawa pagkatapos naming pumila para magbayad ng pinamili medyo nagulat nga po ko sa kanya kasi kinabahan po ko sa ginawa niya sa bookstore”

    “bakit ano ba ginawa nung nakilala mo” medyo nagtataka
    “kasi po kanina nung nasa pila ako at babayaran ko na po yung binili kong libro ay napansin kong mahaba pala ang pila, nabangga ko po kasi siya nung papunta na po ko sa cashier humingi po ako ng sorry sa kanya tapos pinulot ko po yung dala niya sabay po umalis ako kasi po parang may nakalimutan po ako kaya umalis po ako agad tapos kagaya nga po nung sinabi ko eh mahaba na po ang pila nung bumalik ako, may sumitsit pero di kop o pinansin nung una tapos may sumitsit po ulit medyo malakas na po kaya tinginan po yung mga nakapila tapos mga ilang segundo may lumapit po sakin nalaman ko lang po sa huli na siya pop ala yung sumitsit, nung una po medyo nainis po siya sakn kasi po hindi ako nalingon pero nagpaliwanag naman po ako kung bakit tapos bigla siyang may binulong sakin na ikinagulat ko”

    “ano naman yung binulong niya sayo anak”
    “sinabi lang po niya kung gusto ko makaalis agad sa bookstore, sinabi niya rin po na isabay ko na po yung pinamili ko sa pinamili niya para hindi na po ko maghintay ng siyam-siyam”

    “oh tapos ano yung sumunod na nangyari” medyo excited
    “so ayun nga po, sinabi niya po sakin na pagkabalik po niya sa pila niya eh yun na po ang go signal para makasingit po ako sa pila”

    “tapos ano pa nangyari anak?”
    “ayun nga po ma, nung saktong nagsalita siya eh lumapit na po agad para hindi po halata na pinasingit niya po ako sa pila hehehe….success nga po eh kasi walang nagreklamo pero akala ko po wala pero may isang malakas ang loob na nagreklamo samin”

    “ganon ba anak, hmmmmmmmm….bakit ano ba sinabi sa inyo nung nagreklamo”
    “ah yun po ba ma, medyo sinermunan lang po kaming dalawa ni alexa nung isang lalaki sinabi po niya na masama po yung ginawa ni alexa pero si alexa eh hindi po nagpatalo sa kanya, pinaliwanag po niya ng maayos, tinarayan niya nga po yung lalaki kanina sa pila kasi nahalata niya pong gusto lang gumawa ng eksena yung lalaki pagktapos po nun umalis na po yung lalaki kasi napansin niyang pinaguusapan na siya ng ibang tao sa pila”

    “natawa ko sa ginawa ng kaibigan mo anak hihihi……gawain ko kasi yan dati nung college pa ko pero shhhhhhhhhh….huwag ka maingay at baka malaman ng papa mo” sabay takip sa bibig ng anak at sumenyas na huwag maingay
    “hehehe….gawain niyo din pop ala yun dati ma hahaha…hindi ko alam yun ah”

    “oo kaya huwag ka maingay sa papa mo at baka pagalitan ako nun hihihi”
    “oo naman ma, don’t worry your secret is safe”

    “pero tingin ko anak bagay kayong dalawa”
    “bakit niyo naman po nasabing bagay kami ma” medyo nagtataka

    “basta anak bagay kayo”
    “hindi ko po ma-gets yung ibig niyo pong sabihin ma” medyo nalito

    “yung gusto mong itanong sakin anak ikaw lang ang makakasagot ng ibig kong sabihin”
    “hmmmmmmmmm…….medyo napaisip po ko sa sinabi niyo ma, ay maiba pop ala tayo ma kumain na po kayo”

    “oo anak, si papa mo sa labas na daw kakain kung gusto mo kumain ulit eh kumain ka huwg mo kalimutang hugasan yung pinagkainan mo mamaya”
    “sige po ma pagkatapos ko magbihis, akyat lang po muna ko sa kwarto ko”

    “sige anak”
    “saglit lang po ma”

    Nang nasa kwarto na si fred ay bigla niyang kinuha ang phone niya para may i-text

    Nasa bahay nako, salamat sa oras at kulitan ingat ka lagi –Fred




    Itutuloy...

  8. #8

    Default Re: Hiling

    Parang gusto kong maging nanay yung nanay ni fred :v
    by the way maganda ang update na ito.. Good job..

  9. #9

    Default Re: Hiling

    plano ko pa naman na sa tuwing aabot ng 3 pages yung karugtong eh ipo-post ko agad kaso umabot ng 5 pages sa draft pero okay lang ang maganda eh okay parin ang kinalabasan salamat sa patuloy na pagsuporta boss

  10. #10

    Default Re: Hiling

    sorry kung natagalan ang update, busy lang sa ibang projects eto na yung karugtong.



    After 3 minutes ay biglang may nagreply kay fred, nagulat siya dahil nagreply ang bagong kaibigan niya na kasama niya kanina sa mall.

    Thanks din sa time mo, take care always – Alexa

    Akala ni fred ay tulog na si alexa kaya nagulat siya nung nagreply sa tinext niya, kaya nagtext ulit siya.

    Be right back, kain ulit ako

    After 2 minutes

    Okay, take your time

    Pagkatapos mabasa ni fred ang reply ni alexa ay dali-dali siyang bumaba para kumain, nagulat siya dahil gising pa ang mama niya.

    “ma, bakit gising pa kayo?”
    “inaantay lang kita kumain anak tapos matutulog narin ako”

    “ganon po ba? hmmmmmmmm……..si papa hindi niyo na po hihintaying dumating”
    “na ko hindi na, malaki na siya saka alam kong late na makakauwi yun dahil naharang na naman ng mga classmate niya nung college”

    “ay oo nga po pala hahaha…”
    “maiba tayo anak, mukhang nagmamabutihan na ata kayo nung bago mong kaibigan ah ahmmmmmmm…ano nga pala pangalan niya” nag-iisip ng konti

    “sirit na po ba kayo kung ano talaga pangalan niya?”
    “teka huwag mo muna sabihin, huhulaan ko pa teka ahmmmmmmm……..anna ba tama?

    “mali po” sabay ngisi
    “ahmmmmmmmm…..anne?

    “mali parin po ma”
    “hay……..sige na nga, sirit na ko anak” napakamot sa ulo

    “her name is alexa and she looks like an angel” sabay ngiti
    “hmmmm……nice name ha? talaga bang mukha siyang anghel anak ” sabay ngti

    “opo ma, pag nakita niyo siya sigurado magugustuhan niyo siya”
    “hmmmmmmm….nililigawan mo na ba?”

    “ma naman nasa getting to know stage palang kami saka kakakilala ko palang po sa kanya”
    “biro lang anak hihihi…sana kung maging kayo eh hindi siya kagaya nung ibang naging girlfriend mo”

    “who knows ma kung sakaling maging kami eh mas okay di ba po?” sabay ngisi
    “ngiti ka ng ngiti dyan, hala ubusin mo na muna yung hapunan mo”

    “opo ma, malapit narin po ko matapos”
    “sige anak, take your time antayin na kitang matapos dyan at sabay na tayo matulog”

    “eh ma hindi niyo po ba talaga aantayin si papa dumating?” medyo nagtataka
    “hindi na anak, may duplicate namang susi ang papa mo kaya okay lang malalaman kong nakarating na siya kapag may naririnig akong humuhilik hahaha….”

    “hay…si mama talaga” sabay ngiti

    After 10 minutes

    “ma tapos na po kong kumain, hugasan ko lang po tong pinagkainan ko” sabay tayo at diretso sa lababo
    “sige lang anak, hindi naman ako nagmamadali”

    Ater 3 minutes

    “ma, tapos na po ko maghugas”
    “ganon ba? tara akyat na tayo inaantok narin ako eh”

    “sige po ma”

    Nang nasa kwarto na si fred ay bigla niyang tinignan ang phone niya kung may nag-text ngunit malas ata siya dahil wala siyang natanggap ni isang mensahe kaya’t tinext niya agad ang bagong kaibigan na si alexa

    “I’m done, still awake?”

    Maya-maya’y may nagreply agad

    “yap why?”
    “wala naman, sinubukan ko lang kung gising ka pa eh nagreply ka it means gising ka pa hehehe…”

    “hay….ikaw talaga :-)”
    “nyak bakit naman ako ha?” medyo nagtataka

    “wala lang hihihi…”
    “weh di nga? Talaga bang wala, baka meron ha?”
    “wala nga, kulit mo :-) “

    “okay sabi mo eh
    “so kamusta naman ang hapunan mo? nabusog ka ba”

    “yap basta luto ng mom ko always busog ako :-)“
    “talaga? eh di masarap pala magluto mom mo?”

    “oo sobra :-)”
    “hmmmmmmm…..sabihin mo sa mom mo gusto ko ma-try ang luto niya pag pinakilala mo ko sa kanya”

    “oo ba, makakarating sigurado matutuwa mom ko kapag nalaman niya yung sinabi mo sakin :-)”
    “:-)”

    “uy antok na ko fred, bukas na lang ulit tayo magkulitan thanks sa time”
    “likewise alexa oyasumi nasai”

    “huh? ano ibig sabihin nun”
    “it means goodnight in Japanese :-)”

    “oh I see likewise”
    “:-)”

    Hindi na nagreply ulit si fred sa huling text ng kanyang bagong kaibigan dahil talagang bagsak na ang mata niya dahil sa antok.

    Kinabukasan maagang nagising si fred kaya’t bumangon agad siya sa higaan para maghilamos, maya’maya’y lumabas ng kanyang kwarto para mag-almusal kaya laking gulat ng magulang niya.

    “anak ang aga mo nagising ah hihihi…”
    “eh ma, gusto ko nga po sana matulog ulit kaso ayaw na po dalawin ng antok kaya bumangon na po”

    “uy anak kamusta lakad mo kahapon? balita ko may nakilala ka daw na anghel” sabay ngisi
    “papa talaga oh O.A. kayo masyado, kung anghel po yung nakilala ko sa mall kahapon eh malamang nasa langit na po ko di ba?” sabay ngisi”

    “hahaha….ikaw ha? humihirit ka pa”
    “Hindi naman po pa hehehe….”

    “oh siya kumain na muna tayo at baka magkapikunan pa kayong mag-ama dyan”
    “mabuti pa nga po ma, sigurado di po ako titigilan ni papa sa kakaasar sakin”

    Dinaan na lang sa tawa ang sagot ng mama ni fred samantlang ang papa niya ay ngiting aso ang ginanti.

    After 15 minutes

    “fred iwan mo na lang sa lamesa yung pinagkainan mo, ako na bahala”
    “sige po ma, salamat”

    “ma, yung sakin di ba iiwan ko narin” sabay ngiti
    “sige lang pa, ako na bahala pero next time ikaw naman ang maghuhugas hmp! lagi na lang ako” nagkunwaring inis.

    “oo ma, basta ikaw ang nag-utos wala akong reklamo” sabay ngiti
    “hihihi….talaga pa? ikaw na araw-araw maghuhugas ng pinagkainan natin” medyo nagtataka

    “oo pa hihihi…” medyo nagpipigil ng tawa
    “ay takusa pala kayo pa hehehe…” sabay ngisi

    “takusa? ano naman ibig sabihin nun anak” medyo nagtataka
    “takot po sa asawa ibig sabihin nun ma”

    “hihihi….ikaw talaga anak puro ka kalokohan”
    “hindi naman po ma, narinig ko lang po sa isang classmate ko nung one time nagpunta ko sa bahay nila para maglibang eh sakto andon po pareho parents niya at napansin kong under po yung father niya, kaya nasabi na lang po sakin ng classmate ko eh takusa ang papa niya”

    “loko kang bata ka di ako takusa, masunurin lang ako sa mama mo” sabay ngisi
    “aha! masunurin ka lang pala sakin ha? di ka tatabi sakin matulog mamaya” pinipigilang matawa

    “joke lang ma, ito naman di mabiro hehehe…”
    “weh? joke lang daw po ba talaga yung sinabi niyo pa” sabay ngisi

    “oo anak, bakit may reklamo?”
    “hehehe….wala po” sabay ngisi

    “oi tumigil na nga kayong dalawa dyan at baka magkapikunan pa kayo”
    “yes dear” sabay ngiti

    “opo, ma doon lang po ako sa kwarto ko tawagin niyo na lang po ako pag may ipaguutos kayo”
    “sige anak”

Page 1 of 2 12 LastLast

Similar Threads

  1. pink na table (hiling)
    By ooggo in forum Gags & Jokes
    Replies: 57
    Last Post: 13th Feb 2014, 13:16
  2. Hiling ng Isang Bata...
    By Ruanne in forum Gags & Jokes
    Replies: 16
    Last Post: 27th Nov 2010, 20:42
  3. Replies: 42
    Last Post: 8th Feb 2010, 16:05
  4. Hiling ( Valentines Poem )
    By Kevin Paquet in forum Quotes & Poems
    Replies: 11
    Last Post: 19th Feb 2008, 16:44

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •