Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 8 of 8

Thread: lab story

  1. #1

    Lol lab story



    Sa text lang kami nagkakilala ng babes ko. Ni hindi ko pa nakita ng personal yan, ni picture wala at ni boses di ko pa narining. Puro text lang talaga. Thrilling din kasi ang ganun, e, may element of surprise kumbaga.

    Ngunit nitong huli, nagkalabuan na. Nagsimula lang naman yun sa ganito.

    “Psst!” text ko.

    “Anong Pssst? Jeepney driver ba ako? Psst ka jan!” sagot nya.

    “Ay, sowe pow. Taxi driver ka pala! Hihihi! Puso mo babes...”

    “Talaga! Rung send ba un?”

    “Hindi babes, rung read ka.”

    “Panung rung read?”

    “Binasa mo yung di para sau, wahehehe!”

    “Tadu!”

    “Tenk u!”

    “Panget!”

    “Ang cute ko kaya...”

    “Acute!”

    “Acutely cute!”

    “Acutely panget!”

    “Babes, luv mo ba talaga ako?”

    “Bat mo naitanong? Obvious na bang hindi?”

    “Di pa naman, sweet mo nga eh!”

    “Pwes, ganyan ako pag wala na akong nararamdaman!”

    “Sakit mo namang magsalita babes?!”

    “Talaga? Tumalab ba?”

    “Heto na lang babes sagutin mo. ‘Si Babes? Akala ko..., Sobrang..., Laging..., Kanta ko 4 him.., Mahal ko xa as... message...’”

    Sagot nya. “Si Babes kala ko t@rant@do, sobrang t@rant@do pala. Laging walang magawang matino. Kanta ko 4 him ay crazy. Message ko, magpakatino ka na!”

    Ok lang sana yung pasaring nya e. Kasi ganyan naman talga mga texts namin, sweet nothings ba. Kaso, nung cinagot ko sya ng ganito “Heto naman sau babes, ‘Si Babes kala ko pangit, sobrang pangit pala. Laging nangangamoy, may putok, at di naghuhgas. Kanta ko 4 her ay bikining itim. Message ko, maligo ka naman, pati underwear mo nangigitim!”

    Hindi na sya sumagot. Siguro napansin nyang totohanan na yung mga tinitext ko. Kinabukasan, tinext ko ayaw na magreply. Tinawagan ko, walang sumasagot. Naalala ko tuloy minsan sinabi nya na sawang-sawa na sya sa katitext. Gusto naman daw nya yung nandun yung bf nya, katabi, kayakap, natititigan ang mga mata, napipisil ang mukha, nahahalikan ang mga labi, nakukurot ang singit, nasasampal ang b@y@g... nababatukan, nasasambunutan, napupokpok ng bato ang ulo. Yung mga ganun. At tinakot pa nya ako na kung tatagal pa ako dito sa abroad, wala na raw akong babes na makaka eyeball dahil sa panahon na iyon, meron na syang katabi, kayakap, kaharutan, kasampalan...

    At nung tinawagan ko kahapon, may sumagot na, lalaki at boses ex convict na kapapatay lang ng tao sabi, “O anung tinatawag-tawag mo? Wag ka nang manggulo pa kung ayaw mong mababasag ang bungo pag tuntong mo pa lang ng Pinas, nagkakaintindihan ba tayo?!!!

    Syempre, I froze, sa takot at sa sama na rin ng loob. At, sumiksik na sa utak ko... wala na si babes... Talagang pinalitan na ako. Antsakit-tsakit! Parang may tumusok sa bur@t, este puso ko. Parang biglang sumabog ang imbakan namin ng langis at nagunaw ang buong Saudi. Grabe, sobra.

    Hindi rin ako nakatiis at tinext sya. “Babes... sino yung sumagot sa phone?”

    “Tadu ka! Bat ka tumawag-tawag o nagtitext?! Yoko na sa iyo!”

    “Ok, ayoko na rin sa iyo, talipandas! Sino yung lalaking sumagot sakin? Sya bang ipinalit mo sakin? Ipinagpalit mo ako sa isang hired killer? Sino syaaaaaaaaaaa!!!!!”

    “Gago ka. Di mo alam? Tagal na nating nagtitext? Ako yun! Punyeta!”

    “T@**n@ mo babes! T@rant@do, g@go F*** U! Sinayang mo load ko, oras ko, naiinlove pa naman ako sa iyo... yun pala, may lawit ka. Ipakukulam kita! Mamatay ka na sanaaaaaaaaa! Waaahhhhhhh!”

    “Tenk u!”

    “Arrgggggggghhhhhhhhhhhhhhhhhhh!”

  2. #2

    Default Re: lab story

    hehehe lalaki pala!!!

  3. #3

    Default Re: lab story

    Quote Originally Posted by kreeshna_fei View Post
    hehehe lalaki pala!!!

    lalaki pala, buti tinawagan niya


  4. #4

    Default Re: lab story

    hahahaha!!!!!!!!!!


    grabe galit mo...

    puso mo...

    hahahaha!!

    lalaki pala..hahahah!!

    sayang pera para sa load at panahon mo..
    hahaha!!

  5. #5

    Default Re: lab story

    Quote Originally Posted by chuchai View Post

    Parang may tumusok sa bur@t, este puso ko.

    wahehe

    natawa ako sobra sa line na yan ah


  6. #6

    Lol Re: lab story

    hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha ha
    ang galing!
    grabe! kakatawa

  7. #7

    Default Re: lab story

    Hmmm...it got my atenx0n kaya ok siya.orig m0 p0 ba it0 auth0r?

  8. #8

    Default Re: lab story

    wow!.... bakla pla! qwhahaaha

Similar Threads

  1. internet lab part 1 mr. alangaaw stories
    By sponsored in forum Stories & Essays
    Replies: 9
    Last Post: 1st Feb 2013, 21:48
  2. A Lab Story
    By Ampy in forum Stories & Essays
    Replies: 9
    Last Post: 1st Jun 2012, 22:27
  3. Ang lab story ng dalawang langgam
    By kisses in forum Stories & Essays
    Replies: 1
    Last Post: 27th Jan 2008, 00:48

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •