Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 1 of 1
  1. #1

    Default [Guide] Pano Palitan Ang Black Background Ng Galaxy S4 I9505

    Share ko lang po yung paraan na ginagamit ko sa pagpalit ng Background ng DEODEXED S4 I9505 sa kahit anong kulay o image na gusto nyo:

    I. Tools:

    --> Windows PC (gamit ko windows 7)
    --> Dapat din nakainstall ang JRE (Java Runtime Environment sa computer. Java 7 ang gamit ko.
    --> Syempre ang apktool.zip. Ito ang gagamitin natin sa pag Decompile/Compile ng .apk files
    --> Notepad++ para .xml editing
    --> 7zip para sa pag drag/drop ng mga contents sa loob ng .zip files

    II. Preparation

    --> I-download at i-install ang JRE sa inyong Windows Computer
    --> I-download at i-extract ang apk.zip sa location na gusto nyo. Gumawa ako ng folder sa loob ng C: Drive at pinangalanan ko apktool. Nilagay ko sa loob ng folder na yan yung lahat ng laman ng extracted apktool.zip
    --> I-download at i-install ang Notepadd++ sa computer.

    ** Simula ngayon ang gagamitin ko ang "apktool" bilang pantukoy sa main folder na nakasave sa loob ng C: Drive

    III. Procedures

    --> Ihanda o kunin ang sumusunod na .apk files ng inyong phone at ilagay sa loob ng apktool folder.

    ...... framework-res.apk
    ...... twframework-res.apk

    **Parehong matatagpuan ang mga files na yan sa loob ng /system/framework. Gumamit ng RootExplorer para makuha ang files na yan sa inyong phone.

    --> Sa loob ng apktool folder, Hold Shift + Right Click sa empty space then select open command window here.
    --> Kailangan nating i-install/download ang dalawang .apk files sa computer gamit ang lumabas na command window: I-type ang sumusunod na commands.

    ...... apktool if framework-res.apk
    ...... apktool if twframework-res.apk

    **Kailangan natin ang dalawang files na yan kasi nakapaloob sa kanila yung mga resouce files na ginagamit ng iba pang apps sa ating phone.

    --> Yung kailangan file na kailangan nating i-modify ang ang framework-res.apk na rin mismo. Kung kaya kailangan natin syang i-decompile. I-type ang sumusunod na command gamit parin ang Command window.

    ...... apktool d framework-res.apk

    **Mapapansin nyo, sa loob ng apktool folder magkakaroon ng isang bagong folder na may pangalang framework-res. Sa loob nyan ganito ang makikita nyo:

    ...... assets (folder)
    ...... res (folder)
    ...... AndroidManifest.xml
    ...... apktool.yml

    --> Buksan ang folder /framework-res/res at sa loob nyan makakakita ng napakarami pang sub-folders. Hayaan na natin yung iba, ang kailangan lang natin ay ang:

    ...... drawable-nodpi (dito natin ilalagay ang image (.png) kung ang gusto nating gamiting background ay isang image
    ...... styles.xml (matatagpuan sa /framework-res/res/values/)

    --> Gamit ang Notepad++, buksan ang styles.xml.

    Gamit ang Find (Ctrl+F), hanapin ang sumusunod (ang RED ay Original at ang BLUE naman ay ang dapat nyong ipalit)

    a.) <style name="Theme">

    a.1) <item name="colorBackground">@color/background_dark</item>

    ---> <item name="colorBackground">@color/transparent</item>

    a.2) <item name="windowBackground">@drawable/screen_background_selector_dark</item>

    ---> <item name="windowBackground">@drawable/image</item> (kung gagamit ng image bilang background)
    ---> <item name="windowBackground">#TTRRGGBB</item> (kung gagamit ng kulay bilang background)

    b.) <style name="Theme.Black" parent="@style/Theme">
    <item name="colorBackground">@color/black</item>
    <item name="windowBackground">@color/black</item>

    ..... <style name="Theme.Black" parent="@style/Theme">
    <item name="colorBackground">@color/transparent</item>
    <item name="windowBackground">@drawable/image</item> (kung gagamit ng image as background)

    or:
    <item name="windowBackground">#TTRRGGBB</item> (kung gagamit ng color code as background)


    c) <style name="Theme.DeviceDefault" parent="@style/Theme.Holo">

    Hanapin ang: <item name="windowBackground">@drawable/tw_screen_background_selector_dark</item>
    Palitan ng: <item name="windowBackground">@drawable/image</item> (kung gagamit ng image as background)
    or: <item name="windowBackground">#TTRRGGBB</item> (kung gagamit kulay bilang background)


    ---> I-save at i-close ang styles.xml


    **image --> Gumawa ng image na 1080x1920 (ito yung resolution ng s4) at i-save bilang image.png at ilagay sa loob ng drawable-nodpi folder
    **TTRRGGBB --> color HEX code, ay TT ay transparency... ex: #FF000000 = black color

    III: Pag Re-compile ng apk

    --> para muling buuhin ang APK file, i-type ang command sa command window:

    ..... apktool b framework-res

    ** kung succesful ang pag compile at walang warning, magkakaroon kayo ng additional subfolder na dist sa loob ng apktool folder. Puntahan nyo yun at gamit ang 7zip, right-click nyo yung framework-res.apk file na nasa loob nun then select Open Archive.
    ** Ngayon Bumalik kayo sa loob ng apktool folder, right-click nyo yung original na framework-res.apk at select nyo din ang open archive. Mapapansin nyo na yung original file meron syang META-INF na folder, samantalang yung newly compiled na apk wala. Ang gagawin nyo lang, drag nyo META-INF ng original APK papunta dun sa Newly compiled APK.
    ** Close nyo na yung archives.
    ** Balik ka na kayo dun sa dist folder at pwede nyo nang i-flash sa device nyo yung framewor-res.apk na nandun.

    IV: Flashing/Install sa device

    ** Dahil system file yan, hindi gagana yung normal na pag-install, kailangan natin yang i-manual push sa loob ng /system/framework or via Custom Recovery gamit ang flashable.zip.

    Gamitin nyo ang empty flashble zip na 'to, Gamit ang 7zip, open archive then drag nyo yung apk sa loob ng /system/framework/

    I9505 framework.zip

    Note: Lahat ng mga apps na gamit sa styles.xml ang (Theme, Theme.Black, DeviceDeafault) ay mapapalitan ang background gaya ng (Settings, Contacts, Dialer, Messages, SuperSU na nakaset sa Dark ang Theme, RootExplorer, Downloads, Music, STK,...etc..)
    Heto yung sample screenshot ng modded framework-res.apk na pinalitan ng background

    original.png modified.png Screenshot_2015-01-08-20-08-08.png


    *** Kung magkakaroon kayo ng warning message na ".... has no default translation" sa pag compile, ganito ang gawin:

    1. Open Archive nyo yung original framework-res.apk at drag & drop/paste nyo ang META-INF at AndroidManifest.xml sa sumusunod na directory:

    -----> /apktool/framework-res/build/apk/

    2. Then recompile gamit command sa ibaba: Dapat wala nang warning na lalabas

    ------> apktool b framework-res

    3. Pumunta sa /apktool/framework-res/dist/ at kunin ang framework-res.apk at ilagay sa I9505 framework.zip.
    4. Flash sa device
    Last edited by jaylence10; 9th Jan 2015 at 10:47.

Similar Threads

  1. (help) pano palitan ang icon ng opera pls help niyo ko
    By Hackuletz16 in forum Android Software Chat
    Replies: 0
    Last Post: 18th Jun 2013, 16:13
  2. Replies: 12
    Last Post: 6th Jun 2012, 16:04
  3. pano po palitan ang multimedia key ng n70me
    By reycovirt in forum Microsoft & Nokia
    Replies: 4
    Last Post: 19th Jun 2009, 01:30

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •