Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23

Thread: Dugtungan Game

  1. #1

    Default Dugtungan Game

    Pakidugtungan nalang po ng uumpisahan kong kwento at titgnan natin kung saan aabot ang kwento natin.

    Ang kwento:

    Isang araw sa isang liblib na bayan, may isang nakatirang Lalake na ang pangalan ay Gorgonio.

  2. #2

    Default Re: Dugtungan Game

    Siya ay may apat na anak sa unang asawa at anim naman sa ikalawang asawa, sila ay mayroon ding mga alagang hayop sa kanilang bakuran may roon silang walong kambing, dalawanmpu't limang itik, apat na kalabaw, dalawang baka, dalawang gansa, limang pagong, dalawang dagang costa, anim na pusa, labing isang kalapati, pitong manok, at tatlong aso na ang mga pangalan ay bantay, tagpi, at batik. Umalis si Gorgorio upang mangahoy sa gubat, at ng siya'y nasa kalagitnaan na ng kagubatan ay may napansin siyang gumagalaw sa isang banda ng kumpol ng mga halaman

  3. #3

    Default Re: Dugtungan Game

    na ang pangalan ng halaman ay yellow bush

  4. #4

    Default Re: Dugtungan Game

    sa kumpol ng halaman na yellowbush may lumabas na kakaibang hayop mala alien ang itsura, pero sa tingin ni gorgonio eh mabait naman ito kaya inuwi nya ang hayop at pinangalanang Moby.......

  5. #5

    Default Re: Dugtungan Game

    Agad nya t0ng pina in0m ng c0ke at pinakain ng pandesal, 3 ta0n nya et0ng naging kaibigan hanggang sa..

  6. #6

    Default Re: Dugtungan Game

    Dumating ang isang araw at napansin ni Gorgonio na matamlay si Moby agad nya itong sinabi sa kanyang unang asawa na hanggang sa kasalukuyan ay nag gogoogle sa internet para malaman nya kung anung species ba talaga si Moby, "Sweetypie" pa sweet na sambit ni Gorgonio, maaari mo ba akong samahan patingnan natin sa beterinaryo si Moby?

    Eh nag gogoogle pako eh!!! Pasungit na sagot ng unang asawa.

    Puro ka Google, friendster, facebook, at myspace wala ka na bang ibang gagawin!!! pagalit na sigaw ni Gorgonio.

    Meron pa! "Twitter"... dugtong ng unang asawa.

    Teka nga pla panu ka nakaka connect sa internet eh nasa liblib na lugar tayo? nagtatakang tanung ni Gorgonio.

    Heller! naka Globe Tatoo ako! "Dahil sa Globe connected ka kahit saan" ngiting ngiting sagot ng unang asawa at sabay kindat!

    Lumipas ang apat na oras ng pakikipag usap ni Gorgonio sa kanyang unang asawa na sa kasalukuyan eh nag bo~blog! naman...

    Nang napansin ni Gorgonio na bumubula na bibig ni Moby, nataranta si Gorgonio at nagmadaling kinuha sa kanyang bulsa ang kanyang wallet na noo'y naglalaman ng mga credit cards, smart money, at ATM's, sabay sabing "Shit wala pala akong cash"! Ah di bahala na si batman! pabulong na sabi ni Gorgonio, sabay takbo bitbit si Moby na sa mga oras na yun eh nagkikikisay na

    Habang nakasakay sila ng "pedicab" paakyat ng bayan na ang layo ay 10kilometro mula sa kanilang bahay at may daan na mala "grand cannon road sa baguio" (as in Zigzag talaga!) napaisip si Gorgonio sabay tanong sa driver ng pedicab,

    Mama kaya mo ba yan??tanong ni Gorgonio sa driver ng pedicab

    Kakayanin Sir! Masiglang sagot ng driver sabay kislap ng ngipin kay Gorgonio?na nag blush matapos makita ang kisig at kintab ng ngipin ng driver

    Makalipas ang 2hours 39minutes and 16seconds, napansin ni Gorgonio na tahimik si Moby na noo'y parang lumunok ng sabong panlaba sa dami ng bula sa bibig....

    Hey! Moby gising malapit na tayo kaya mo yan!... Sabi ni Gorgonio

    Makalipas ulit ang 6na oras 4na minuto at 45na segundo nakarating na rin sina Gorgonio sa clinic ng beterenaryo

    Doc anu po bang lagay ni Moby? Pagaalalang tanong ni Gorgonio

    Kinalukungkot ko...
    Hinde! Oh Hinde! Sigaw ni Gorgonio na hindi na hinayaang tapusin ng Doctor ang kanyang sinasabi.

    Tumakbo papalabas ng clinic si Gorgonio ng umiiyak...

    Samantala habang umiiyak si Gorgonio sa ilalim ng puno ay napansin cya ng driver ng pedicab at ito'y lumapit...

  7. #7

    Default Re: Dugtungan Game

    "'Tsong, anu prublima nimu?" tanong ng driver..

    "Manong, hindi po ako si Nemo.. Tao po ako.. Si Gorgonio po.. " sagot ni Gorgonio..

    "Ala eh, ikaw pala ang nawawalang kapatid ni Gorgonia M.! Ala eh tara na't ihahatid kita sa mansyon nila.. Sakay ka na sa de-aircon kong pedicab.." sabi ng driver..

    "Pero..." sambit ni Gorgonio..

    "Ala eh wala nang paarte-arte.. Halika na't luluwas na tayo eh.." sagot ng driver..

    "Mo0o0o0o0o0obbbyyyYyyY!!!" sigaw ni Gorgonio..

    Narinig ni Moby ang sigaw.. Ngunit binalewala lang niya ito at tinitigan ang doktor na hindi malaman kung bakla o tomboy..

    Kinaladkad ng driver ng pedicab si Gorgoni.. Isinakay sa pedicab niyang patok.. At inihatid sa mansyon ni Gorgonia M.

    "Ito ba ang bahay ni Gorgonia M.?" tanong ni Gorgonio..

    "Ala eh eto nga iho eh.." sagot ng driver..

    Pagpasok ni Gorgonio sa mansyon..

  8. #8

    Default Re: Dugtungan Game

    Sinalubong siya ng dalawang guard. "Can i help you?" tanong ng guard na kamuka ni Michael Jackson.
    "yes, am luking por Gorgonio M. Wat do yu nid? tanong ng isa pang guard sabay bunot ng baril saka itinutok sa ating bida.
    Ngulat si Gorgonio at inagaw ang baril, binaril sa mata ang sekyu hanggang sa mapatay nya pareho. Sa nangyari di napansin na nandun din
    at nasaksihan nila Tito,Vik,at Joey ang pangyayari. Tumakbo si Gorgonio at npansin nyang hinahabol ng cya ng mga pulis. Nakaabot cya sa isang dead end n sulok ng 7eleven. "Sumuko ka na!" sabi ng isa. "Hindi ako susuko! Mgpapakamatay ako!" isinubo nya ang baril sabay kalabit sa gatilyo. Wala n pala tong bala. "Pwede bang makahingi ng bala?" tanong ni gorgonio. "Eh sira ka pala eh!!" sabi ng pulis sabay pinagbabaril ng mga pulis. Namatay c Gorgonio..

  9. #9

    Default Re: Dugtungan Game

    "THE END"..













    ang sambit ng mga pulis. Hindi nila napansin na buhay pa pala si Gorgonio..

    "Wais ata 'to, parang surf..!" sambit ni Gorgonio.. May bullet proof vest pala ang loko.. Hindi napansin ng mga pulis na nag-uusap na kumuha pala ng mga baso ng slurpee mula sa 7eleven si Gorgonio. "Hehe.. yari sila sa'kin" bulong niya sa sarili..

    Pagtingin ng mga pulis kay Gorgonio.. "Mga pare, slurpees!!!" sigaw ng pagkagulat ng mga pulis..

    "Fire!!! Tugugs, tugangs, bugoinkz, bang bang bush!!!" atake ni Gorgonio..

    Napuno ng slurpee ang mga pulis at nabaril nila ang isa't isa.. Patay lahat.. "Ang galing-galing mo talaga Gorgonio, tsk!" sambit ni Gorgonio sa sarili.

    Sa malayo'y nakatingin ang isang matandang nakasakay sa patok na pedicab.. Magara ang pananamit.. Si Gorgonia M. ...

  10. #10

    Default Re: Dugtungan Game

    Gorgonia macapagal na ngayoy gumagamit ng gloria macapagal

Page 1 of 3 123 LastLast

Similar Threads

  1. DUGTUNGAN [ Miami Heat vs LA Lakers ] Game
    By jundhel03 in forum Sports Chat
    Replies: 2
    Last Post: 30th Mar 2013, 17:54
  2. DUGTUNGAN GAME.. 18+ version
    By wattafvcku in forum Gags & Jokes
    Replies: 2
    Last Post: 29th Mar 2013, 07:37
  3. Dugtungan Game
    By zoombeee in forum Gags & Jokes
    Replies: 2
    Last Post: 3rd Apr 2011, 23:50
  4. Replies: 4
    Last Post: 26th Jul 2010, 20:54

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •