Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 5 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 48
  1. #1

    Coffee Trust (pangalawang pagkasira)

    Guys pahelp naman po. Hingi lang ako ng advice or suggestion kung ano gagawin about sa sitwasyon ko ngaun. Kailangan ko po ng pasensya nyo sa pagbabasa nito kasi medyo mahaba po. Hehehe. Ang mga pangalan po na gagamitin ko dito ay mga hindi tunay na pangalan para narin sa privacy ng mga sangkot dito.

    Here it goes:

    Way back 2009, may naging GF po ako (wife ko na ngayon) at tawagin nalang natin sya sa pangalang "Charmie". She is working as a call center agent somewhere in Quezon city. Diko na po babanggititn yung name ng company. By that time, masaya po kami, inaamin ko po may nangyayari between us. Hanggang sa dumating yung time na kelangan ko mag abroad (Saudi) nung 2011. Yearly po ako umuuwi and every uwi ko po, ng 2012,2013, and April 2014 ay lagi kaming namamsyal, may quality time po kami lagi at namimiss po namin ang isat isa.

    Hanggang dumating yung time na kailangan ko na naman bumalik ns abroad nung June 13,2014. isang linggo po after ng pagbalik ko ng abroad meron kami hindi pinagkaintindihan regarding sa pagpapakasal. Ang gusto nya po ay magpakasal na kami kahit huwes lang at magka babay na pero ang gusto ko naman ay magpakasal sa simbahan kaya kelangan pa namin mag ipon. Naayos naman po namin yugn argument na yun. Hanggang sa dumaitng yung December 25, 2014 may nabasa po ako sa messenger nya (di po nya alam na nabubuksan ko messenger nya kahit nasa abroad ako) na may ka chat syang guy. Tawagin natin sya sa name na "Nardo". At yung pag cha chat po nila na yun, kung i analyze mo ay parang may nangyari na po sa kanila. Iyak na iyak po ako that time habang kausap sya. Pero sinabi po sakin ni Charmie na wala po nangyari sa kanila. Kaya pinatawad ko nalang po sya. After non, naging on the rocks na relasyon namin, pero naayos naman namin before ako umuwi nung June 2015

    Ang Pag bakasyon (year 2015):

    June 2015 po nagbakasyon ako ng pinas at dumiretso sa boarding house ni charmie. Hindi po nya alam na uuwi ako that time. Wala naman po sya kasama sa kwarto or ano man yun. Niyakap ko po sya, at yumakap din. Nung matutulog na po kami, sinubukan ko sya ulit yakapin gaya ng ginagawa ko dati pero ayaw nya. Nilalambing ko po sya pero nagagalit sya. Napahiya po ako that time pero diko nalang pinahalata. Di po ako nagtanong kung bakit. Naisip ko baka wala lang sa mood. Sa sobrang pagka disappoint ko, umuwi po ako ng province namin dis oras ng gabi. Pagdating ko po ng terminal, nagtext ako sakanya at pabiro ko sinabi na "ang ilap mo na". Nag reply po si Charmie na di na daw po sya comfortable sakin. So diko po alam kung break na ba kami that time or kung kami pa. Nag assume nalang ako na kami pa. Hanggang sa nagkaayos ulit naman kami 1 week after.

    Emergency Leave (January 2016)

    Dumating po yung time na kelangan ko na ulit bumalik ng saudi sa month of July 2015. So ok naman po yung "bagong" start namin. Constant communication, etc. Masaya naman po. October 2015 po nung may umuwi akong ka work. Dahil po dun, nagpadala ako ng phone no Samasung Galaxy S6 sakanya bilang regalo narin kay Charmie. Dedember 2015 po nung madiscover ko po na may bukol sa may left groin ko. Ang diagnosis po ng Saudi hospital eh cancerous daw and need maoperahan. Natakot po ako magpa oera dito kaya mas pinli ko nalang umuwi ng pinas in my own expense. So nakauwi naman po ako agad ng January 2016 at nagpa opera agad and ayon sa biopsy eh hindi naman cancerous. Benign lang kumbaga in medical term. Dahil dun, sinamantala ko na makasama si Charmie dahil 35 days lang po ang approved na emergency leave ko. My time din na natanong ko ang tungkol kay Ador. Tinanong ko na what if hindi sya lumipat ng work? "kayo" parin ba?. Sagot ni Charmie, "tatapatin kita ha?.. uhmmm diko lang alam. lagi kasi sya nagpapatawa, my humour kasi, at seryoso sa buhay". Kahit masakit yung narinig ko, di nalang ako nag comment. Insip ko ang mahalaga eh tapos na yun.

    Puerto Galera (Feb 2016)

    Nagtext po ang GF ko sakin na kung pwede daw ay mag pupuerto galera daw sila ng mga ka work nya ng Feb 15. Pumayag naman po ako atleast mga katrabaho nya yung kasama nya. Hanggang sa 1 week before ng pagpunta nila eh nag backout yung isang kasama nila. Nagbiro nalang yung GF ko na kaming dalawa nalang ang pumunta. Syempre oo naman agad ako. Naisip ko na baka by that time eh makaka score ako ng marami kasi 3 nights 4 days kami dun. hehehehe. (devil laugh). So nagpunta na kmi ng puerto as napag usapan. First night po namin dun, may nangayari naman kaso pahirapan talaga dumiskarte. Unlike nung 2014. Ok naman kami sa mga activities, masaya, sweet, pero yung "contact" lang talaga hindi. Naisip ko baka bumaba na talaga libido nya. Second night, wala nangyari. Third night, may nagyari. Pahirapan ulit.

    Goiing back to work from Emergency Leave(Feb 22,2016)

    So flight ko na. Ang next tentative na uwi ko ay July 2016. Nung March 2016, may isa po ulit akong ka trabaho na umuwi at nagbakasyon sa pinas. Ako naman po ulit ay bumili ng Samsung Galaxy S7 Edge at pinabigay ko po sakanya. Pero eto ngayon, may nabasa po ako sa isang forum dito tungkol sa smstracker na app. Naisip ko po na bakit diko subukang ilagay sa phone na ibibgay ko?. So yun na nga, ininstall ko po yung app na yun sa phone na binigay ko sakanya. Gumagana naman yung app. yun ngalang, kapag hindi "purchased" yung mga features, yung mga text last 6 hours ago mula nung nag online sya ang mag aapear. Since wala po ako master Card or Visa card that time, pinagtyagaan ko nalang po. May mga nabasa naman po ako pero karmihan text ko na. At mga tumawag sakanya pero walang name since trial nga lang yun. Naisip ko na baka akin yun kasi lagi ako tumatwag sknya. At wala na akong nakitang text ni Ador.

    The proposal (April 2016)

    April po nung naisip ko na mag propose sakanya. Naisip ko na sya na talaga yung babaeng makakasama ko habang buhay. At ready nako magpakasal. Sabi ko December kami magpakasal and since July uwi ko, nag extend contract nalang ako till December 2016 para makapag ipon narin at makapg pasko at new year manlang kasama sya. Sa loob ng mga buwan na ginugol ko sa Saudi, naging habit ko na ang tignan yung mga text nya thru smstracker.com. Gaya nga ng sinabi ko, yung mga messages lang last 6 hours ang nagpapakita. Nung November 25, 2016 naisipan ko na naman na tignan mga text nya kagay ng nakagawian ko tuwing mag oonline ako. Laking Gulat ko nung may maga message na galing sa nagngangalang "Ad". Nasisp ko, "hidi kaya si Ador na naman to?". eto ang conversation nila na naabutan ko:

    A: ingat kayo sa lakad nyo
    C: ok. wag na mag booking
    A: oo. sayo nalang
    C: oo sakin nalang
    A: ayaw mo naman yta?
    C: xempre gusto. pero matulog ka muna
    A: pag nagkita tayo humanda ka skin
    C: talaga lang?
    A: ingat
    C: ok gudnyt

    Nung mabasa ko to, kinabahan agad ako. pero inisip ko na baka malapit na kaibigan nya lang at agnun lang talaga sila ka close. Tinanong ko sya at tumawag ako sakanya regarding dun. Sbi ko na wrong send sya skin para di sya mag isip kung panu ko nalaman na may mga ganon silang conversation. Sbi nya wala lang daw yun. Friend daw nya na grab car driver eh mag bobooking daw sana sila paputang tagaytay ng mga workmate nia (nagtagaytay sila that time) pero kinancel nalang daw. So sinabi ko sakanya na kinakabahan na naman ako. Sabi nya wala daw yun.

    The Marriage (Dec 2016)

    So kinasal na kami, after the long wait. masaya ang kasal. nag honeymoon kami sa ibat ibang lugar, pasyal dito pasyal dun, pero syempre talagang "mailap" parin sya. Hanggang sa natanggap ulit ako sa panobagong company sa Saudi. Mas malaki ng konte yung bigay kaya tinanggap ko yung offer. January 2017 nung inasikaso ko mga papers ko etc including bank accounnts. May nag offer pa na isang bank na visa card or yung tinatawag nilang international atm na prepaid. So nag apply ako nun since wala namang maintaining balance.

    The Truth Reveals (Last part)

    So pauwi ako nun ng probinsya para naman makasama ko yung pamilya ko. Iniwan ko muna pansmantal asawa ko sa manila since andun yung work niya at di sya makakasama sakin kasi ubos na nya LOA nya. Habang nasa bus ako, that was January 26, 2017, naisip ko bigla na mayron na pala akong "visa" na card. Bakit diko subukang mag upgrade about sa smstracker na yun kahit 1 month lang?. So ganun na ginawa ko. 3 hours before ako makarating samin binobrowse ko mga text nia since April 2016. Laking gulat ko nung makita ko na yung si "Ad" pala ay si Ador! At ang mga texts nila ay talagang nakapan lulumo. Halos bagsakan ako na limang toneladang semento nung nabas ko mga conversations nila!. Nag luv u luv u pa silang dalawa, pinagkukuwentuhan pa nila kung ano mga ginawa nila, pati yung pagkikita nila kung pano, nabasa ko rin. Diko alam gagawin ko that time guys. Gusto ko umiyak sa bus pero diko mgawa. Ganun paman, diko pinahalata sakanya na may nalaman na ako. casual lang text namin. pero ang bigat bigat ng dib dib ko that time. Di ako nakatulog ng thursday ng gabi. Kaya nagdecide ako na bumalik agad ng manila na friday ng hapon.

    Ang Paghaharap

    So bumiyahe ako ng friday ng hapon na di nya alam. Automatic, madaling ara na ng sabado ako makakarating. Tamang tama kasi restday nya ng sabado ata 6:30 ng umaga sya dumadating. Nanginignig parin ako that time. Nakarating na nga ako ng manila sa apartment nya ng mga 3 AM. Di na ako natulog kasi di talaga ako makatulog. hanggang sa dumating na sya galing work ng mga 6:45 ng umaga. nagtaka sya bakit daw bumalik ako agad. Sinabi ko na may aasikasuhin lang at may aayusin na problema. Di parin ako nagpahalata. Hanggan sa nakabihis na sya ng pambahay. Dina ako nakatiis. Niyakap ko sya sbay tanong kung ano meron sila ni "Ad". Sbi ko alam ko na ang lahat. Umiyak sya, niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Yung yakap na di ako makakawala. Umiyak ako that time. Nilabas ko lahat ng hinanakit ko sakanya, na kaya pala ang ilap nya, kaya pala ayaw nya pag usapan mga ganung bagay. Humagulgol sya ng humagulgol. hinayaan ko lang sya. Sinabi nya na kaya daw pumayag sya na magpakasal na kami kasi ayaw na daw nya. shit sabi ko. April ako nag propose sayo tapo yan ang sasabihin mo?. Bigla kami tumahimik na dalawa. Nag isip ako kung ano sasabihin. Sabi ko "sige pinapatawad na kita. Mapatawad kita pero diko kayang malimutan yun at diko alam kung paano kita paniniwalaan ulit". Umiyak na naman sya. This time mas malakas na,. sinsabi nya na "ang sama sama ko! wala ka ginwa sakin pero ganito ginanti ko sayo". iyak parin ng iyak.. Ngayon nasa abroad na ulit ako. Tama po kaya ginawa ko? kasi nakikita ko naman na nag eeffort na sya na maibalik yung dating kami,. Pag naiisip ko lang talaga yung nangyari, masakit parin. Ano po ba magndang gawin para hindi ko na maisip na baka maulit na naman yun?

    Pasensya na po kayo mahaba ang kuwento. Thanks sa mga nagtyagang magbasa. Sa hindi, thanks parin! hehehe

  2. #2

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    magfile ka ng legal separation bro or annualment.di sya karapat dapat sayo.prangkahan lang po

  3. #3

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    Di kaya po mahal yun? At tsaka ano po magiging basis ng annulment kung sakali? Since outside marriage po nangyari ang betrayal?

  4. #4

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    sakit nyan boss! ako sayo wag kana mag tyaga dyan tsk! there will come a time na isusumbat at issumbat mo tlaga sa kanya yung mga pinag gagawa nya sayo. lalo na't pag nag aaway kayo boss. safe to say okay kayo ngayon kasi hindi pa nanunumbalik yung pagging 100% okay nyo kaya "nag e'effort" pa. baka nag work lang ngayon na medyo okay sya kasi may kasalanan, pero sa susunod hindi na. minimize mo yung pag hahabol mo. still hoping tho ma fix nyo kasi sayang kasal kayo!

  5. #5

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    tama hiwaalayan mu na..hangat maaga pa wala pa kau anak..pwede mu gamitiin ebidensyya ung tx pra mpadali ang proseso ng paghihiwalay niu....mas mabutti pa na masaaktan ka s paaghihiwalay niu kesa nman kayo nga peru s tuwingg naalala mu ung ginawa nia naghihirap ka ng pangmatagalan...lalo pa nasa abroad ka hindi imposible na mangyari ulet un...

  6. #6

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    kung mahal mo talaga forget everything, kung masaya ka pa kasama sha, go lan, there always be a second chance to everyone, if mag failed ulit den find new one.

    Next time wag ka magbasa ng phone ng di sayu. OK

  7. #7

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    since nag sisi naman si girl bigyan mong chance wag mo munang pakasalan . mag bonding muna kayo hanggan malimut mo lahat ng sakit. alam ko tayong mga lalaki mas mataas pa pride natin kesa sa mga babae. pero pre hindi nakakain yung pride basta love mo isang girl patawarin mo pag inulit nya uli alisan muna ikaw na mismo wag nang mag pakita..

  8. #8

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    uu ts hiwalayan mo na yan. ikaw din ang magdudusa lalo na pag nagkaanak kayo. imbis na isa mamaya magulat ka 3 na anak mo. gets namin pakiramdam mo.pero kaw pa rin makapag dedecide nyan. huhu goodluck to ur desisyon

  9. #9

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    Naiyak ako sobra. Grabe ang sakit sa puso, pano pa kaya sayo. Hirap kasi TS nasa malayo ka so kahit past na yun palagay ko hirap ka na ibalik ulit yung trust mo. SAna makapag usap kayo ng maayos and malaman mo kung ikaw ba talaga ang pinili niya kasi ikaw ang pinakasalan niya. Pero mahirap talaga yan sana mas mahigitan yung pagmamahal mo sa kanya and matanggap mo na yung past. Sana magpakatatag ka.

  10. #10

    Default Re: Trust (pangalawang pagkasira)

    sa nabasa ko,pinakasalan ka lang nya para mahinto na nya yung ginagawa nya at makakalas sa lalaki. parang hindi naman yata tama yun,kasi kung hindi kayo nagpakasal eh d diretso at ipot mo...sad to say bro pero yan ang totoo. sigurado ako na may mas karapat-dapat sayo na darating. "nasayo pa rin ang desisyon"

Page 1 of 5 123 ... LastLast

Similar Threads

  1. Earn A Girl's Trust Back After Lying
    By -black panda- in forum Love & Friendship
    Replies: 2
    Last Post: 4th Mar 2008, 14:13

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •