Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 3 of 7 FirstFirst 12345 ... LastLast
Results 21 to 30 of 69
  1. #21

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    up up waiting sa update

  2. #22

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    Nice story ts. Tuloy mo na please.

  3. #23

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    Wait lang po kayo nakakabwisit kasi mga tv network kasi ung idea ko tumutugma sa mga bagong ipapalabas nila, bilang author po nito ayoko ko po maquestion ang credible ko kasi masasaktan ako so para maiwasan un need ko palitan lahat although sabi ko sa inyo is buo na talaga ito pero dhil sa tv need ko ireplace ang majority scene sa imagination ko... sana maintindihan nyo po maraming salamat po.

    Give me two days magiiba lang ako ng style at seriously need ko ibahin ang imagination ko lalo na ung mga part na napapaluha ako pag naiisip ko ung mga scene na un (sana maluha din kayo pag nabasa nyo na) basta two days start bukas
    Last edited by secondL; 4th May 2017 at 20:19.

  4. #24

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    sige boss maraming salamat. wag kang mag alala buo ang suporta namin sayo at sa kwento mo.

  5. #25

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    ayus boss..thanks

  6. #26

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    oo nga boss copy paste lang sila sa ideya mo hayaan mo atleast sayo naman galing ikaw ang original boss keep it up!!

  7. #27

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    Still waiting sa update ni boss. Sana ipost na yung kasunod ��

  8. #28

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    eto na sya.. TS galingan mo ha. Kaya mo yan pati gf ko inaaway n ako kasi tagal tagal n daw di nassundan at araw araw nya pinapasilip d2 sa Mobilarian ung latest part. haaha

  9. #29

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 5

    PART 5

    Panibagong araw na naman ang nagsimula at naglalakad si Francis patungong school, suot nya ang bracelet at malalim ang kanyang iniisip.

    Nang nasa loob na sya ng school napansin nya amg isang binatilyo na nakatayo malapit sa entrance area nakatitig sa mga estudyante nagpapasukan, pinagmasdan nya lang ito habang papalayo

    At nakita nya si Abby na pinapark ang kanyang bisikleta

    Francis: Morning...kamusta na bike mo?

    Abby: Uy ikaw pala morning din heto ok na ok na sya, kaw kamusta ka?

    Francis: Ganito pa rin oh pano kita kits na lng ulit if may problema ka sa bike mo, sabihin mo lang sa akin ah basta may discount ako sa shop nyo

    Abby: HAHAHAHA oo sige ingat ka

    Habang naglalakad palayo si Francis, may pahabol pa sya sinabi at kumakaway

    Francis: Masarap pala ung goto na nabili ko nung isang araw

    At napansin ni Abby ung bracelet na suot nya

    Abby: Oo salamat...( pakiramdam ko nakita ko na ung bracelet na suot nya?), siguro baka saan ko lng nakita un

    Nasa classroom na si Francis ng nakita nya ulit ung binatilyo at may kausap sya isang lalaki na parang nakikiusap sya.

    Natapos ang ilang oras vacant time ni Francis ng maisipan nya tumambay sa ilalim ng mga puno at nakita nya ung binatilyo na nagwawalis, ng makita nya na may kumakalkal sa bag nya at may kinuha. Agad naman kumilos si Francis para bawiin sa mga estudyante ung kinuha nila

    Francis: Ahm sayo ata itong mga gamit nakita ko ksi kinalkal nila bag mo dun habang nagwawalis ka

    Young Man: Naku salamat, buti na lang at nakita mo, maraming salamat talaga ah

    Francis: Naku wala un madalas talaga ako tumatambay dito at nakita ko lang ahm working student ka pala

    Young Man: ahm oo need ko kasi pagkakakitaan eh, ako pala si Tony

    Francis: Francis isa akong Law student ikaw ba?

    Tony: Ahm high school student ako

    Francis: Matagal ka na ba working student? kasi ako rin eh katulad mo as a maintenance crew naman

    Tony: Talaga? saan naman?

    Francis: Sa Red Dragon Empire

    Tony: Teka dba yan ung pinakamalaking company sa mundo?

    Francis: Oo eh

    Tony: Uy baka pwede rumaket dyan kung may vacant position

    Francis: Hahahaha hindi ko alam pero promise pag meron sabihan kita agad

    Tony: Sabi mo yan ah, uy teka may baon ako marami akong dala tara samahan mo ko kumain

    Francis: Huh? ah eh sige mapilit ka eh hahahaha

    At nilabas nga ni Tony ang kanyang baon isang malaking baunan na pwede kumain ang 3-4 na katao

    Francis: Ang laki naman ng baunan mo ikaw lang kakain nyan?

    Tony: Oo kulang pa nga sa akin ito eh dahil andyan ka at tinulungan mo ko hayaan mo ko hatian ka sa baon ko

    Francis: Hahahaha o sge dahil mapilit ka hati tyo sa baon mo

    At kumain sila pero sa unang subo pa lang ni Francis hindi sya nasarapan at sobrang alat pero ng tignan nya si Tony ganado at masaya sya sa baon na dala nya

    Francis: Bakit parang nasasarapan pa sya sa baon nya eh sobrang alat kaya, teka try ko ung iba baka heto lng ung maalat

    Ngunit tulad sa unang nakain nya ung sinubukan nya at ubod naman ng asim, at sumubok pa rin sya pero hindi kaaya aya ang lasa ng pagkain pero si Tony ganado at talagang nasasarapan sya sa kanyang baon.

    Tony: Masarap ung baon ko dba? Luto yan ng nanay ko, minsan sama ka sa bahay makikita mo ang galing magluto ng nanay ko

    Francis: Talaga? ahh cge minsan pasyal ako sa bahay nyo medyo busog na rin ako salamat sa baon mo ah

    At habang kumakain sila may ilang estudyante ang naglapitan sa kanila at may tira silang pagkain.

    Student1: Tony may sobrang pagkain ako gusto mo sayo na?

    Tony: Uy sige mukhang masarap yan ah

    Student2: Heto rin Tony d ko naubos sayo na

    Tony: Uy salamat ah

    At nagtataka si Francis bakit parang may hindi tama sa nakikita nya

    Student1: Heto oh lapag ko na sa lupa
    Student2: Heto rin oh

    At ng kukunin na ni Tony ung mga tirang pagkain, nakangiti ang mga estudyante at bigla sinabuyan ng buhangin gamit ang kanilang mga paa ang pagkain. At nabigla si Francis

    Tony: Naku sayang naman ung pagkain

    Students: Naku sorry namanhid kasi ung mga paa namin kasi galing kami sa practice eh sayang sobrang sarap pa naman nun

    Alam ni Francis na sinadya talaga gawin un pero ng tignan nya si Tony dinampot nya pa rin at tsaka nya hinugasan ang pagkain at nilagay nya sa malinis na baunan nya. Nakangiti pa rin si Tony at nagpasalamat sa mga nagbigay

    Tony: Salamat sa pagkain ah

    Students: Naku wala un sige pakabusog ka ah

    At umalis na ang mga estudyante at naiwan sila Francis

    Tony: Sige kuya una na ako sayo ah may gagawin pa kasi ako eh

    Francis: Teka ung pagkain bakit mo pa dinampot un kahit marumi na at hingusahan mo pa

    Tony: Hayaan mo na kuya d naman gaano nalagyan ng dumi eh tsaka pwede pa, sa susunod na araw dun tyo sa bahay ah

    Francis: sigurado ka ba hindi na ata safe kainin yan? ah sige wala ako pasok nun

    Tony: sige kuya hanggang sa muli

    At tuluyan na iniwan si Francis na nag aalala sa kanya. Natapos ang isang buong araw at naisipan nya pumunta sa isang plaza, nakita nya si Tony na naglilinis ng mga sapatos at lumapit sya ng kaunti at pinagmasdan nya, nakita nya ung baunan na pinaglipatan ng maruming pagkain at malapit na maubos.

    Tony: Sir ok na po ang sapatos nyo ok na po ba ang ganitong kintab?

    Customer: aba oo nga ah makintab nga dahil dyan dadagdagan ko ang bayad ko at masipag ka oh heto kita tyo sa susunod na araw

    Tony: Naku sir maraming salamat po hayaan nyo po sa susunod mas iigihan ko pa ang paglilinis ng sapatos nyo andito lang po ako lagi sa lugar na ito

    At iniwan na sya ng customer ng may lumapit na isang lalaki ulit at binigyan ni Tony ng pera at umalis agad ito

    Francis: Sino kaya ung lalaki na un at bakit binigyan nya ng pera?

    Umalis na si Tony at naglakad na ito, sinundan naman ni Francis dahil sa curious sya sa buhay ni Tony

    At nakarating sila sa bahay ni Tony at nagtago ulit si Francis.

    Francis: Kung pagbabasehan ung bahay hindi naman sila ung masasabing kapos sa pera pero bakit ganun na lang magtrabaho si Tony?

    Tony: Nanay andito na po ako, hmmmmmm ang bango naman ng niluluto nyo nay

    Tony's Mother: Oh andyan ka na pala sakto tapos na ako magluto magpalit ka na ng damit at kumain ka na rin

    At sa malayo tanaw ni Francis na masaya si Tony. At tsaka na nya napagpasyahan na umalis na.

    Sa kabilang dako...

    Si John Carlo ay may kausap sa phone, at sa kalagitnaan ng kanilang usapan lingid sa kaalaman niya ay may nakikinig at ito ung personal butler ni Cassey mula sa Montemayor Empire na ngunit ilang saglit pa ay bigla na lang ito nalaslasan ng leeg ng isang assassin.

    John Carlo: Nararapat lang sa kanya yan dahil ang mga hindi na dapat malaman ay dapat lihim lang, kayo na bahala dyan at gusto ko malinis

    Assasin: Masusunod po young master.

    John Carlo: Ngayon maayos natupad ang ilang plano ilang panahon naman at matatapos na rin ang procedure ni Cassey at agad namin idadaos ang kasal.

    At may tumawag ulit sa phone nya mula sa Pilipinas.

    Research Team: Young Master may nalaman kaming ilang information buhat sa ahensya ng gobyerno. Si Christian po ay lumipad dyan ayon po sa isang record. Nangalap din kami ng information mula sa school na pinasukan ni Lady Thea na may isang insidente na muntik pala itong masagasaan, at bilang pasasalamat ng pamilya Montemayor ung nagligtas kay Lady Thea ay tinayuan ng isang rebulto na nakapanglan kay Francis Santos ngunit sa kasamaang palad wala kaming makitang larawan nung Francis at hinanap namin ang kanyang pamilya at nalaman nmin na ulilang lubos pala ito, at ang kumupkop sa kanya ay wala na sa lugar na ito.

    John Carlo: Si Christian pumunta dito sa Italy? ano pakay nya at bakit hindi ko nalaman un?

    Research Team: Paumanhin po young master ngunit nalaman po namin ito huli na at nakabalik na rin po si Christian dito sa Pilipinas, siguro po business trip lang po iyon

    John Carlo: Sige ipagpatuloy nyo lang ang paghahanap at kung may malaman kayo lalo na sa hinahanap natin ipagbigay alam nyo agad

    Research Team: Makakaasa po kayo young master, sige po hanggang sa muli

    At naputol na ang usapan nila sa telepono ng may bumabagabag sa isip ni John Carlo

    John Carlo: Bakit pumunta si Christian ng hindi ko namamalayan? Mukhang nagmamatured na ata ang taong un...Christian ano ang pinaplano mo alam ko tutol ka sa akin para sa ate mo, magaling ka at nakapunta ka dito ng hindi ko namamalayan.

    TO BE CONTINUE...

  10. #30

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 5

    salamat sa update boss

Page 3 of 7 FirstFirst 12345 ... LastLast

Similar Threads

  1. The Ugly Princess..
    By Ruanne in forum Gags & Jokes
    Replies: 8
    Last Post: 13th May 2009, 09:31

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •