Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 7 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 69
  1. #1

    Hats Off Save The Hopeless Princess PART 7

    Part 1

    Marjorie: hooy! aalis na kami hindi ka ba talaga sasama?
    Francis: Hindi na mag enjoy na lang kayo ate
    Marjorie's Husband: Are you sure men?
    Francis: Yeah just enjoy and its your anniversary
    Marjorie's Husband: Ok, hey i forgot to give you this
    Francis: Oh? what is this?
    Marjorie's Husband: Hahaha come'on just open it men, its our gift to you for being here for 5 years
    Marjorie: Naiisip ko na bigyan ka namin ng ganyan para pag namamasyal ka eh pag gusto mo irecord ang lakad mo
    para maganda naman ang recording diba?!
    Francis: Wow! ate ang ganda nito ah! salamat ah, hey thank you bro!
    Marjorie: Nagustuhan mo ba?
    Francis: Oo naman sakto to habang nagmamasyal ako eh rerecord ko mga magagandang view dito
    Marjorie: Hoy ingat ka ah,
    Francis: Kayo din sige na ate at baka malate kayo sa biyahe nyo
    Marjorie: Sige kaw din tawag ka na lang pag may problema ah
    Francis: Ok ate

    5 years na ang lumipas mula ng sumama si Francis sa ate nya, nanirahan sila sa Italy kung saan nakadestino ang asawa ng ate
    nya, at dun na rin siya nag aral ng law...Kaya naman sya suportahan ng mag asawa pero gusto pa rin ni Francis na magkaroon ng
    trabaho pagkatapos ng pag aaral nya sa umaga at hindi naman pinagkait sa kanya ng ate nya kaya pumayag ito hanggang kaya nya pagsabayin.
    Nagtatrabaho si Francis bilang housekeeper sa red dragon business empire, may mga kapwa pinoy din na nagtatrabaho dun

    Co-worker 1: Francis, pagkatapos mo dyan sunod ka na lang sa 19th floor ah umpisahan ko ng linisin yun para kahit papaano
    kumokonti ang trabaho natin
    Francis: Sige po sir, ayusin ko lang to tapos na rin ako maglinis dito

    Umalis na ang kasama ni Francis, at patuloy lang sa paggawa si Francis at natapos din sa kanyang ginagawa ng may pumasok
    sa session hall kung saan sila naglilinis

    Secretary officer: Young Master biglaan po ata ang inyong pagdating at hindi man lang po kami nakapaghanda
    John Carlo: Ok lang wag na kayo mag abala dumaan lang kami dito dahil galing kami sa isang meeting, si Mr. Barsolino wala pa ba sya?
    Secretary officer: Ah sir may dinaan po sya pero papunta na rin po sya dito nauna lang po ako dahil galing po ako sa vacation
    leave
    John Carlo: Ganun ba? ok lang wala naman ako appointment sa kanya

    Hindi nila namalayan na nasa sulok lang si Francis at pinagmamasdan sila, nang paalis na sana sila nakita nila si Francis at
    dahan dahan naman yumuko ang binata para magbigay galang sa mga ito

    Francis: Good Morning Sir

    At hindi na nila binigyan ng pansin at nagpatuloy sila sa paglabas ng hall

    John Carlo: Ah secretary napagisip isip ko na mula ngayon eh kasama nyo na ako sa tower na ito, ang sabi sa akin ni Papa eh
    habang maaga pa ay subukan ko na daw magmanage ng isang branch natin para sa ganun ako na ang papalit sa kanya, ano sa
    palagay mo secretary?
    Secretary Officer: Young Master wala naman po ako nakikita problema dito para sa akin maganda po na dito kayo magumpisa bukod
    sa ito ang pinakamaliit na branch eh nakakasiguro po ako na hindi kayo mahihirapan dito
    John Carlo: Sige, Oo nga pala kailangan ko ng 2 unit kung maari eh hindi gaano kalaki para sa akin at yung isa eh para sa 2 tao
    Secretary: Makakaasa po young master, kailangan nyo din ba ng security sir?
    John Carlo: Sa akin kahit wag na, tatanungin ko na lang sya kung gusto nya
    Secretary: Young Master may kailangan pa po ba kayo ipaayos?
    John Carlo: Wala na....oo nga pala gusto ko makita ang employee list mula sa ibat ibang department lalo na ung sa trade department
    Secretary: Sige po young master ibibigay ko po mamaya
    John Carlo: Yun lang makakaalis ka na

    At nagpaalam na ang secretary officer at lumabas na sya sa office ni John Carlo, Si Francis naman ay umakyat na ng 19th floor
    para tulungan ang kasama nya sa paglilinis

    Francis: Sir kanina po sa session hall may nakita ako kasama ni Secretary, narinig ko tinatawag nyang young master yung lalaki
    Co-worker 1: Ah baka si Young Master John Carlo yun ang anak ng Chairman ng Red Dragon Business Empire
    Francis: Wow, sya pala yun buti na lang at maayos ako bumati sa kanila
    Co-worker 1: Bakit kaya sya nandito?
    Francis: Ewan ko pero sa pinaguusapan nila parang napadaan lang ata sila dito
    Co-worker: Ah baka kasama nya yung fiance'nya, ay maari mo ba kunin yung ibang gamit dun sa itaas dun sa may rooftop
    Francis: Sir may problema po, hindi ko pa kasi nalilibot itong buong tower at ngayon lang ako nakapunta dito sa floor na to
    dahil wala po yung kasama nyo
    Co-worker: Hahahahaha oo nga pala ang mga baguhan hanggang 10th floor lang pala muna, o sige paglabas mo ng pinto sa gawing kanan
    yung fire exit sa tabi nun paakyat yun sa rooftop at makikita mo yung storeroom ng mga utility II nandun mga ibang gamit ko
    Francis: Ah may room din pala kayo dun sige sir kunin ko muna

    Lumabas muna ng room si Francis para umakyat ng rooftop at nahanap naman nya ang paakyat sa rooftop, pagakyat nya natatanaw nya
    ang magandang view

    Francis: Wow! ang ganda pala dito tanaw mo lahat grabe ang ganda dun sa lugar na yun ah, matagal ding panahon mula ng huli ako
    umakyat sa rooftop

    Sa paglilibot ng kanyang mata napansin nya na may kasama pala sya sa rooftop at parang tulala at malayo ang tingin, hindi na
    lang nya binati at dahan dahan na lang sya pumunta sa storeroom para kunin ang mga gamit at marahan na lang bumaba ng rooftop
    at bumalik sa kasama nya

    Francis: Sir heto na po ang mga gamit na pinapakuha mo
    Co-worker 1: Halika at tulungan mo ko dito hawakan mo nga itong tubo at hihigpitan ko

    Nagpatuloy sa trabaho ang binata, pero yung nakita nya sa rooftop ay iniisip nya pakiramdam nya parang matagal na nyang
    nakita yun ilang sandali pa ang lumipas ng tinanong nya ito sa kasama

    Francis: Sir pwede magtanong?
    Co-worker 1: anu yun?
    Francis: kanina po kasi pag akyat ko sa rooftop may nakita ako babae dun at parang tulala eh
    Co-worker 1: Huh?! sigurado ka?!
    Francis: Opo sir medyo hindi ko sya makita ng harap harapan pero maganda ang buhok nya at palagay ko sa side ng mukha nya parang maamo
    Co-worker 1: Francis wag ka magbiro ng ganyan ah bawal kaya pumunta mga hindi staff ng tower na ito dun sa rooftop
    Francis: Hala?! teka sir babalik ako baka tatalon yun sa palagay ko hindi sya empleyado dito sa tower
    Co-worker 1: teka sasama ako mahirap na kung mag isa ka

    At tumakbo sila paakyat ng tower, at pag akyat nila wala silang nakitang babae

    Co-worker 1: Nasaan sinasabi mong tao?
    Francis: Ah eh nandyan siya kanina nakatayo malayo pa nga ang tingin eh
    Co-worker 1: Alam mo kinikilabutan lang ako sa sinasabi mo eh tara na nga at bumaba na tayo baka anu pa makita natin
    Francis: Pero sigurado ako nandito sya kanina
    Co-worker 1: report na nga natin yan, tagal ko ng pinaparequest na lagyan ng cctv yang rooftop na yan eh

    Secretary Officer: Young Master heto na po ang mga listahan ng mga empleyado dito
    John Carlo: Salamat ah oo nga pala gusto ko din malaman ang mga transaction record ng red dragon at montemayor empire
    Secretary Officer: Ah sir tungkol sa bagay na yan para saan po ninyo gagamitin para sa ganun may remarks po ako mailalagay
    John Carlo: Pag aaralan ko lang ang shipping ng mga trades, may problema ba dun?
    Secretary: Wala naman po young master
    John Carlo: Sa ngayon yun lang at maya maya aalis na ako lagay mo na lang sa magiging office ko mga hiningi ko
    Secretary: Sige po young master at mag ingat kayo sa pag uwi

    Lumipas ang buong araw at uwian na rin nila Francis, naisip nyang kumain kaya nagpunta sya sa isang food shop kung saan
    tindang pinoy ang makakain

    Cashier: Magandang araw sayo, anu po order nila
    Francis: ahm bigyan mo ko ng isang palabok at samahan mo na rin ng fishball at kwek-kwek
    Cashier: Yun lang po ba?
    Francis: Oo yun lang buti na lang at may ganitong tindahan nakakamiss din kasi ang pagkaing pinoy eh
    Cashier: Ah sir sorry pero wala kaming palabok, suggest ko sir eh mag mami na lang kayo
    Francis: Ganun ba? sige take out na lang
    Cashier: Ok sir heto na po
    Francis: Salamat

    At umalis na si Francis para sa park kumain habang hinihintay lumubog ang araw

    Francis: teka irecord ko nga tong gagawin ko para maipakita ko naman kila tita

    At nagumpisa ng kumain si Francis habang kinukunan ang sarili.

    Francis: (Nagsasalita sa harap ng camera) Ahm nandito ako ngayon sa isang park medyo malapit lang sa bahay at heto kakain ng mami at kwek kwek hahaha nasa
    Italy pero pagkaing pinoy ang kakainin...tita may nagtitinda kasi dito ng pagkaing pinoy, ayun ung tindahan puro pinoy din
    ang nasa loob nyan kaya akala mo nasa carinderia ka medyo sosyal nga lang ng konti

    Hindi napansin ni Francis na nahagip ng camera ang babaeng nakita nya sa rooftop na pumasok sa tindahang pinagbilan nya ng
    pagkain

    Cassandra Althea: Hi sis kamusta na?!
    Cashier: Cassey? ikaw ba yan?!
    Cassandra Althea: Ako nga sis! kamusta na?!
    Cashier: Cassey!!!!!!! grabe after 6 years tagal mo hindi nagparamdam ah kala ko nga kinalimutan mo na ako
    Cassandra: Althea: Im sorry sis long story kasi mula ng umalis ako sa Pinas, Kamusta pagmamanage ng shop?
    Cashier: heto ok naman, grabe parang lalo ka pa gumanda ah sis buti andito ka sa Italy at napasyal ka dito nakakatampo ka
    best friend mo ko pero pakiramdam ko tinaguan mo ko
    Cassandra Althea: Sorry na po wag ka mag alala at ikaw pa rin naman ang best friend ko hayaan mo magkukwento ako sayo
    pag may free time tayong dalawa
    Cashier: What do you mean? dont tell me?....
    Cassandra Althea: Yup! dito ako magpapatuloy ng study
    Cashier: Kasama ba sya?
    Cassandra Althea: Well anu pa nga ba magagawa ko kung pwede lang tumanggi sa una pa lang ginawa ko na
    Cashier: Ok anyway masaya ako at nagpakita ka sa akin bruha! kala ko nagbago ka na eh...down to earth ka pa rin
    Cassandra Althea: Hahaha isang palabok nga dyan sis
    Cashier: haay naku sorry sister at wala kaming palabok at ikaw ang pangalawang nireject ko ng ganyan yung una ayun kakaalis lang
    Cassandra Althea: Talaga? o sige kwek kwek na lang at anu ba maganda ipangtapat dyan sa kwek kwek?
    Cashier: Well since kaw ang second na umorder ng wala gayahin mo na lang yung order nung nauna sayo mami at yang kwek kwek
    Cassandra Althea: Hahahaha sige na nga libre ba yan?
    Cashier: Ay grabe ngayon lang nagpakita ang prinsesa ng kagandahan at nagpalibre pa o sya anu pa magagawa ko
    Cassandra Althea: Regards mo ko kay tita ah
    Cashier: Oo ba matutuwa yun at nagkita tayo, heto na enjoy eating pinoy food
    Cassandra Althea: Naku sis paki take out at babalik na ako sa tower hinihintay na nya ako eh
    Cashier: Ok sayo lang to ah, wag mo bigyan yun
    Cassandra Althea: Ikaw talaga hahahaha

    At lumabas na ng food shop si Cassey para bumalik sa red dragon tower, pagbalik nya nakita nyang naghihintay na ang mga security group ni John carlo,
    sakto naman ang paglabas ng tower ni John Carlo ng makita syang sakay ng taxi

    John Carlo: Hi honey! kamusta pamamasyal? at anu yang dala mo?
    Cassandra Althea: Ah heto binili ko dun sa shop ng best friend ko mga street foods namiss ko eh
    John Carlo: What? street food? come'on hindi ka na dapat kumakain nyan remember you are the princess, akin na at baka marumi
    pa yan
    cassandra Althea: Pero gusto ko kumain eh masama ba?
    John Carlo: Yes, masama at hindi bagay sayo kumain ng mga mumurahing pagkain, san mo gusto pumunta?
    Cassandra Althea: Wala gusto ko ng umuwi
    John Carlo: Ok sa ngayon dun tayo umuwi sa isa sa hotel na hawak natin at bukas sa condo na tayo dont worry two units ang
    pinakuha ko at tag isa tayo
    Cassandra Althea: Ok

    Walang nagawa si Cassey kundi sundin lagi ang mga sinasabi ni John Carlo, sa loob ng maraming taon halos hindi na nya magawa
    ang mga gusto nya mula ng pinagkasundo sila ng kanilang mga magulang

    Part 2

    Patuloy lang ang buhay kung saan maayos at masaya nabubuhay si Francis napagsasabay nya pag aaral at trabaho, hanggang dumating ang isang araw, nasa bahay lang sya naisipan nya ayusin ang mga lumang gamit nya nung nasa pinas sya...

    Marjorie: wala ka ata magawa at naisipan mo buksan ung ilang gamit mo nakatambak ah

    Francis: Oo eh baka may mapakinabangan pa ako sayang naman

    Marjorie: sige d na kita aabalahin ayoko rin ng alikabok eh hikain pa ako

    Francis: ge te medyo magtatagal pa ako dito eh

    Marjorie: Aalis pala kami maya nag aaya kuya mo na mamasyal, sama ka kaya tutal wala ka naman ginagawa

    Francis: Wag na siguro, d ko trip mamasyal eh hahaha

    Marjorie: Sige ikaw bahala lagi naman eh since part 1 hindi ka na sumama sa amin

    At natawa na lang si Francis, sa kalagitnaan ng pagkakalikot nya sa mga dating gamit nya naalala pa nya mga panahon nung nasa pinas sya lalo na ung magkasama sila ng bestfriend nyang si Arjay, napapangiti na lang sya sa tuwing may maalala gang sa may makita sya isang kahon...Kahon na ang laman mga alaala ng isang taong d nya akalain magiging bahagi ng buhay nya...

    Francis: (nakangiti) hahahaha high school memories ko to mula sa isang babae, kamusta na kaya sya, grabe kung sa iba parang basura na lang ito, may sulat pala sya sa akin na d ko tinapos basahin, at ung bracelet nya na dapat ibabalik ko sa kanya...

    Francis

    Sa mga oras na to siguro magaling ka na, patawarin mo ko kung sa pagdilat ng mata mo wala ako sa tabi mo, maraming salamat sa pagligtas sa akin at patawad ng dahil sa akin nadisgrasya ka, sumulat ako dahil nagkaroon ng problema ang aming pamilya, nagkasundo mga magulang namin sa isang fixed marriage para lang maisalba ang negosyong pinaghirapan ng magulang ko, sa totoo lang ayoko gawin ito pero no choice ako dahil maraming tao ang umaasa sa aming negosyo...gustung gusto ko sabihin sayo na ang daya mo mahal mo na pala ako hindi mo sinasabi, gustung gusto kita sampalin at sabihin na ang selfish mo...pero alam ko hindi ko na magagawa un dahil sa mga oras na to nasa malayong lugar na ako kasama ang aking magiging kabiyak...Francis magpagaling ka ah at sana isang araw kung magkita man tayo muli gusto ko sana kwentuhan mo ko, gusto ko sana sa isang lugar kung saan maraming alitaptap na nagliliparan hindi pa kasi ako nakakita nun eh sabi ni daddy maganda daw pagmasdan un, dun kaya sa lugar kung saan mo ko dinala marami bang alitaptap dun? hindi ko na rin alam kung makakuwi pa ako dyan sa pinas, hangad ko na sana gumanda ang iyong buhay at maraming salamat minahal mo ko kahit mahal kita, hindi ko na masasabi syo. maraming salamat sa mga alaala

    hanggang sa muli...

    Cassey

    Pagkatapos mabasa ni Francis ang sulat hindi nya alam ano ang magiging pakiramdam nya, pero isa lang sigurado isang nakakapanghinayang ang nangyari, lumabas si Francis sa basement nila dala ang kahon at dinala sa kanyang kwarto...

    Francis: Kamusta na kaya sya? Ilang taon na ang lumipas sigurado ako masaya na rin sya kung nasaan man sya, Ok na rin ang nangyari siguro...siguro dapat maging open na ako sa ibang bagay para makalimot na rin ako...

    Isang Umaga ang dumating...

    Marjorie: Morning...kain ka na at baka malate pa kayo

    Francis: Malalate na nga ako, sa school na ako kakain medyo bz lang kasi eh

    Marjorie: Ganun ba teka wait mo lang baunin mo na to para makakain ka pag may time ka

    Francis: Wag na te, bye....

    At nagmamadaling lumabas ng bahay si Francis papasok sa kanyang school. Nang makarating sa school si Francis napansin nya ang isang babae may problema sa kanyang bisikleta at hindi naman nagdamot si Francis na magbigay ng tulong

    Francis: Mukhang nabutasan ka ng gulong ah alam mo ba paano ayusin yan?

    Abby: Hi! ahm hindi nga eh bad vibes ata ngyong araw

    Francis: Hahahaha badtrip yan anyway since iisa lang school natin gusto mo gawin natin maya ng mga 12noon un lang ksi time na libre ako eh...ako pala si Francis dba ikaw ung sa isang food shop na ang tinda puro pinoy?

    Abby: ah eh oo sa family namin ung shop na un teka madalas ka ba bumili sa amin? abby pala name ko

    Francis: Hahahaha oo pag nasa work ako dun ako bumibili bago umuwi lika ipark natin bike mo maya kita tyo dala ko ung gamit para maayos yan

    Abby: Thanks a lot ah nagtaka nga ako bakit Filipino ang salita mo eh hahaha

    Francis: Wala un nu ka ba tayo lang din magtutulungan namukhaan lang kasi kita hindi ko alam na dito ka rin pala nag aaral ano course ang kinukuha mo

    Abby: Ahm Culinary Arts ikaw ba?

    Francis: Law ako eh

    Abby: wow ang dugo sa utak siguro nyan hahaha

    Francis: hindi naman slight siguro hahaha o sige kita na lang maya ah ingatz

    Abby: yeah sure next time na bibili ka sa amin may discount ka hahaha kala mo makakalibre ka ah

    Francis: ganun ba hahaha sayang sige bye muna...

    At lumipas ang isang araw nagkaroon ng bagong kaibigan si Francis sa katauhan ni abby...

    John Carlo: Hon baka hetong ilang araw eh wala ako marami pinapaasikaso si papa at kailangan ko pa pag aralan ung ilang shipping documents sa pagitan ng montemayor at ng red dragon, ok lang ba syo na si mommy muna ang makakasama mo?

    Cassey: Ok na ako wag mo ko intindihin kaya ko naman sarili ko siguro kahit Butler na lang kasama ko nakakahiya sa mommy mo


    John Carlo: ganun ba? sige maghahabilin na lang ako sa butler natin para alam na nya gagawin nya, nga pala babalik tyo ulit kay Dr. Gero para sa improvement mo

    Cassey: Pwede bang next time na lang hindi kasi maganda nagiging effect ng procedures na ginagawa nya pakiramdam ko binibiyak ulo ko eh

    John Carlo: Hindi kasi pwede hon, effect talaga yan after ng procedures bago tayo ikasal dapat magaling ka na

    Cassey: haaay pakiramdam ko normal naman pakiramdam ko bukod sa sumasakit ulo ko

    John Carlo: Konting tiis lang hon gagaling ka din. Ahm Miss Castro kayo na bahala sa kanya lilipat na ako sa kwarto ko

    Miss Castro: Sige po young master good night po

    John Carlo: Goodnight Hon

    Hahalikan sana nya si Cassey pero nakita nya ang reaction ng mukha nito kaya d na nya tinuloy at pumasok na sya sa kanyang kwarto.

    John Carlo: Sisiguraduhin ko magaling ka na bago tayo ikasal Cassey para sa ganun wala akong magiging problema...

    Isang panibagong araw na naman ang dumating...naisipan ni Francis na isuot ang bracelet ni Cassey

    Francis: Matagal ko ng hindi nausot ito, hmmm umpisahan natin ang umaga na suot ko ito

    At habang paalis sya papunta sa school isang matandang lalaki ang kanyang nakita at binati nya ito ng maganda umaga at nakangiti namang binati si Francis at bago sila maghiwalay ng tuluyan nakita nya ang bracelet ni Francis...

    Old Man: Ang ganda naman ng suot mong bracelet hijo medyo may kalumaan nga lang parang napagiwanan ng panahon

    Francis: Ah salamat po lolo hmmm medyo luma na nga po ito at sa dating kaibigan ko po ito eh

    Old Man: Ganun ba hahahaha bihira na lang ako makakita ng isang tao pinapahalagaan pa ang isang bagay na mula sa isang tao, o sige hijo at malayo pa lalakarin ko...

    Francis: Ingat po kayo lolo...

    At tuluyan ng nagkalayo ng landas ang dalawa

    Old Man: Hindi ko akalain na makikita ko ang bracelet of the Gods, walang duda sa nakita ko, akala ko sa matagal ko ng pamamalagi dito sa mundo ay tuluyan ng nawala ang bracelet kung saan walang sinuman may gustong mag may ari...
    Last edited by secondL; 1st Jun 2017 at 09:15.

  2. #2

    Default Re: Save The Hopeless Princess

    Ayos TS..
    Ito na yung inaabangan ko na karugtong..sa wakas!..

    tenkyu

  3. #3

    Default Re: Save The Hopeless Princess

    abangers

  4. #4

    Default Re: Save The Hopeless Princess

    san ka na ts? excited for the update.. hehe

  5. #5

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 3

    Part 3

    John Carlo: Hello papa nakuha ko na ung ilang documents tungkol sa trade shipping bg montemayor at red dragon, tulad ng iyong plano unti unti nalulugi ang montemayor ng d nila napapansin.

    Mr. Dela Cerna: Pag aralan mo anak paano natin makukuha ang montemayor ng sa ganun unti unti natin makuha ang lahat ng dapat sa atin wala silang alam na may anay sa kanila na hahahaha

    John Carlo: Makakaasa kayo papa sa ngayon ung procedures na ginagawa kay Cassandra ay malaki na ang improvement pag successful ang procedures sa kanya agad ko po gagawin ang wedding ceremony

    Mr. Dela Cerna: Magaling anak maiba lang ako nakita mo na ba ung hinahanap mo?

    John Carlo: Sa tingin ko po papa tuluyan ng nawala un kahit si Cassandra hindi nya binanggit sa akin ilan taon na ang nakakalipas

    Mr. Dela Cerna: Wag ka tumigil sa paghahanap magresearch ka pa lalo na ung nasa Pilipinas pa sila un lang makakapagturo sa atin saan makikita ang tirahan ng mga descendants...

    John Carlo: Yun nga po ang dahilan bakit nagpaalam ako kay Cassandra dahil bubuo ako ng isang research team para hanapin ang bagay na un.

    Mr. Dela Cerna: Tandaan mo anak ang dapat sa kanila ay sa atin ang ating lahi na pinarusahan na hindi naman dapat tumikim ng hirap, tanging yung plano ko lamang ang paraan para mabago ang kapalaran ng ating lahi, at ituturing tayong mga diyos

    John Carlo: huminahon kayo papa dahan dahanin natin hanggang sa mahanap ang lugar na un at tsaka natin isusunod ang pangalawang plano nyo po....sa susunod na lang po ulit papa may tengang kanina pa nakikinig

    Mr. Dela Cerna: Sige alam mo na ang gagawin sa kanya anak

    Dahan dahan lumayo sa pinto ng opisina ng young master ang secretary...at nabuo ang ilang teorya sa kanyang utak tungkol sa narinig nyang pag uusap sa telepono.

    Secretary: Plano? bakit interesado alamin ang tungkol sa trade shipping mula sa montemayor? at ang red dragon ang dahilan bakit unti unti nalulugi ang montemayor? dapat gumawa ako ng paraan para ipaalam sa montemayor ang kabalbalan na ginagawa ng red dragon dapat ako makakuha ng ilang evidence...

    John Carlo: Secretary?! uy mukhang malalim ata iniisip mo sir? kanina pa kita tinatawag

    Secretary: Si...sir ah young master kayo po pala patawarin nyo ko kung di ko po agad kayo narinig, ano po ipapautos nyo?

    John Carlo: Mukhang malayo ang iniisip mo may problema ba?

    Secretary: Wala naman po naisip ko lang po ano ahm ano ung mgiging regalo ko sana sa anak ko po

    John Carlo: Ganun ba? hahahahaha kaya pala anyway gusto ko lang pala sabihin sayo na ilang araw ako mawawala dito ano man ang documents na darating at kailangan ang sign ko ikaw na ang bahala gumawa ng paraan

    Secretary: Makakasa po young master

    John Carlo: Sige may pupuntahan pa ako

    At paglabas ng building ni John Carlo ay sya ang pagdating ni Francis at agad syang tumabi at nagbigay galang sa kanyang amo, at napalingon naman si John Carlo at tinignan pababa si Francis at may napansin si John Carlo ngunit binalewala na lang nya

    Francis: Sir (Secretary) good day po akyat muna ako rereport lang sa department ko

    Secretary: Good day din

    At ng matapos ang briefing ng department ni Francis inutusan sya na umakyat sa rooftop para kunin ang ilang gamit at napansin nya ang isang babae ulit na malayo ang tingin

    Francis: Ahm Ma'am good day po may nagsabi na po ba sa inyo na bawal po ang hindi empleyado ng tower na ito...

    At tahimik lang sya tinignan ng babae

    Francis: bawal po kasi kayo dito maam alam nyo na po baka mapahamak kayo

    Cassey: Maganda ang tanawin dito pakiramdam ko may naghihintay sa akin dito

    Francis: Ahm naghihintay? oo maganda tanawin dito

    Cassey: Sino ka pala?

    Francis: ako po ai Francis, maintenance dito sa tower.

    Cassey: ganun ba? pwede ba lagi ako dito nagiging payapa ang isip ko pag andito ako at nakatanaw sa malayo

    Francis: Ahm sorry po hindi po pwede kayo rin ung naabutan ko ng isang araw at bigla kayo nawala eh

    At bigla pumasok si Miss Castro

    Miss Castro: Lady Thea andito lang pala kayo sa rooftop kanina pa po ako naghahanap sa inyo pasok na po tayo at kailangan nyo na po uminom ng gamot at naghihintay na sa atin si young master

    Cassey: Ganun ba sige ahm sige po sir mauna na kami

    Miss Castro: Mauna na kami...

    Francis: Sige po ingat po kayo mga ma'am

    Pakiramdam ni Francis parang pamilyar sa kanya ung babae at bigla tumunog ang kanyang radio

    Francis: Yes sir pababa na po ako dyan may tao lang po ako nakausap at sinabihan ko na bawal dito sa rooftop

    At habang nasa elevator sila Cassey...

    Cassey: pwede ba ako igawa ng ID dito para sa ganun libre na ako makakaakyat sa rooftop

    Miss Castro: Huh? naku maam hindi ko po alam hayaan nyo sasabihan ko sila na pag andun kayo eh hayaan lang kayo siguro bago lang na empleyado un

    Cassey: Sige salamat

    Miss Castro: Lady Thea bukas po pala papasok na kayo ulit

    Cassey: Salamat naman at ang tagal kong hindi nakakalabas bukod sa bahay at dito sa tower

    Miss Castro: Ihahatid kayo ng butler nyo at lagi nyo sya nasa paligid

    Cassey: Alam ko na yan

    At pagdating sa ground floor naghihintay sa kotse si John Carlo

    John Carlo: Miss Castro susunduin kayo ng butler niya at may pupuntahan ako mauna na kayo umuwi.

    Miss Castro: Masusunod po young master

    John Carlo: Hon baka gusto mo ng pasalubong

    Cassey: Wala naman wag ka na mag abala ingat na lang sa byahe

    At ngumiti lang si John Carlo habang palayo kila Cassey, at si Cassey naman ay pumasok ulit

    Miss Castro: Maam saan po kayo pupunta?

    Cassey: Rooftop punta ka kay abby bumili ka ng kwek kwek at alam na nya ung iba

    Miss Castro: pero Lady Thea baka pagalitan ako ni young master

    Cassey: Wag ka mag alala kakain ka din tikman mo masarap, dalian mo ah

    At walang nagawa ang tagapagalaga ni Cassey kundi sumunod na lang sa kagustuhan ng kanyang alaga

  6. #6

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 3

    thanks sa update bossing..abangan ko yung susunod na kabanata..

  7. #7

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    Part 4

    Christian: Hindi ko masikmuraan aa nababasa ko bakit may ganitong klaseng libro o isang klase ng talaan at bakit nasa aming pamilya ang bagay na yun totoo kaya ang nakasulat dito? anong klaseng pamilya kami at bakit kailangan humantong sa ganito? nakakapangilabot itong nalaman ko? naguumpisa na akong mag isip isip ng mga bagay na hindi ko alam kung pwede ba magkatotoo...kailangan ko makausap sya ng personal

    Pauwi na mula sa school si Francis ng mapansin nya ang isang ka edad nya na gusgusin na nakaupo habang nakatingin sa malayo at pinagbabato sya ng mga bata dahil sa kanyang hitsura...

    Francis: Itigil nyo yan! wala akong nakikitang dahilan para batuhin sya ng mga basura nyo

    Bata: Eh kuya sinasabi nya kasi sya daw ang Bathala ng kahit ano...

    Francis: Wag nyo na pansinin kung ano ang sinasabi nya umalis na kayo!

    At nagsitakbuhan ang mga bata at pinagmasdan ni Francis ang pobreng lalaki at may nilabas sya na pagkain

    Francis: Peace offering ko na lang ito para sa mga bata, pagkaing pinoy yan at kwek kwek tawag dyan, masarap yan tikman mo na lang at pagpasensyahan mo na sila, mapanghusga lang talaga ang mata ng publiko...sige paalam

    Gusgusing Lalaki: Hahahaha noon pa man sadyang mapanghusga na ang mata ng iba, ngunit hindi nila alam na ang katotohanan bakit may mga taong katulad nila, maraming salamat sa pagkain kaibigan...

    At ngumiti na lang si Francis palayo sa gusgusing lalaki...

    Habang naglalakad si Francis nakatanggap sya ng isang email mula kay Christian...

    Francis: aba si boss naalala pa pala nya ako hahaha gusto nya magkita kami at may gusto nya magkwentuhan hahahaha

    At dumating ang araw ng kanilang pagkikita nasa bahay nila si Christian

    Francis: Boss long time no see kamusta na kayo laki na ng pinagbago mo ah

    Christian: Oo nga ikaw din medyo nagmatured ka ng konti ah

    Francis: Ganun ba? paglipas ng panahon tawag dyan napasyal ka rito mukhang mahaba haba ang panahon ng pahinga mo ah

    Christian: Oo may gusto lang ako ipakita syo at hindi ko alam kung ano masasabi mo

    At pinakita ni Christian ang librong nabasa nya hindi ito luma pero ang mga nakasulat ay nagmula pa nung unang panahon...

    Christian: Basahin mo ung tinupi kong pahina dyan at hindi ko alam kung parehas tayo ng mararamdaman...

    Francis: Talaga? hindi ko alam na mahilig ka sa libro pero mukhang seryoso ka at talagang dumayo ka pa dito ah para lang ipakita mo ito sa akin

    At inumpisahan na basahin ni Francis ang libro...

    May apat na unang pamilya na nanirahan sa daigdig sila ung mga taong naging makasalanan dahil sa paglabag sa batas ng kalangitan ngunit dahil sila ay mula sa lahi ng Paglikha o Descendants' Creator, binigyan sila ng pagkakataon na manirahan ng hindi nabubura ang kanilang alaala at pamunuan ang daigdig kung kanilang nanaisin pero ang kanilang kaparusahan ay sa bawat anak nilang babae ay mamatay sa piling ng isang lalaki magpasawalang hanggan ang mga babae ay hindi tatanda ngunit mamamatay sa sumpang dala ng kanilang pitong tagapangalaga ng kanilang angkan...At ang tanikalang ipinagkaloob sa bawat angkan ay may kahulugan ng isang kamatayan sa sinuman magiging bagong kanyang pagsisilbihan...

    Christian: Base sa nakasulat hindi ko alam bakit may ganyang klaseng libro sa amin

    Francis: Ano ba ibig mong sabihin boss?

    Chrisitian: Hindi ko rin alam paano ko ipapaliwanag pero napapaisip ako, ang pagkamatay ni mommy

    Francis: Wala rin ako Idea sa punto mo boss pero nag uumpisa na ako mag isip ng kung ano ano siguro bakit hindi muna tayo mag inuman at kalimutan muna natin yan

    Christian: Hindi na ako magtatagal bukas balik din ako ng Pinas

    Francis: Teka bakit ang bilis naman oo nga pala kamusta na ate mo?

    Christian: Yan ang gusto ko ipakita syo andito rin si ate pero bakit hindi sinasabi sa akin ni daddy pero alam nya na nandito ka rin

    Francis: Eh daddy mo kamusta na?

    Christian: Nasa mansion na lang sya laging tahimik at bihira na magsalita mula ng umalis si ate pakiramdam ko nalungkot sya

    Francis: Eh bakit hindi mo sya tanungin tungkol sa bagay na yan?

    Christian: Sinubukan ko ngunit pakiramdam ko natakot sya ng makita ang librong iyan

    Francis: Hindi ko alam na andito rin pala si cassey maimpluwensya ang pamilya mo bakit hindi ko man lang nalaman un?

    Christian: Nagkakamali ka 5 taon na ang nakalipas mabilis nakuha ang aming mga negosyo ng pamilyang Dela Cerna at tanging mga negosyo na lang sa Pilipinas ang nasa amin at wala na syang pakialam dun

    Francis: HAAA?! Pero akala ko ba magsasanib ang dalawang maimpluwensyang pamilya para maisalba kayo sa krisis

    Christian: Dapat ganun pero dahil sa katigasan ni ate hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakasal ng kanyang fiancée

    Francis: Ganun ba? hindi ko na aalamin pa saan sya ngayon hahayaan ko ang tadhana at panahon ang magdesisyon sa bagay na yan sa ngayon focus ako sa mga priority ko sa buhay so hihintayin ko na lang ang panahon na un kung darating man

    Christian: Tulad ng dati malas or swerte pa rin pala ang pananaw mo

    Francis: Iuwi mo ang libro na yan nakakatakot ng basahin...

    Christian: Naalalal ko pa ang sinabi ni daddy tungkol sayo, Ikaw ang nakatadhang magbalik sa kanya sa totoong may ari

    Francis: Alin? hetong bracelet? oo naman ibabalik ko talaga sa kanya yan

    Christian: Balitaan mo ko minsan babalik na ako sa hotel

    Francis: Salamat sa pagdalaw at sa balita ingat ka makakaasa ka

    At nagpaalam na si Christian...

  8. #8

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    nagiging kapanapanabik ang bwat yugto boss TS..hehehe

    matsalams

  9. #9

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    wala pa bang update boss TS?
    heheheh

  10. #10

    Default Re: Save The Hopeless Princess PART 4

    ka abang abang hehe. nag ttwist na ung story. love/business/life na

Page 1 of 7 123 ... LastLast

Similar Threads

  1. The Ugly Princess..
    By Ruanne in forum Gags & Jokes
    Replies: 8
    Last Post: 13th May 2009, 09:31

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •