Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 25 of 25 FirstFirst ... 15232425
Results 241 to 242 of 242
  1. #241

    Default Re: My Band-aid Heart

    CHAPTER 82


    After ng pasabog ni Sir Tristan he apologized profusely dahil sablay ang timing talaga ng pagkakasabi niya, pero as I’ve come to find out mayroon talaga kaming conference sa Cebu. Sa original plan nga lang hindi talaga ako dapag kasama doon, gusto niya lang buwisitin si Chuck kanina kaya talagang sinadya niyang sabihin ‘yon.

    Chuck looked like he wanted to punch him daw.

    So I think na-establish na namin kung bakit galit sa akin si Chuck, at least alam ko na ngayon. Ako naman ang dapat mag-apologize sa kanya. I need to come clean.

    Ang pinagtataka ko lang is kung bakit nagseselos si Chuck kay Sir Tristan, wala naman kasi talagang nangyayari e. Nagkataon lang yung tawag niya nung gabing ‘yon, but I still need to reassure him. Kailangan maintindihan niyang wala talaga, na siya lang.

    Wala pa rin paramdam si Chuck maghapon pero I still tried to call him, tine-text ko rin siya ng kung ano-ano, para lang alam niyang I want to talk to him.

    Si Sir Tristan naman parang umiiwas na rin sa akin maghapon, sa hiya siguro.

    “Hey, Andi.”

    Napalingon ako nang narinig ko si Sir Tristan magsalita sa bandang kaliwa ko.

    I force a smile, “Yes Sir?”

    “It’s already five. May sundo ka ba?”

    Napalingon ako sa bintana at noon ko lang napansin na medyo madilim na nga, sobrang aga naman. Parang uulan pa.

    Ibinaling ko lang ang tingin ko kay Sir Tristan at umiling, “Okay lang Sir. Aalis na rin po ako in a while.”

    Napabuntonghininga si Sir, “Tara na. Ihahatid na kita.”

    Umiling ako ng bongga. Kung sa ngayon pa lang nagseselos na ang jowa ko, paano pa kapag pumayag akong ihatid ni Sir sa amin, “No need po. It’s okay Sir.”

    Kumunot ang noo niya, “Are you going to be weird with me from now on? I mean, magiging awkward ka na?”

    Mabilis akong umiling, “Hindi naman Sir. Talaga lang pong gusto ko sana mapag-isa muna. Isip isip gano’n.”

    I smile.

    He sighs, “Okay. Mag-ingat ka pauwi ha.”

    Tumango lang ako, “Yes Sir.”

    Hinintay kong makaalis si Sir Tristan at saka huminga ng malalim. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko, parang gusto kong puntahan si Chuck sa office niya pero paano kapag pinagtabuyan ako? Paano kung hindi manlang ako kausapin? Sigurado nandoon pa yung Carla na ‘yon, unless magkikita sila ni Sir Tristan. Pero siguro hindi kasi in-offer pa ni Sir na ihatid ako sa bahay.

    Ipinatong ko ang mga braso ko sa table at ginawang unan ang mga ‘yon. I close my eyes thinking about how screwed up everything is right now.

    Siguro ang pagod at pag-alala ko these past few days took at toll on me na hindi ko na namalayan na napaidlip na pala ako.

    +++

    “What are you doing here?”


    Naririnig ko sa panaginip ko ang boses ni Chuck at gusto ko umiyak. Kasi miss na miss ko na siya.

    Napahikbi ako ng kaunti and I feel someone stroking my head. Parang yung ginagawa ni Chuck kapag naiiyak ako sa isang scene sa movie or kapag naglalambing ako sa kanya.

    Humikbi ako ulit at naramdaman ko lang na tumutulo na ang luha ko. Naramdaman ko na may nagpupunas ng luha ko and I open my eyes.

    Nakita ko ang mukha ni Chuck at lalo akong napaiyak, I’m still not sure kung panaginip ba ‘to or totoo na pero ginawa ko kung anong tingin kong gagawin ko kung totoo nga itong nangyayari.

    Ibinalot ko ang mga braso ko sa balikat niya at humagulgol.

    Wala akong paki kung nasasakal ko na siya, basta ang alam ko I miss him so much.

    I cry harder nang maramdaman kong bumalot ang mga braso niya sa likod ko, wrapping me in a hug na kasing higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.

    I think yung mixture ng pag-aalala at yung takot na akala mo tapos na ang lahat is just overwhelming. The number of days na lumipas na wala kaming communication took a toll on me mentally, emotionally and physically. And I’m just tired. Gusto ko lang mag-stay forever sa mga bisig niya.

    Tumayo si Chuck at kailangan niya akong kapitan para makatayo ako ng maayos, nawala ang lakas ng katawan ko and I’m just holding on to him for balance.

    Wala akong masabi nang nagsalita na siya.

    “What the hell are you doing sleeping here?”

    Humikbi lang ako, dahil hindi ako capable na magsalita ngayon. Wala siyang maiintindihan kasi puro hikbi lang ang ginagawa ko.

    “Where’s Tristan? He left you sleeping here?”

    Pumalatak siya, “What if I didn’t check on you? Dito ka matutulog all night? Do you even know what time it is?”

    Alam ko galit siya, he’s berating me for not taking better care of myself pero hindi ko magawang magalit pabalik or magsalita ng kung ano dahil sa totoo lang lahat ng sinabi niya just makes me happy. He’s here and he still cares enough to check on me, so may pag-asa pa ako para ayusin ito. I haven’t lost him yet.

    I hold on to his neck tighter and he just sighs.

    “Andi, let go. I can’t breathe.”

    Hindi pa rin ako makapagsalita so I just shake my head.

    Nagbuntonghininga ulit siya, “Fine.”

    Naramdaman ko na lang na inalis niya ang braso niya sa likuran ko at bago pa ako makapag-protesta he puts his arm sa ilalim ng legs ko and lifts me up. Inilapat ko lang ang tear-stained cheeks ko sa dibdib niya at pumikit.

    Using one hand he grabs my bag and puts it on my lap.

    Bitbit niya ako palabas ng office at narinig ko siyang nagsalita ulit.

    “Thanks Manong.”

    “Welcome Sir. Buti na lang nakapag-check po ang roving guard namin sa floor na ‘to bago kami nagsara.”

    Narinig kong nag-ding at alam kong nasa harap na kami ng elevators.

    Nagsalita ulit si Manong, “Buti na lang rin Sir hindi pa kayo umaalis sa parking kanina.”

    Pumasok na kami sa elevator nang sumagot si Chuck, “Hindi po kasi sumasagot si Andi sa tawag ko kanina so I got worried.”

    Nagsalita ulit si Chuck, “Kamusta ang CCTV system dito Manong?”

    “Naku, maganda ang inilagay niyo Sir. Walang nag-ha-hang…”

    Nag-usap sila tungkol sa system at I took this time para lang magpasalamat dahil kahit papaano, kahit na alam kong masama ang loob niya sa akin hindi niya pa rin ako kayang pabayaan.

    So nasa parking siya malamang habang himbing ang tulog ko sa office. Wala naman talagang magche-check sa akin doon dahil madalas ako ang huling umaalis ng office.

    Nakagawian na rin ng mga guard na silipin ang office ni Sir Tristan kung naka-lock.

    Tinatawagan niya raw ako, bakit kaya? Siguro gusto na niyang makipag-usap, siguro hindi na siya gaanong galit. I would beg him to stay if I have to.

    Siguro nga I’ve changed over the past months na nakilala ko si Chuck at karamihan ng mga magagandang realizations ko is because of him. That’s what you get siguro kapag natutunan mong hindi lahat ng sakripisyo dapat ikaw ang gumagawa, na hindi dapat one-sided ang hirap sa isang relationship.

    Nag-ding ang elevator at bumukas ang pinto, “Sige Sir Chuck, ingat po kayo ni Ms. Andi. Sana po bumuti na ang pakiramdam niya.”

    So Chuck told him I’m sick.

    “Thanks Manong. Ingat po!”

    Sumara ang pinto at dahan-dahan kong sinilip ang mukha ni Chuck.

    “Tapos ka na mag-pretend na tulog?” he asks.

    I bite my lip, “Kung oo ang sagot ko, ibababa mo na ba ako?”

    Nagbuntonghininga siya, “Do you want me to let you go?”

    And something about that question felt ominous. Feeling ko double meaning kaya yumapos lang ako ulit sa kanya, dahil kahit anong ibig sabihin ng tanong niya my answer will be the same, “no.”

    Never.

    He sighs again habang naglalakad siya palabas ng elevator, “You need to let me go at some point, Andi. I need to drive.”

    ‘Bakit Andi ang tawag mo sa akin?’ I wanted to ask so bad pero natatakot ako sa sagot niya.

    He opens his car door at inilapag ako sa passenger seat, I’m scared to let go of him kaya nakayapos pa rin ako.

    He rubs my back, “I’m not going to run off, so you can let me go.”

    Nakasimangot ako pero binitiwan ko na siya, he scans my face, “You look like you’ve been crying. Maga mata mo, what will you say to Tita?”

    Hindi ko pa naiisip ngayon si Tsang dahil hindi pa nga kami nakakapag-usap ni Chuck so I say, “Pwede bang ‘wag mo muna ako ihatid? Hindi ba tayo mag-uusap?”

    He sighs, parang pagod na pagod. I can see the bags under his eyes at mukhang ilang araw na rin siyang hindi nakakapag-shave so I say, “Doon na lang tayo sa house mo, pwede ba? So you can rest and I can talk kahit kaunti. I don’t want to go home like this.”

    He looks at me lang and I add, “Please.”

    Huminga siya ng malalim and just nods.

    He goes to his side of the car and starts to drive off.

  2. #242

    Default Re: My Band-aid Heart

    CHAPTER 83

    Pagdating namin sa bahay niya nag-park lang si Chuck at bumaba na kami ng sasakyan, he looks so tired so hindi na ako nag-react nang hindi siya nagtanong kung anong kakainin namin pagdating doon. Naisip ko magpa-deliver na lang kung sakaling wala akong pwedeng lutuin sa bahay niya.

    It feels awkward pero alam kong kailangan kong um-effort dahil may atraso ako sa kanya, kaya pagpasok ng bahay kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya paakyat ng hagdan.

    We go to his room and I face him, “Magpahinga ka na muna, I’ll check kung anong pwede kong iluto sa baba.”

    He looks like he wants to say something pero after staring at me for a while he just yawns, “I don’t think I have anything.”

    Hinawakan ko lang ang mga braso niya at iginiya siya papunta sa kama, “Just rest, ako nang bahala.”

    Naupo siya sa mattress pero hindi pa tuluyang humiga, naka-tingala siya at nakatingin sa akin. Napabuntonghininga ako dahil alam naming parehong kailangan naming mag-usap pero mas kailangan niya ng pahinga, mamaya ko na siya tatanungin kung dito ba siya natutulog nung mga nakaraang araw or baka nag-stay lang siya sa office noong mga araw na hindi niya ako pinapansin.

    Lumuhod ako sa harap niya at habang tinatanggal ang necktie niya I say, “Marami tayong dapat pag-usapan pero I think we both need to rest muna before we do.”

    I put his necktie sa tabi ko sa sahig and proceed to untie his shoes, he moves to stop me pero I gently move his hand away, “Dati lagi ko ito ginagawa para kay Papa, kapag galing siya sa trabaho sa planta nung bata ako. Maliit na bagay pero alam ko nabibigyan ko siya ng kaunting ginhawa lalo na kung nahirapan siya maghapon sa pag-ttrabaho.”

    I start to untie his shoes, “Pagdating niya sa bahay he sits down sa sofa tapos he rests his head sa backrest ng sofa, at tinatanggal ko ang sapatos niya tsaka medyas tapos kinukuha ko ang tsinelas niya para isuot sa kanya.”

    I remove his shoes and his socks at tiningnan ko siya, “It’s my small way of letting him know that I appreciate his hard work, kahit hindi ako nagsasalita while I do it, I think he knows.”

    He gives me a small smile at iginiya ko na ang legs niya papunta sa kama, “Go on. ‘Wag na makulit, just rest muna. We’ll talk when you wake up.”

    Hinawakan niya ang mga kamay ko, “What if I wake up tomorrow na? How can we talk?”

    Tumango lang ako, “Then I’ll be here. We’ll talk then.”

    “How?” he asks.

    Pumalatak lang ako, “Basta. Matulog ka muna.”

    He sighs, “You need rest too.”

    Tumango ako, “I’ll rest later. Sige na, ang dami mong dahilan.”

    He finally lies down pero he doesn’t close his eyes. Umupo ako sa tabi niya and I put my hands on each side of his face and kiss his forehead, “Sleep.”

    It takes a few seconds pero maya-maya pumikit na si Chuck and I stay a while sa tabi niya until I see him breathing evenly. Tulog na.

    Humikab rin ako at parang gusto ko na siyang tabihan pero I need to prepare some food para may makain siya ‘pag gising. I quietly leave the room at bumaba ako sa hagdan at pumunta sa kusina niya, sinilip ko ang ref niya at nakitang wala nang laman ‘yon.

    I sigh.

    Wala rin laman ang mga cabinet so kinuha ko na lang ang cellphone ko para tumingin ng kung anong pwede naming order-in.

    Nag-order lang ako online sa favorite Thai restaurant ni Chuck, at habang hinihintay ko ang delivery I nag-ikot ako sa bahay niya. Habang nag-iikot humihikab-hikab na ako kaya pumunta ako sa kusina at naghilamos at nag-prepare ng kape sa coffeemaker.

    I remember kung anong huli naming pinag-usapan ni Chuck dito sa kusina, he knew then na kausap ko si Sir Tristan bago ako natulog no’n. He wasn’t being mean intentionally, hindi niya ako gustong insultuhin but he was speaking out of frustration. And I reacted defensively agad, I felt like he was looking down on me and my job pero sa totoo lang, if I just cleared my mind for a bit that time at hindi nagpadala sa emosyon I should have known he wasn’t being himself. Hindi siya ganoong klase ng tao. Ni isang beses sa relationship namin, never akong minaliit ni Chuck. In this relationship, we are equals eventhough in reality we are not.

    He could do so much better than me.

    At iyan, sumisingit na naman sa utak ko ang hindi magagandang thoughts. I shake my head at huminga ng malalim.

    Why am I here?

    I need to be sure kung bakit ako nandito, it’s unfair of me na magkaroon ng ganitong feelings kapag kasama ko siya – that feeling that I’m lacking.

    He needs someone na tatabi sa kanya feeling proud of what he’s accomplished and not feel jealous, envious or small.

    He needs someone to be there for him kapag siya naman ang nakakaramdam ng panliliit or may pagkukulang. And how can I give that to him kung sa sarili ko hindi ko ‘yan maibigay? Yung pang-uunawa na hindi ka man perfect, you are enough.

    Bakit ba kasi masyado akong nag-iisip?

    Nakaupo ako sa stool at nagkakape sa kitchen island niya nang may mga ilaw na nakita ako sa tapat ng bahay niya, dali-dali kong binunot ang wallet ko sa bag at nagpunta sa gate para salubungin ang delivery. Laking gulat ko nang makitang may magarang kotse sa tapat ng bahay ni Chuck.

    Kumunot ang noo ko at pinanood habang may bumabang medyo may edad na lalaki sa driver’s side. Napatingin sa akin ang lalaki at tumingin ito sa bahay ni Chuck.

    Bumaling ito sa kotse niya at kinausap ang kasamang bumababa ng kotse, “Darling, are you sure this is the place?”

    Napalingon ako sa kausap niya at nakita ang kasama niya at nanlaki ang mata nang makita ko kung sino ang bumaba sa passenger side ng kotse.

    Nagkatinginan kami at lumapad ang ngiti niya nang makita ako, “Andi! Long time no see, Dear.”

    Nakangiti yata ako pero hindi ako sure kasi parang nanlamig ang katawan ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa kasama ng Mommy ni Chuck, he eyes me with some sort of recognition now kahit na alam kong hindi pa kami na-iintroduce ng maayos. Nung kasal ng pinsan ni Chuck he was mingling with people sa party, pinakilala ako ni Chuck when he was passing by and I was just a friend then so baka kaya hindi niya ako pinag-aksayahan ng atensyon.

    Naglakad sila palapit at ngumiti lang ako sabay sabing, “Good evening po, Mr. and Mrs. Santos.”

    Nakangiti sa akin ang Mommy ni Chuck, “Please call us Tita and Tito, after all you’re our son’s girlfriend now.”

    Kumunot ang noo ng Daddy ni Chuk at napalunok ako, nag-mostra ako na pumasok sila sa loob ng gate, “Ay, pasok po kayo.”

    Unang pumasok ang Mommy ni Chuck, “Thank you, Andi.”

    Pumasok ang Daddy ni Chuck sabay sabing, “Do you live here?”

    Ang bilis ng pag-iling ko at sinabayan ko pa ng pag-wave ng kamay ko, “N-naku hindi po. Sinamahan ko lang po si Chuck kasi medyo pagod po siya kanina. Ipagluluto ko po sana.”

    Wala na siyang ibang sinabi at pumasok na sa loob ng bahay.

    Teka, bakit ko nga ba sila pinapasok e hindi ko naman ito bahay?

    Ano, itataboy mo ang parents niya?

    Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanila papasok sa loob.

Page 25 of 25 FirstFirst ... 15232425

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •