Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 5 of 5
  1. #1

    Default Pag-ibig? Pagmamahal? Serendipity..

    Sa anim na babaeng niligawan ko lahat lahat na simula ung 14 years old ako way back 1998, anim na beses din akong na-basted. Yung unang pagka-basted sa akin binigyan ko ng love letter yung nililigawan ko at nag-reply sya "Wag mong ikinakalat tong basura mo" (sa Pangasinense). Siguro July noon at nagkibuan na lang kami next year. Maganda sya, maputi, pointed nose, round eyes, kissable lips.. angelic face mala-LJ Morena. So, hindi naging kami... hindi ako nasaktan, hindi ako umiyak pero nahihiya lang. Di ako umaabsent para lang iwasan yung pang-aasar ng mga kaklase ko.

    Di ko na maalala yung limang iba pa... Basta ang alam ko kada manligaw ako ay nababasted ako. Siguro, kasi ang natitipuhan ko ay talagang magaganda. Nagkaka-girlfriend lang ako dahil sa Serendipity = the occurrence and development of events by chance in a happy or beneficial way.. Yan yung usong usong term noon, yang forever, di pa pinagtatalunan kung totoo yan. Ang pinagdedebatihan noon ay yung destiny... Kung ang tao ba ay pre-determined ba ang fate, o siya ang lumilikha ng sarili nyang kapalaran. Ang forever expression lang yan kung gaano mo gusto sabihin sa taong mahal mo kung gaano mo sya kamahal. Nariyan din yung debate tungkol sa Pag-ibig o pagmamahal. Ang pag-ibig daw ay selfish pero ang pagmamahal ay ang side nito na nagbibigay. Natutunan ko din na ang lenguahe na nagbibigkis sa pag-ibig at pagmamahal ay hindi oras, distansya, edad, kasarian... kundi pang-unawa. Understanding is neither selfish nor giving, its a neutral thing. Ito yung state na ang tao marunong makinig at marunong din tumugon.

    Balik tayo sa Serendipity. Karmihan (o masasabi ko.. lahat) ng naging karelasyon ko ay bunga ng tinatawag na serendipity, walang ligaw ligaw.. Kasi ang naging paniniwala ko sa panliligaw e, pinaiiksi mo yung proseso or isa syang "ice breaker" to break the social awkwardness lalo na kung complete strangers kayo nag-umpisa. So, mas kumportable ako na magmahal ng "girl bestfriend". So, lahat ng naging girlfriend ko ay bestfriend ko. Kaya lang pinaka-matagal ko nang naging girlfriend sa ganoong setup ay 2 months. Nape-friendzone ako, yes, normal yun. Ang maririnig mo sa babae kapag nakikipag-break "Mahal kita. Pero ayaw kitang saktan... Kaya di na dapat patagalin." o kaya "Hindi ko alam kung paano kita mamahalin. Sobra sobra masyado ang pagmamahal mo sa kin".

    So, nasanay din ako kalaunan sa ganyan. Ako yung madalas layuan at iwan ng babae sa sari saring dahilan. Pero miski kailan di ako iniwan ng babae dahil sa panloloko gaya ng pamamangka sa dalawang ilog. Pero yung fall out of love oo, sa wakas doon ko naunawan. Seven years ago nagkaroon ako ng girlfriend sa pamamagitan uli ng serendipity, so lahat ng benefit ng pagkakaroon ng companion ay nadanas ko naman. Nasa romance level na... pero pilit. What lacks was yung attraction. Siguro ito yung isang bahagi na nawawala sa setup na Serendipity. Dapat sa una pa lang ay attracted na kayo sa isa't isa, at along the way ay nagbi-build up yung relationship nyo everyday dahil sa effort nyo na ibigin at mahalin ang isa't isa.

    So, ang tanong ko girls... paano magiging attractive ang mga boys sa inyo? Anong mga signs na gusto nyo rin kami?
    Last edited by pandot; 3rd May 2017 at 01:13. Reason: typo errors

  2. #2

    Default Re: Pag-ibig? Pagmamahal? Serendipity..

    ayos ito pre ah! Ang ganda ng insight mo about love. Hindi nakasawang basahin kahit mahaba.

  3. #3

    Default Re: Pag-ibig? Pagmamahal? Serendipity..

    Wait ko iba pang comments ng mga master dito dagdag kaalaman hehehehe

  4. #4

    Default Re: Pag-ibig? Pagmamahal? Serendipity..

    TS.

    May masasagot ako dito "Hindi ko alam kung paano kita mamahalin. Sobra sobra masyado ang pagmamahal mo sa kin". or mashashare nalang.

    Naexperience ko na yan dati may niligawan ako about 2 years din then almost almost na magiging kami na naging bato pa
    what happen actually is this exactly quote "Hindi ko alam kung paano kita mamahalin or susuklian ung pagmamahal na binibigay at pinararamdam mo sakin. Sobra sobra masyado ang pagmamahal mo sa kin".

    In that day maraming bagay ang pumasok sa isip ko at naging kwestyon what if what if why why why.

    And then one day i realize na ang mga babae or mga ibang babae eh hinahanap nila ung kaya nilang pantayan
    or kaya nilang sukilaan ung mga nagagawa nating mga lalaki. Sa nangyari sakin at sayo TS na sa sobrang pagmamahal natin eh
    naparamdam na pala natin sakanila na hindi tayo ung dapat sa kanila kasi ang relasyon ay give and take kung ano ung ibinigay sayo
    suklian mo ng kapantay oh higit pa pero hindi ung sobra sobra. EQUALITY,BALANCE gusto nila eh ung balance lang oh pantay lang sakanila
    kasi pag sinobrahan mo nararamdaman nila na hindi sila deserving para sayo kasi hindi nila kayang sukliaan un nature na kasi nating mga boys un
    SOBRA SOBRA.

    Lesson learned:
    1.Di mi kaylangan maging the best upon the best . Kaylangan mo lang maging the best para sakanya.
    2.Lahat ng sobra nakakasama. (Gets niyo nayan)
    3.Iparamdam mo ung gusto niya lang na ayun sa sarili mo at sa nararamdaman niya.
    4.Give and Take.
    5.Wag mong iparamdam sakanya na sobrang perpekto ka. Kasi hanap nila hindi perpekto
    hanap nila ung taong mapangiti lang sila okay na.
    6.Sense. Which means pakiramdaman mo kung sobra oh kulang pag kulang dagdagan pag sobra bawasan.
    7.Di ko na alam hahahah kayo na bahala yan lang ung para sakin. Good luck!

  5. #5

    Default Re: Pag-ibig? Pagmamahal? Serendipity..

    sa totoo lang, ang layo ng opening statements ni TS sa Tanong niya

    ------------------

    What I can say is... Don't blame the opportunity and circumstances as to how things ended.

    nung naging kayo kahit hindi ka attracted, nung nagsawa ikaw o sila dahil sa kawalan ng attraction
    ay hindi dahil sa tinatawag mong Serendipity... choices at personal assertions niyo yun.

    Nangyayari yan sa kahit anong uri ng relationship... at yung length of time bago nawawala yun
    ay nanggagaling sa iba ibang factors and from how I can personally assess that, it has little to do with how you met
    plus on how both of you as individuals do something about how you feel pag wala na ang attraction.

    ---------------

    Ang opinion ko sa First statements mo..

    is that all what keeps you really in a relationship?

    I think attraction is more of a preference thing.
    we change preferences that is why what seemed so attractive before
    is so attractive anymore. when nothing really changed about them at all.
    our preferences did.

    ---------------

    Ang alam kong isa sa obvious sign na gusto ka ng isang tao
    is that they go out of their way just for you...

    but its not a sure sign for anything else...
    nor does it determine what kind of attraction they feel about you.

    mamaya as a person lang pala.
    Last edited by Riyae08; 8th May 2017 at 08:53.

Similar Threads

  1. please help nyo ako. di ko na alam gagawin ko :(
    By xinfernox in forum PC Software Chat
    Replies: 5
    Last Post: 16th Oct 2011, 23:15
  2. I need advice, di ko na alam kung ano ang gagawin ko
    By Kiermar23 in forum Love & Friendship
    Replies: 32
    Last Post: 7th Sep 2011, 10:06
  3. Help . di ko na alam gagawin
    By Theta in forum PC Hardware Chat
    Replies: 0
    Last Post: 17th Aug 2011, 20:42
  4. Di ko na alam gagawin ko sa ginagawa nya.
    By markshiatle in forum Love & Friendship
    Replies: 22
    Last Post: 24th Jul 2011, 15:25
  5. Replies: 19
    Last Post: 21st Jul 2009, 18:36

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •