Punyal

Sa paglipas ng panahon at pangaabuso ng kahapon
Ay isang babae ang nahulma at muling bumangon
sa pang hahalay ng malalakas na alon
Siya ay tumayo at ang demonyo ay muling hinamon

xxx

Ginapang ng unos, at ang luha ay umagos
sa kanyang mata ay isang apoy na hindi maupos
Mainit at sumisimbolo sa pag-asang matapos
Sa pagsikat ang araw at makawala sa pagkakagapos

xxx

Sa kanyang pag-laya ay biglang nagbalik
lalaki na may mapanlinlang na halik
Nilason ang isip at muling nakipagtalik
Siya ay sinakop ng isang kaibigang matalik

xxx

Labi niya'y malambot at parang may asukal
kamay niya'y matigas at parang sumasakal
Mata niya'y tumirik, at parang hinihingal
Sa huli Nakaratay, lalaking may duguang punyal.