Ang payaso nakangiti at nakatawa sa harapan ng iba.
Ngunit pinapatay na pala kapag mag isa.
Kala moy walang problemang dina dala.
Di na pala maka ahon sa sakit ng kahapong pasan pasan nya.
Nakukuhang pasayahin at patawanin ka,
Habang nag hihintay ng mag papasaya sa kanya,
Ang payasong, kung makatawa na parang wala ng bukas,
Habang tinitiis ang sakit na dinadalang mag isa.
Kelan nyo kaya makikita ang tunay na nadarama nya
Kapag nawala na ba ang ngiti at tawa nya,
Kapag nawalan na ng hininga, ang payasong hirap na hirap na.
Ang payasong dating mag isa
Ngunit sinanay mo na makasama ka
Ngayoy iniwan mong nag iisa
Kina kaya ang sakit na dina dala
Natatakot ng imulat ang kanyan mga mata
Sa ka totohanang siya ulit ay mag isa
Kaya ayaw ng bumangon pa at huminga.

Sana di ka nalang pinatawa
habang ika'y umiiyak at hirap na hirap na
Sana di nalang binigay sayo ang ngiti at saya
Nang payasong ngayo'y nilalamon ng hirap at pag durusa,
Na parang tangang nakangiti parin at nakatawa.
Sa payasong walang natira sa pag katao nya
Kung di ang takot na maulit pa ang sakit na dinadala.




Testing lang po..