Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 2 of 2

Thread: Umaga

  1. #1

    Default Umaga

    Nakaka…
    ...Panibago
    ...Lito
    ...bato…

    Palagi na lang bang ganito?

    Mga alaalang pilit bumabalik
    Katulad ng Tubig,
    Umaagos ng tahimik.

    Dumadaloy...
    Tumatahak...
    Pumapatak...

    Mga oras, araw, buwan
    binalot ng karimlan

    Ilaw sa kadiliman
    Muli bang masasaksihan?

    Panahong tinikman
    sikretong kasiyahan

    Ikaw at ako
    Tila Dugong dumadaloy
    Nagbibigay...
    ng buhay...
    ng Pag-asa...
    ng Sakit...
    Sa isat isa.

    Mga panahong buwan at araw ang saksi,
    masayang magkasama
    may halong pangamba
    Nalulunod sa salita
    At mga pangakong
    Itinali sa mga tala.

    At sa ngayon,
    Kailangang lunukin ang pagdurusa

    Nag iisa...
    Hapdi ng Alaala,
    Wasak na ang pusong
    di na maaayos pa.

    Pag gising sa umaga,
    Nangangamba

    Ako kaya'y naaalala mo pa?

    psychocain
    (please ask the permission of the author if you will post my poems elsewhere. thanks)
    Copyright @ 2013 Spiritus Lyrico Spes Blogspot
    Last edited by psychocain; 2nd May 2018 at 08:24.

  2. #2

    Default Re: Umaga

    Nice one TS keep it up!

Similar Threads

  1. wwe umaga,khali hindi magamit sa season mode
    By nectron in forum PlayStation
    Replies: 5
    Last Post: 20th Apr 2008, 15:18

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •