Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 4 of 4

Thread: Lechon Baboy

  1. #1

    Upset Lechon Baboy

    Wala na bang karapatan ang isang halimaw na tulad ko ang magmahal ng isang prinsesang katulad mo? Oo, parang isang kuwento na ilang ulit na nating nabasa at napakinggan, isang kuwento ng isang halimaw na nagmahal sa isang prinsesang naligaw.Aaminin kong medyo mabilis ang lahat pagdating sayo, wala akong sinayang na panahon mapalapit lang sa kinatatayuan mo.At eto na nga sa kakahabol sayo may nakalimutan ako, isang malaking bato lang pala ako sayo na kailanma'y di mo mapapansin dahil sa halimaw na bumabalot sa buo kong pagkatao.Hindi ko naman sinasabing magustuhan mo, hindi ko rin hinangad na lingunin mo pero sana noong nalaman mong ako'y may gusto sayo hindi ako naging laman ng kwento sa lahat ng inuman niyo.

    Matagal na akong ganito kaya nasanay na rin sa pangungutya ng lahat ng tao. Konting kaibigan at nakakakilala sa isang tunay na ako. Sabi nga nila, "Papayat ka na." pasensya na pero ito lang ang aking kinakaya. Dito ko nalaman na iba parin talaga ang tunay na tao sayo kesa sa taong may pinapatunayan lang para makita mo. Sana naging masaya kang pagtawanan ang lahat sa akin, Oo nama't kasalanan ko din to wala kasi akong humpay kung magsaing at lumantak ng adobo. Pinabayaan ko ang sarili kong malugmok sa ganito pero hindi ko naging kasalanan ang magmahal sayo para gawin mong sahog sa maaanghang na niluluto mo.

    Lahat na ata ng tao nahuhumaling sa 'yong ganda pero pinaglaban ko na ang nararamdaman ko sayo ay totoo, naaalala mo pa noong minsa'y lumabas tayo kasama ang tropa? Pinagharap nila tayong dalawa para maging maayos na, nagkamayan pa tayo at niyakap mo ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa nilalabhan ang damit na naging saksi sa bumalot na kilig na buong katawan ko. Masaya ako noong gabing 'yon pero alam kong may kulang pero dahil sa tuwa ay naging sakto na lang. Noong isang linggo, pumasok ako dito sa opisinang naging puno't dulo ng lahat ng sakit na ito, bigla kang nag-chat sa akin at hinahanap mo ko.Sa tuwa ko'y hindi ako mapakali, sagot agad ang tugon kong parang kinukuryente.Alam kong hindi mo alam pero takot sa ako sa multo at madidilim na kuwarto pero para sayo pinasok ko at hinarap ang multo na lumalagi sa isipan ko makuha mo lang ang gusto mo.

    Sana lang naman kung hindi mo natanggap kung ano ako isinulat mo na lang at itinapon sa apoy hanggang naging abo, hindi mo na lang sana iniluto at inihain pa para pagpyestahan nyo.

  2. #2

    Default Re: Lechon Baboy

    Uy ayus to ah marami kanaring naisulat

  3. #3

    Default Re: Lechon Baboy

    Deep men Deep

  4. #4

    Default Re: Lechon Baboy

    Awww damang-dama loved it!

Similar Threads

  1. Bakit may mansanas sa bunganga ang lechon baboy?
    By jepoycrieta in forum Gags & Jokes
    Replies: 31
    Last Post: 24th Mar 2014, 16:22
  2. "Baboy at Pinoy"
    By PINOY_RADICAL in forum Quotes & Poems
    Replies: 1
    Last Post: 15th Jan 2012, 23:47

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •