Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. #1

    Default Sigaw Na Pabulong!

    Sigaw Na Pabulong!

    Anong gagawin mo kung naiwan ka na ng tren?
    Aanhin pa ang dentista kung wala ka ng ipen?
    Paano ka magsisimula muli kung masyado ka ng malayo?
    Kung sarado na lahat ng tindahan san ka bibili ng toyo?

    Ubos na ang kumpiyansa ko wala ng paghuhugutan.
    Dahil ang buhay ko ngayo'y nababalot ng kalungkutan.
    Sa Kartada kong ito malabo ng may lumapit.
    Habang buhay na pag-ibig bakit sa aki'y pinagkait?

    Ang bawat araw ay lilipas buhok ko ay puputi.
    Lagi na lang lumbay, kelan ako muling ngingiti?
    Sa bangungot na ito sinong sa aki'y gigising?
    nakatakda bang magisa gang sa araw ng libing?

    Mahirap daw maging pogi sabi ng isang awitin.
    Ngunit mas mahirap kung wala sayong pumapansin.
    Napakapalad ng mga lalaking makisig at makapal ang bulsa.
    Tila baga, noong nagsabog si bathala ng biyaya ako ay tulog pa.

    Saan ako dadalhin ng mga paa kong may tanikala?
    Di na ako bata kaya ako ay lubusang nababahala.
    Meron ba talagang sa aki'y tinadhana?
    O si Kupido'y sadya nang, nasiraan ng pana?

  2. #2

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    nice one!

    gusto ko yung touch ng humour sa sinulat mo
    keep it up!

  3. #3

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    Ang ganda may kiliti hahaha salamat dito

  4. #4

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    galing galing boss..

  5. #5

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    good read

  6. #6

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    ayos to ah

    ang ganda

    abangan ko ibang post mo

  7. #7

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    Salamat po sa feedback, subukan ko po ulit sumulat! Mabuhay Kayo!

  8. #8

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    keep writing bro

  9. #9

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    para sa mga naiwan ng tren..

  10. #10

    Default Re: Sigaw Na Pabulong!

    try natin mag collab sir pag may time ka

Page 1 of 2 12 LastLast

Similar Threads

  1. Merry Christmas sa lahat! SIGAW NA!! =)
    By acetrease123 in forum Celebrations
    Replies: 5
    Last Post: 25th Dec 2011, 22:33
  2. May gold na ba?
    By glenn04 in forum Sports Chat
    Replies: 4
    Last Post: 1st Jul 2011, 02:18
  3. Genuine na ba ang Windows XP nyo?
    By Global360 in forum PC Hardware Chat
    Replies: 63
    Last Post: 25th Apr 2009, 21:00

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •