Ang mangingibig


Magandang araw sayo Juana napakaganda ng ayos mo.
Garantisado maraming binata ang mabibighani sayo.
Ang ngiti mong sing tamis ng manggang hinog sa puno
Ay kaysarap pagmasdan, Di na maiwan, parang yong anino.


Mukhang ang sarap ng pananghalian mo, halika na sabay na tayong kumain.
Umupo ka na dyan sa may lamesa, wag kang mag-alala ako na ang maghahain.
Damihan mo ang kain, wag mo na kong alalahanin mahal ko.
Makita lang kitang masaya, sa puso at diwa'y busog na ako.

Ang sarap sa pakiramdam na kasama mong magbakasyon sa Baguio.
Kung marami sana akong pera lahat ng ituro mo'y ibibigay sayo.
Gusto kong malaman mo kahit saan ka man pumunta, hiling ko'y nandoon din ako.
Pangako ko sayo, na bawat galaw ng kamay ng orasan ay iaalay ko sayo irog ko.


Sinong umaway sayo? tahan na, wag ka ng malumbay.
Ang buhay ng bawat isa'y sadya talagang makulay.
Di parating saya meron ding pighati,kailangan mo lang sumabay,
Sa agos ng buhay na mabilis, na parang sa Tsubibo nakasakay.


Paano? hanggang dito na lang mag-log out na ako.
Bukas ko na lang titignan kung anong bago sa buhay mo.
Ayos na sa akin na makita ka araw-araw, kahit man lang sa facebook mo.
Di mo na dapat malaman pa, na ako, ay ang sikretong mangingibig mo.