Opisyal na pong nagbubukas ang Mobilarian Forum! Welcome po ang lahat na makibahagi sa ating munting tahanan!


Pero kagaya na nga rin po ng nabanggit sa nakakalungkot na balita nitong nakaraang linggo, nagretiro na po ang pinakamamahal nating Symb. Bagaman maraming pagkakapareho ang dalawa, iba po ang mga alituntunin na pinaiiral dito sa Mobi (Mobilarian Forum). Mangyari lamang po na basahin nating mabuti ang Forum Rules ng Mobi. Bukod don ay may mga forums o areas din po na mayroon ang Symb na wala ang Mobi.


Wala pong Adult Zone, Marketplace, World Wide Web at Online PC Gaming forums ang Mobi na kagaya ng sa Symb.


So kung ang hanap po natin ay adult materials, trabaho, negosyo, kumita, magbenta, mag-advertise, o mag-promote, nasa maling site po tayo. Gustuhin man natin ay wala pong sapat na kakayahan ang Mobi para panatilihin ang kaayusan at pangalagaan ang kapakanan ng mga member na makikilahok sa mga nabanggit na forums. Kung ano lang po ang mga available na forums dito sa Mobi yun lang po ang pinapayagan. Hanap na lang po tayo ng ibang site na pinapayagan ang mga bagay na nabanggit.


Simula na po ng pagbabago! Inaasahan po namin ang inyong suporta at kooperasyon para mapanatili ang kaayusan, pagtutulungan at pagbibigayan dito sa ating bagong tahanan. Welcome at mabuhay ka kamobi!