Para mabalikan natin ang mga gusto nating sundan na thread ("bookmark"), pwede po nating gamitin ang "Subscribe" feature ng forum natin para ma-save natin ang mga thread na ito. Makikita po ito sa top-right ng bawat thread, sa ilalim ng "Thread Tools" menu
Pagka-click po natin ng "Subscribe to this Thread..." bibigyan tayo ng pagpipilian kung paano natin gusto manotify kapag may nagreply sa thread kung saan magsusubscribe tayo:
Pwede nating piliin na ilagay lang sa ating User CP ang subscription, or magsend ng email sa ating registered e-mail address kapag may nagreply sa subscribed thread.
Useful ang e-mail notification kung gusto natin maging up-to-date sa mga threads via mobile (siguraduhing naka-connect ang ating Mobilarian registration e-mail sa e-mail app ng ating smartphone)
Gamit ang feature na ito, hindi na natin kailangan magreply sa mga thread para i-"bookmark" ang mga gusto nating balikan na posts ng ating mga ka-Mobi.![]()