Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 1 of 1

Thread: Day Shift

  1. #1

    Default Day Shift


    Nakanganga at di ko alam bakit tila di ko magamit ang utak ko habang nasa loob ako ng apat na sulok ng kwarto na to. Walang pumapasok sa utak ko sa mga pinagsasabi ni Diana.
    “Hoy! Ano na? sasagot ka ba?”, si Diana.
    Bigla akong bumalik sa mundong di ko alam kung tanggap pa ba ako.
    “Oo narinig kita”, habang tingala ulit sa kisame.

    Si Diana ay matalik kong kaibigan, simula nursery hanggang sa umapak kami sa parehong kumpanya na pinapasukan naming ay para kaming kambal na di mapaghiwalay.
    Isa akong manager at siya naman ang Human Resource head.
    Madalas kami mag-usap sa mga bagay bagay mula pamilya hanggang sa mga relasyong nanlalamig at di nagtatagal.
    Siya na ang nagsisilbing psychiatrist ko sa mga problema ko sa buhay.

    “Dian, ayaw ko talaga maging kagaya ng tatay ko”, bigla kong sulpot sa kanina’y masayang usapan.
    “Ayaw mo maging babaero?”, bigla niyang tanong.
    “Oo, sa tingin ko konteto na ako kay Mia.”, sabay kindat at ngumisi ng may tunog.

    Nag-usap pa kami ng ilang oras habang hinihintay matapos ang shift at nakapag-usap pa ng kung anu-ano bago mag-paalam umuwi.

    Hinatak ko ang pintuan at tsaka tumingin kay Diana.
    “Una na ako sayo Dian, may kukunin pa akong kape sa coffee shop eh”.
    “Sige, sunod ako. Paki-kamusta mo nalang ako kay Maris, alam ko siya ang kahera ngayon duon.”, sabay kindat sa akin bago ko tuluyang lisanin ang opisina.

    Nasa coffee shop na ako nakaupo.
    Nakanganga at di ko parin alam bakit di ko magamit ang utak ko para maproseso ang mga bagay bagay.
    Tinext ko na si Mia na pauwi na ako pero baka ma late ako at baka gabihin ako ng uwi.
    Kinuha ko na ang kape, at ang kamay ni Maris dahil tapos na ang kanyan shift.
    “Tara love”
    “Tara”


    Last edited by khun nam; 26th Oct 2018 at 15:55.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •