Pangarap
Back Ground Song Dream It Possible

ANO ANG PANGARAP MO? ANONG GUSTO MO MAGING PAGLAKI MO? Pangkaraniwang tanong sa isang bata. Libre lang mangarap. Hanggang pangarap na lang ba?

Sa tuwing naaalalako ang joke na ito nangingiti o natatawa ako.

Titser: Ano ang gusto mong maging paglaki mo?
Estudyante 1: Ma’am, gusto ko pong maging doktor para makatulong sa kapwa.
Titser: Ikaw naman, ano ang gusto mo paglaki mo?
Estudyante 2: Ma’am, gusto ko pong maging nars, para makatulong sa kapwa.
Titser: O, ikaw naman, Anong gusto mo paglaki mo?
Estudyante 3: Ma’am, gusto ko pong maging ‘kapwa’ para hayahay…..= )

Sa tingin ng marami ay pagiging tamad ang nais ni Estudyante no.3. Pero sa aking palagay ang nais nya talaga ay mamuhay lamang ng simple.