Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 8 of 8
  1. #1

    Default Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    May mga mapapalad na tao na nahahanap nila agad kung sino ang nakatadhana para sa kanila. Marami na akong nakilala na mga magkasintahan na nagkrus and landas noong elementarya o hayskul pa lamang sila. Di kalaunan, karamihan sa kanila ay naging mag-asawa at magkasamang nagtataguyod ng kanilang pamilya.

    Mayroon din namang mga taong pinakasalan nila ang kanilang mga first love.

    Ngunit sa kasawiang palad, hindi lahat ng tao nabibigyan ng isang mala-fairytale na kwento na kung saan "...and they live happily ever" after ang ending.

    May iba kailangan pang dumaan sa napakaraming pasakit para lang matagpuan ang "the one". Mayroon ding mga tao na higit pa sa bilang ng mga daliri ang naging karelasyon dahil sadyand hindi nila alam ang gusto nila. At siyempre, nandyan din naman and mga takot sumubok magmahal uli dahil sa mga naranas nilang sakit.

    Lahat tayo may kanya-kanyang kwento.

    Bagamat magkakaiba, ang mga kwentong romantiko ng bawat tao sa daigdig ay pinagbubuklod ng iisang katotohanan:

    Ang pagmamahal ay hindi lamang isang panandaliang emosyon na nararanas ng isang tao. Bagkus, ito ay isang long-term na desisyon na kailangan mong panindigan sa abot ng iyong makakaya.

    Kaya nga tayo nasasaktan di ba? Kasi kapag hindi lang naman sarap at kilig ang mararanasan mo kapag iibig ka. Madalas yan, matapos nang honeymoon stage nagsisimula na tayong makaramdam ng sakit at kirot sa puso. Minsan dahil sa mga maliliit na bagay nagkakatampuhan ang mga magkasintahan. May mga pagkakataon din na nauuwi ang mga tampuhan sa matinding away at timba-timbang luha.

    Hindi madali.

    At kahit kailan, hindi magiging madali ang umibig. Kung hindi ka handang sumugal, mag-commit at masaktan, save yourself. RUN! Magtago ka muna sa yungib hanggang sa feeling mo kaya mo na. Siguraduin mong kaya mo nang makita ang napakarami mukha o katauhan ng romantik na pag-ibig.

    Sa ayaw at sa gusto mo, ang mga mukhang ito ay magiging parte ng paghubog ng iyong pagkatao.

    Maaaring makita mo ang mga mukhang ito sa iisang tao lamang. Pwede rin namang iba't-ibang tao ang kumakatawan sa mga mukhang ito. May mga pagkakataon rin na hindi mo pa siguro makikilala ang mga katauhan na mababanggit. Gayunpaman, mas maganda pa ring kahit paano'y alam mo na ang maaari mong suungin.

    Young love - Naalala mo pa ba yung crush mo noong bata ka pa? Yung cute na katabi mo sa upuan na gustong-gusto mo bwisitin? Siya yung dahilan mo kung bakit excited ka pumasok at mag-ayos ng buhok para lang mapansin ka o masilayan ang mukha niya. Bagamat kulang pa sa maturity utak natin noong bata pa tayo, para sa akin, itong ang purest form of love. Walang bahid ng kung ano-ano. Basta alam mo sa sarili mo na napana ka ni kupido.

    Ngunit kadalasan, ito yung pagmamahal na sadyang kumukupas dahil habang tumatanda tayo, nag-iiba ang mga gusto natin sa buhay. Minsan, kailangan nating mahiwalay ng landas.

    First love - Walang kamatayang first love. Siya yung unang-unang magpapadama sa iyo ng pagkabalisa o butterflies in your stomach. First real kiss at first sa napakarami pang memorable at masayang alaala. Siya rin malamang ang unang magpaparanas sa iyo ng unang kabiguan. [Ihanda na ang panyo at sankaterbang kahon ng pizza para maka-move on].

    First love cuts the deepest at madalas, siya rin yung taong napakahirap mong kalimutan.

    Gayunpaman, kailangan mong magpakatatag. Pick yourself up. First heartbreak palang yan! Sa buhay, maraming dadaang heartbreak, kaya ito na ang pinaka the best na moment to brace yourself para sa mas mahirap pa na pagsubok sa buhay.

    Kung mabait ang tadhana sa iyo, malay mo kayo pa rin hanggang sa dulo di ba?

    Muntik-muntikan na - A.K.A TOTGA - The One That Got Away. Nasa kanya na lahat, kaso hindi kayo pinalad na maging magkasama for all your life. Tragic endings kadalasan. Ngunit, rest assured na your TOTGA will teach you to start improving your flaws. In the long run, ang pagkawala niya ang magmumulat sa iyo ng mga magagandang bagay tungkol sa iyong sarili na hindi mo napapansin. Si TOTGA ang magtuturo sa iyo ng self-love.

    Ang dakilang mang-gogoodtime - Minsan, we fall for the wrong person. Wrong in the sense na alam mong walang patutunguhan relasyon niyo pero sige ka parin dahil akala mo eh may tsansa pa maayos lahat. Akala mo kaya mong tulungan ang isang tao na yun para mabago ang kanyang sarili. At the end of the day, ginood time ka lang pala niya at hindi ka naman niya seseryosohin kahit kailan. Sadly, karamihan ng relasyong "romantik" ngayon ay pang-good time lang. Sila or siya ang magtuturo sayo to learn how to say no and when to walk away.

    One great love - Dadaan sa buhay natin ang isang tao na magtuturo sa atin ng tunay na definition ng pagmamahal. Kadalasan dumarating ito sa panahong mature na tayo [or at least nag-uumpisa nang tubuan ng sintido kumon]. Si One Great Love ang nagtuturo sayo to see beyond the happy endings na nakikita mo sa mga pelikula.

    Dahil ang tunay at pinakamatinding sukatan ng pagmamahalan ng dalawang tao ay kung paano nila imamanage and relationship kapag nagsimula nang mabawasan ang kilig o kapag ang mga dating bagay na nakakatuwa ay nag-uumpisa nang maging nakakairita. Kung papalarin ka, maaaring siya na ang maging katuwang mo habang buhay. Kung hindi naman, siya ang magtuturo sa iyo na may mga taong pinagtatagpo ngunit hindi itinatadhana.

    The only love that matters - Minsan talaga kailangan nating madapa at mauntog ng ilang beses para mahubog natin ang pagkatao natin ng husto. Kaya madalas si The only love that matters ay dumarating sa bandang huli. Bibilib na talaga ako sa iyo kung nakilala mo na siya nung una palang. Favorite child ka ni Lord kung ganun!

    Tandaan na hindi mahalaga kung siya ang una o kahit pa ika-50th, kung sa bandang huli eh siya yung taong handa kang mahalin despite all your imperfections. Through thick and thin, nandiyan ang taong to para mahalin ka ng buong-buo kahit pa gaano kahirap.

    Eh ikaw, alin na ba sa mga katauhan ng pag-ibig na yan ang nakilala mo sa iyong buhay?
    Last edited by TheWanderingPotato; 2nd Jun 2019 at 01:17.

  2. #2

    Default Re: Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    Tinapos kung basahin

  3. #3

    Default Re: Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    Thank you ��. Kamsta naman feedback?

  4. #4

    Default Re: Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    nice read! waiting for the one that matters!

  5. #5

    Default Re: Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    Yung sa tamad kong magbasa pero to tinapos ko
    fun read and nakakarelate

    "Tandaan na hindi mahalaga kung siya ang una o kahit pa ika-50th, kung sa bandang huli eh siya yung taong handa kang mahalin despite all your imperfections. Through thick and thin, nandiyan ang taong to para mahalin ka ng buong-buo kahit pa gaano kahirap."

    This.

  6. #6

    Default Re: Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    nice maganda yung content. kaaliw .. hehe Thanks!

  7. #7

    Default Re: Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    nice read kapanalig! keep it up

  8. #8

    Default Re: Ang Napakaraming Mukha ng Romantik na Pag-ibig

    Thank you hehe

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •