Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 3 of 3

Thread: Mika

  1. #1

    Post Mika

    Author's note:

    Related stories: (Must read para ma-gets n'yo, haha)
    Pulang Kahon --- https://www.mobilarian.com/showthread.php?t=558860
    Sayang (Pulang Kahon Prequel) --- https://www.mobilarian.com/showthread.php?t=566281


    "Mika"


    Hi! Ako si Mika, maganda, sexy, mabait, ano pa ba? Ah! Ako din ang babaeng bibihag ng puso mo. Oh ‘di ba! Isa akong estudyante na medyo, paano ko ba ito sasabihin? Hmm, alangan. Minsan, sa kahit anong pagtyatyaga ko sa mga aralin, hindi ko ito makuha kuha. Nakakainis lang kasi ayaw gumana ng maayos itong utak ko, kailangan ko sigurong magpakuryente baka tumalino ako.

    “Uy Mika! Kamusta ka? Teka bakit ka nakangiwi dyan? May problema ka na naman sa isang subject ano?”

    “Ah eh, kausap mo ba ako? Sino ka? Kilala ba kita?”

    “Lutang ka na naman, haha! Ako ‘to, si Jess.”

    “Ay, Jess! Ikaw pala, alam mo, pagod na ko kakaisip sa subject na ‘to, ayoko na. Suko na ko. Kasi naman ayaw gumana nitong kokote ko. Bad trip.”

    “Pasensya ka na Mika, gusto din sana kita matulungan kaso alangan din ako dyan. I-cheer na lang kita.”

    “Hayaan mo na, kakayanin ko.”

    “Well sigurado akong kaya mo ‘yan, ikaw pa. S’ya sige, dyan ka na muna, pupunta na ko sa sunod kong subject. Sa susunod uli nating pagkikita, at sana ‘di na ganyan itsura mo, haha!”

    Nakakahiya naman kay Jess, bawas ganda points ito, nagmukha akong walang alam. Hay naku! Pero kinilig ako doon sa sinabi n’ya ah as in OMG.

    “Uy Mika! Tulala ka dyan, iniisip mo na naman ba ako?”

    “Don!”

    “Hello hello!”

    “Uy Don, tulungan mo naman ako oh.”

    “Ano yan? Wala akong pera.”

    “Tangek, sa isang subject. ‘Di ko kasi ma-gets eh.”

    “’Wag mo kasi akong isipin palagi, ‘di mo tuloy ma-gets ang studies mo.”

    “…”

    “Swerte mo mabait akong kaibigan.”

    -----

    “May lalaking duguan! May lalaking duguan!”

    Nagising ako mula sa isang bangungot at nalamang ako’y nasa school clinic.

    “Mika, kamusta ka na?”

    “Don? Jess? Okay lang ako. Anong nangyari? Bakit ako nandito?”

    “Nakita ka ni Don na walang malay.”

    “Mika, sobrang init mo kanina noong dinila ka namin ni Jess dito. Nagpapahinga ka ba ng maayos?”

    “…”

    Nanatili si Don sa tabi ko samantalang si Jess naman ay ipinaalam sa mga magulang ko kung ano ang nangyari.

    “Mika, huy! Ayos ka lang ba talaga? ‘Wag mong pwersahin ang sarili mo.”

    “…”

    “Alam mo, ‘di mo kailangan i-stress ang sarili mo sa pag-aaral e, lalo kang walang matututunan nan. ‘Wag kang magpadala sa pressure. Alam kong kayang kaya mo yan.”

    “…”

    “Mika, papunta na dito ang mga magulang mo. Sinabi ko na rin sa kanila na okay ka lang.”

    “Salamat Jess.”

    Lumipas ang ilang buwan, graduate ako on time. Sa wakas!

    Matapos ang graduation, nilapitan ako ni Jess.

    “Alam mo Mika, natutuwa ako para sa’yo. Isa kang inspirasyon para sa akin, nagtyaga ka para sa sarili mo.”

    “Ay talaga ba? Naku, gusto ko lang maging proud sa akin ang mga magulang ko.”

    “May gusto sana akong sabihin sa’yo.”

    Napaisip ako, pero may hinala ako e. OMG, ito na ba?

    “Pwede ba kitang ligawan?”

    Abot tenga ang ngitin ko, um-oo ako sa kanya at kasabay noo’y niyakap n’ya ako.

    “Aba aba! Kayo ha, may pagyakap na pala dito. Paano naman ako?”

    “Don!”

    Sa sobrang saya ko nitong araw na ito, niyakap ko din si Don ng mahigpit.

    “Mika! Hindi ako makahinga!”

    “Ay sorry, ang saya ano, graduates na tayo!”

    “Oo nga eh.”

    “Hello unemployment."

    -----

    Naging kami ni Jess. Ilang taon na din. Masaya ako sa piling n’ya. Sobra s’yang maalaga at medyo overprotective.Nagkaroon kami ng kani-kaniyang trabaho, malapit pa rin kami sa aming mga college friends. Perfect, wala na akong mahihiling pa, kuntento ako ngayon sa buhay ko.

    “Baby, tumawag si pareng Ken, magdaraos sila ng munting salu-salo para sa atin!”

    Nagpunta kami sa bahay nina Ken, doon kasama namin ang iba pa naming mga kaibigan noong kolehiyo.

    “Don! Ngayon lang ulit kita nakita!”

    “Hi Mika! Congrats sa inyo ni Jess.”

    “Ay salamat. Hmmm.”

    “Oh bakit?”

    “Asan na yung joke ko?”

    “Hindi ako ready! Haha!”

    “Inaabangan ko pa naman yun, namiss ko ang mga jokes mo!”

    “Hayaan mo, sa makalawa, bibigyan kita ng maraming mga jokes. Promise.”

    “Aasahan ko yan ha.”




    **END**
    Last edited by skylar21; 16th Jun 2019 at 01:34.

  2. #2

    Default Re: Mika

    the end na agad yun?

  3. #3

    Default Re: Mika

    Quote Originally Posted by babyPowdeR View Post
    the end na agad yun?
    yeah, end na sya. create your own na lang between sa ending ng bawat kwento

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •