Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 3 of 3
  1. #1

    Default Usapang Gardening

    Meron ba mahilig sa gardening dito, vegetable man or ornamental plants? Meron ako snake plant, money tree, lucky bamboo, okra, calamansi, malunggay na pinapadami ko by stem cutting, aloe vera at sili.

    Problema ko lang eh tinataehan ng mga pusa ko yun lupa ng okra at according kay pareng google di makakain dahil sa mga parasites na galing sa cat feces. Maski ba iluto di pwede?

    balak ko nga alisin na lang mga okra at palitan ng snake plants

  2. #2

    Default Re: Usapang Gardening

    Kung gusto niyo lumago halaman niyo dalawa ang kelangan niyo gawin, una ay add fertilizer at 2nd ay pruning. Kapag maglalagay kayo ng fertilizer eh the best vermicast or tae ng mga kalabaw at compost pero kung di available at gipit sa budget mura lang ang urea fertilizer. Lagay lang ng dalawang grain ng urea bawat halaman at diligin ito ay pwede na. Gawin ito every month. Pruning naman ay ang paggupit ng stem at leaves para mas lumago at maging bushy ang halaman. Heto sample sa sili


  3. #3

    Default Re: Usapang Gardening

    Isa pa tip, kung ayaw niyo gumamit ng fertilizer eh ang pinaghugasan ng bigas ang pangdilig araw araw dahil rich sa Nitrogen, phosphorus at potassium ito na kelangan ng halaman. Pwede din pinaghugasan ng isda.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •