Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 11 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 109
  1. #1

    Default Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    Maraming gustong kumita sa FOREX pero di lang nila alam paano makapag start at ano ang gagawin. Yong iba ayaw muna sumali kasi nga wala pang experience. Yong iba naman pababasahin ka pa ng mga references para lang maintindihan pero umabot na lang ng 1-3 buwan nahihirapan pa rin.

    Madali lang naman ang FOREX o Foreign Exchange para ka lang nagpapapalit ng pera mo sa ibang currency na iba ito sa lokal mong kurensiya. Halimbawa, bumili ng WON dahil gusto mong pumunta ng Korea at mapanood yong paborito mong KPOP, so ipinagpapalit mo ngayon ang pera mo na Peso sa Won, kaya ikaw ngayon ay involve na sa FOREX. Yan ang tawag dyan.

    Pero kung ang gusto mo naman talaga ay maglaro o magsugal sa pamamagitan ng Merkado (FX Trading), ito naman ngayon ay tinatawag na FOREX Trading. Pupunta ka ngayon sa online market para ipagpalit ang iyong kurensiya para kumita o ma involve sa ekonomiya ng ipinagpapalit mong pera.

    Tandaan lang po natin na ang FOREX Trading ay isang LARO o kaya naman ito ay isang SUGAL. Yong pera mo ipinantataya mo para magka tumubo. Pag siniwerte ka, kikita ka at pag minalas ka naman ay malulugi ka.

    Bakit ko ba sinasabing ito ay isang Laro o di kaya ay Sugal? Kasi pede ito maging isang laro na marami kang matututunan. Pag naglaro ka ng matagal magkakaroon ka ng 'experience' ika nga na magagamit mong estratehiya. Kaya nga yong iba nag-aaral ng mabuti sa teknikalidad ng laro. Pede naman itong isang sugal kasi nga tumataya ka na di mo naman alam ang mangyayari kung mananalo ka o hindi.

    Laro vs. Sugal, saan ka pipili? Maraming mga kababayan natin na gustong piliin yong laro kasi mas nakakasiguro daw. Kaya ang ginagawa ay basa ng basa ng trends sa pamamagitan ng Charts o Candlesticks na tinatawag nilang 'technical analysis'. Ang tanong epektibo nga ba? Ang sagot hindi rin. Marami ang sumasali sa FOREX na may background sa asignaturang Ekonomiya pero nalulugi pa rin. Pero kung pipiliin mo ay sugal, mas maganda ito kasi ang tinitingnan mo ngayon ay mga bagay na hindi alam ng karamihan. Ika nga hindi natututunan sa eskwelahan. Ito yong mga diskarte na alam mo pero hindi alam ng iba. Ang hirap lang sa sugal eh kung wala naman 'goal o drive' yong nagsusugal eh sigurado magwawaldas lang siya ng pera. So, ano ba dapat ang pipiliin? Ang sagot ay 'a little of everything is good'. Ibig sabihin ay dapat tama lang ang timpla.

    Tandaan din ang FOREX TRADING ay isang PERCEPTION Based. Kung magaling ka sa SIKOLOHIYA (Psychology), posibleng maganda ang magiging future mo dito. Yan kasi ang karakter ng isang sugarol.

    Handa ka na bang maging sugarol?

    Nag start ako sa FOREX nung 2017 at ipinamahagi ko yong nalalaman ko sa isang thread na makikita sa symbia-nize.com dati pero inalis na nila yong thread nung mag-iba na sila ng website name na ito na nga mobilarian.com. Yong thread na yon ay kasama sa mga thread about Bitcoin at Cryptomining. May isang nag PM sa akin at nagpaturo kung paano maglaro at magsugal at tinuruan ko naman eh ngayon milyonaryo na pala siya.

    Kumita ako nung 2017-2018 sa FOREX ng halos na P1.1 Milyon, kaya lang yong kalahati nun ay ininvest ko sa cloud cryptominings kaya ayon nalugi kasi naging 'scam'. Paano naman kasi naniwala kasi ako sa isang member na maganda daw mag invest sa Bitcoin at may pinapakita pa siyang teknikal analisis kono pero walang namang mathematical significance. Buti na lang yong Hashflare at nabayaran pa ako. Yong kalahati naman ng pera pinahawak ko sa GF ko para ilaan sa kasal namin pero ayon biglang pumunta ng Dubai at di na nagparamdam. Kaya naging bankrupt ako last year at na depressed kasi nasayang yong kita ko sa FOREX na naglahong parang bula.

    Pero ito ako ngayon at nagsimula uli. Ang naging karma ko nuon ay yong hindi ko pag share sa 'blessings' about FOREX. Kaya siguro nagka 'bad' karma ika nga. Dapat kasi di lang pera nasa utak natin dapat matuto din pala tayong makikipag kapwa tao at i-share ang mga natutunan natin para naman umangat ang iba. So, from bad baka maging good karma na.

    Maraming style o pamamaraan ang FOREX trading at isa isa natin itong tatalakayin bago tayo maglaro o magsugal. Ito yong mga nalalaman ko na madali maintindihan na nasa baba:

    1. Binary or Currency Options
    2. Spot Market
    3. ETF (Exchange Traded Funds)
    4. Currency Futures
    5. Commodities/Stocks
    6. Cryptos

    Abangan na muna ang susunod para naman hindi 'boring' magbasa. Sa susunod tatalakayin natin isa isa yong mga different styles para well-informed tayo bago maglaro o magsugal at dito din malalaman mo kung anong style ang mas hiyang sayo. Pagkatapos ng talakayan, mag try tayo maglaro using FOREX Trading Sites online paano ang pag start up, proseso, magkano ang kapital na ilalaan (especially sa mga baguhan), papaano maglaro, at paano magsara ng trade.

    Hit Thanks na lang po kung nagustuhan itong thread na to.... Salamat!
    Last edited by reyronaldo; 16th Jul 2019 at 14:08.

  2. #2

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex? Tara na, join na!

    Ako gusto ko mag forex pro d ko Alam Kong pano
    Last edited by JandH; 16th Jul 2019 at 14:30.

  3. #3

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex? Tara na, join na!

    pa abang ts baka sakali tayo na sunod ma feature sa kmjs

  4. #4

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    gusto ko magpatulong kung paano mag simula po nito sir, isa narin itong sugal para sakin dahil tatahakin ko ang nilalaman salitang FOREX o Foreign Exchange. Sana po turuan nyo ako, welling to wait po sa turo nyo or tulong.salamat sir

  5. #5

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    ako bossing,,, gusto ko rin matuto..hindi ko kasi maintindihan anu yan forex... paano mag trade thru online,salamat bossing,,,,,

  6. #6

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    willing po ako magpaturo sa forex..

    Thanks sir..

  7. #7

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    Ok. Parang konti lang ata ang mga interesado. Lima lang ata katao. Pag bigyan mo lang ito ng konting panahon sigurado di ka magsisisi.

    Tandaan lang
    at parati ko itong inuulit, huwag lang masyado maging adik sa pera dahil hindi naman pera ang magpapatakbo ng buhay mo. Kung marunong ka na sa FOREX wag mo kalimutan kumain o kaya gawin yong nakasanayan mo gaya ng mga gawaing bahay.

    Ang problema kasi especially sa mga baguhan, nagiging adik sa FOREX tapos nakakalimutan ng kumain, pati GF, at minsan nagkukulong na sa bahay parang ermitanyo. Huwag ganyan. Yong buhay natin di dapat maging sunod sunuran ng FOREX. Dapat ikaw pa rin ang may kontrol. Minsan may kaibigan akong naturuan kaya lang naging adik sa FOREX di na lumalabas ng bahay, ayon sa Mental Hospital ang bagsak, nalimutan ng kumain. Ayon na guilty pa tuloy ako dahil tinuruan ko.

    BASICS muna sa FOREX mga terminolohiyang ginagamit para pag nagpunta tayo sa FOREX site di na tayo magtataka sa mga makikita natin at pag nakipag chat tayo ng ibang mga traders di tayo pagtatawanan dahil nga wala tayong alam sa terminolohiya: (Tiyagain mo lang ito memoryahin o i familiarize)

    Currency Pairs - Ibig sabihin dalawang pares ng kurensiya na ginagamit sa FX trading. Halimbawa, EUR/USD (Euro Dollar), USD/JPY (Dollar Yen), USD/CHF (Dollar Swissy), GBP/USD (Pound Dollar), AUD/USD (Aussie Dollar), etc. Pagtinanong ka anong currency pair ka nag investt dapat alam mo agad ang sagot. Pili ka na lang dun sa mga halimbawa kung anong currency pair ang gusto mo laruin o pustahan.

    Note: Lahat ng pares na may USD (American Dollars) na sikat na nasa taas, ang tawag dyan ay 'Major Pairs'. Ito halos ang makikita mo sa mga FX trading sites. Wala pa akong nakita doon na may PHP/USD. Sa mga exchanges lang ata. Hehe...

    Cross Currency Pairs€‹ - Ito ay currency pair na hindi naka angkla sa American Dollars (USD). Halimbawa, EUR/CHF (Euro Swissy), EUR/GBP (Euro Pound), EUR/CAD (Euro Loonie), EUR/AUD (Euro Aussie), etc. Kaya pag may nagtanong o tinanong ka ng sweetheart mo kung anong cross currency pairs ang nilalaro mo eh di pili ka na lang dyan sa mga halimbawa. Note: Wala pong "Euro Pussy" na pares.

    Exotic Currency Pairs€‹Ito yong hindi mga sikat na pares, ika nga masyadong lokal. Hehe. Halimbawa, USD/SGD (Dollar Pura), USD/SAR (Dollar Riyal), USD/RUB (Dollar Ruble), etc. May mga ganyang pares sa mga FX trading sites kaya lang di lang mga sikat or internationally recognized.

    O ngayon alam mo na? Dahan dahan lang muna natin para sureball lahat. Mahirap kasi i introduce ko kayo sa trading sites tapos di nyo pa alam yong mga pares. Para kayong naglalaro na di mo alam kung bakit mo nilalaro yan o bakit ka nag invest sa ganung pares. Mamaya sasabihin ko kung bakit kelangan mo talaga ma 'familiarize' yong mga pares kasi di lahat ng pares ay maganda laruin, dapat alam mo ang nangyayari sa mga pares sa araw na yan at alam mo dapat kung kelangan mo siya laruin o hindi. Kasi nga may mga pares na hindi ka naman kikita sa mga araw na yon o maliit lang talaga ang kikitain mo.

    Kung may natutunan ka paki sagutin nga muna itong tanong ko:

    Ano ang tawag sa pares na USD/THB at saan siya nabi belong?

    Ano ang tawag sa pares na NZD/CHF at saan siya nabi belong?

    Paki sagot lang po bago tayo mag proceed, gusto ko kasi lahat ng tinalakay natin ay kuhang kuha para di tayo mahihirapan sa susunod na talakayan.

  8. #8

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    pasali aku dito TS.. paturo

  9. #9

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    Quote Originally Posted by reyronaldo View Post

    sir interested here!! gusto ko naman mabago buhay ko. gusto ko gumawa ng kakaiba para umunlad naman fiancial needs ko. araw araw nalang kasi work bahay, bahay work nalang ganap sa buhay ko wala naman asenso. maraming salamat if matulungan niyo ako ts!!

  10. #10

    Default Re: Gusto mo ba kumita ng milyon milyon sa Forex?

    Very much interested, sir.

Page 1 of 11 123 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •