Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 7 of 7

Thread: Unlovable

  1. #1

    Default Unlovable

    naramdaman mo na ba minsan na kahit anung gawin mo "hindi ka sapat sa pagmamahal ng taong mahal mo?"
    well para sayo ang kwentong to...


    Nangyari to ilang buwan palang ang nakakalipas. habang nasa kalagitnaan ng pagpapahinga galing sa trabaho ay nakita kong nagriring ang cp ko. "Eto nanaman" sabi ko sa aking sariling naiirita. kailangan ko nanamang gawin yung obligasyon ko bilang isang bf. sa totoo ang medyo nabobored na ako at gusto ko namang mabago yung routine ko. sa cp nalang kasi nagkakausap ng gf ko dahil magkaiba kami ng schedule. call center sya na pang gabi, kaya tulog sya sa umaga, ako naman nagtatrabaho. although 3 years na kami, tumakbo ng ganun na parang naging routine nalang ang lahat. isang araw, naglabas sya ng sama ng loob sakin kasi hindi na raw kami nagkakausap ng personal. sa cp na nga lang parang magsasabi lang na "papasok na ako" or something. naiintidihan naman daw nya na ganun talaga ang sitwasyon dahil sa sched namin. minsan pa kung kelan day off nya, hindi ko sya masamahan kasi nagkakataon na busy ako masyado at after work, pagod na ako. kaya habang tumatagal, lumalayo na yung loob nya sakin. paunti unti parang dumadalang na lalo yung usapan namin, sa text man o sa tawag. isang araw, nagtext sya. "usap tayo mamaya". hindi ko alam kung bakit pero at that point kinabahan na ako. siguro mga 2pm nagtext na sya uli, nagulat ako kc maaga pa. usually kasi ang gising nya is 4pm pa kaya yung kaba ko max limit na. at maya maya pa, dumating na yung text na kinatatakutan ko. "magcool off na muna tayo" text nya. hindi ako naimik sa kinauupuan ko. "hindi ko kasi kaya yung ganito eh, parang wala ng tau eh, puro sakin lang yung effort" dagdag nya. maya maya pa may text uli "nahihirapan na kasi ako eh, lagi tayong ganito. busy ka na. wala ka ng time para sakin. kapag kelangan kita wala ka." "alam mo sa totoo lang, sa iba ko pa nararamdaman yung mga bagay na dapat ikaw yung nagpaparamdam sakin" sunod sunod na text sakin. para akong tinatamaan ng mga bloke ng simento sa muka. umabot na sa puntong napuno na sya. maya maya pa.. "mas mainam na sigurong ganito at hanapin muna nating yung mga sarili natin". dun ko napagtanto na umabot na ko sa katapusan. wala na akong sinabing iba kundi magsumangayon sa sinabi nya. and to this day, masaya na sya dahil napupunan na yung mga bagay na hindi ko napupunan. masakit, sa totoo lang. pero cguro nga mas ok na yun kesa naman itrap ko sya sa cycle ng relationship namin..


    anyway, sana may natutunan kayo sa kwento ko.
    salamat sa pagbabasa...

  2. #2

    Default Re: Unlovable

    so break nba kayo?
    totoo b na pg wala ng time sa isat isa lumalayo na ang damdamin?

  3. #3

    Default Re: Unlovable

    3 years with that toxic cycle? Na parang long distance kayo?
    Simple lang naman yan e. Why stay in a unhealty relationship na kayo mismo sa sarili nyo alam nyon nhihirapan na? Aroo I think that is mutual break up. Skl

  4. #4

    Default Re: Unlovable

    TS,
    ang relationship, para sa dalawang tao. yung feeling ng gf mo, nasa relationship siya pero magisa.
    Sayang yung ganyang babae, pre. kung napagkayanan niya na mag hold on ng three years sa isang unhealthy relationship, paano pa sa mas maayos at mas proactive na relationship?

  5. #5

    Default Re: Unlovable

    di sya para sayo pre, tama lang yan kesa sayangin mo panahon nya pabayaan mo na lang syang sumaya sa iba. di mo pa namimeet yun babaeng gagawin mo ang lahat para mapasaya at maparamdam sa kanya pagmamahal mo. maraming paraan sa gusto, maraming dahilan pag ayaw. maraming LDR na nagsasucceed naman kasi gusto talagang magwork. marami rin katulad sa inyo na bagamat malapit eh nagfail pa rin.

    - - - Updated - - -

    mahahanap mo rin babae na di mo antala magkano na nagagastos mo at oras na nailalaan mo, at masaya ka lang makita syang ngumiti. at nasasktan ka pag lumuluha sya

  6. #6

  7. #7

    Default Re: Unlovable

    Mahirap to sobra. Kasi wala naman talagang mali. Oras lang talaga pumatay sa relasyon nyo.

    Ang tanong lang is, bakit walang nag adjust?

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •