Magsinungaling ka please
Di ko matitiis ang mundong ito
Kung di kita kasama

Nitong mga nakaraang araw ay alaala mo
Sabay sa mga awit ng grupo at mismong ni Rico Blanco

Sa oras na kailangan mo
Makaaasa ka sa akin
Di mabubura sa limot
Taon man ang bilangin

Sa himig ng 214 patungong 241
Paikot sa kalawakan mo
Maging pangarap ay isa nalang himala
Simbilis nga talaga 'to ng isang kisapmata

Ligtas ka rito. 'Yan ang aking minumutawi
Ngunit magkasamang pagtanda'y nilipad na ng elesi
Hininihintay, hinahanap-hanap
Umaasa paring makikita't uuwi ka na

- wakas -

--

Konting subok lang baka sakaling makabalik.