Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 3 of 3
  1. #1

    Read Balut sa Puti - Dagli


    Balut sa Puti



    Lumabas ako ng bahay para bumili ng balut sa kanto. Katulad ng mga nakaraang sabado, inaabangan ko ang pagpatak na Alas singko ~ ang hudyat ng pagdating ni Mang Jose sa kanyang pwesto. Sa kanya ako bumibili ng balut kahit na may nagtitinda nito malapit sa bahay. Masarap ang tinda niyang balut sakto sa araw, eto ang tinatawag na Balut sa Puti saktong 21days ang itlog na pinapailawan bago ito hanguin.
    "Manong isa nga ho."
    "Ikaw pala iho bakit hindi pa tatlo iniisa-isa mo na naman ako." Ngingiti-ngiting sambit ni Mang Jose, kabisado niya kasi kung ilang balot ang nakakain ko sa tuwing bumibili ako sa kanya.
    Natigilan ang pagsagot ko nang makita kita sa labas ng bahay niyo, nakaupo habang kapit ang cellphone at humahagulhol. Wala kang pakialam sa mga taong dumadaan. May pumitik na excitement sa puso ko pagkakita ko sayo. Alam ko dati ang mundo mo, ngayon hindi na masyado. Ayon sa usap-usapan sa labasan eh buntis ka raw at hindi pinanagutan ng iyong amerikanong boyfriend. Malakas ang yugyog ng mga balikat mo. Alam kong kailangan mo ng karamay.
    "Manong, gawin mo ng dalawa. Pakilagay po sa plastik.samahan mo na rin po ng sukang maanghang at konting asin." Mabilis kong pagbabago sa nauna kong sinabi.
    Agad namang tumalima ang matanda. Naalala ko pa noong hayskul pa tayo. Nilapitan mo ako at ipinagtanggol sa mga nagbubully sa akin, dahil nga sa kilala kang officer ng CAT kaya nagpulasan ang mga nang-aaway sa akin. Bahay-Eskwela lang ang normal na buhay ko dati. Ngunit magsimula ng hapon na iyon, binago mo ang lahat. Araw-araw na tayong magkasama, sabay sa pagpasok at pag-uwi galing sa eskwela, Maging weekends ay hindi tayo nawawalan ng pupuntahan hanggang sa nagkamabutihan na tayo, umabot rin ng mahigit isang taon ang relasyon natin. Nasira lang sa isang walang kwentang tsismis ng mga kapitbahay. Pinalayo ka sa akin ng mga magulang mo. Nabago ang plano, sa Amerika ka pinag-aral. At eto ka ngayon, umiiyak sa labas ng bahay niyo.
    Dumukot ako ng singkwenta sa bulsa. Mabilis akong nagbayad kay manong, sabay ng pagkuha ko ng balot ang pagtalikod. Pagtalikod sa umiiyak na babae sa harap ng kanilang bahay. Matagal-tagal din bago ako nakapagmove-on sa kanya. Mahirap magpakadenang muli sa damdaming walang patutunguhan. Nagmamadali na ang mga paa kong makauwi para lantakan na ang masarap na balut sa puti habang mainit-init pa.


    ~end~
    Last edited by sumaksidot; 30th Sep 2019 at 00:33.

  2. #2

    Default Re: Balut sa Puti - Dagli

    Natakam ako sa kwento, pati sa balut XD

  3. #3

    Default Re: Balut sa Puti - Dagli

    Potek akala ko kung ano hahahaha akala ko bibigyan mo ng balot eh

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •