Umagang puno ng alinlangan
Sa unang pagkakataon ay masisilayan
Pag-asang inaasam ngayo'y nakamtan
Biruan ng kahapon, totohanan ngayon.

Kilay' tumaas sa nadaramang ipinaglaban,
Malugod na tinanggap ng buong puso at paggalang.
Pangakong binigkas isasaisip isasagawa,
Subukin man ng panahon, hindi ito matitinag.

Dalawang puso'y pinag-isa
Pinagbuklod ng tiwala't pag-asa.
Pagmamahal na wagas,
Kailan man hindi magwawakas.

Ilang taon, buwan at araw ang lumipas,
Pagmamahal ay hindi kukupas.
Nabuong mga alaala
Inspirasyong sa susunod na bukas.

Pangarap na sabay tatahakin.
Layunin na tutupadin.
Ano pa man ang harapin,
Hawak kamay na susuungin.

Iginuhit na pahinang walang kulay.
Ngayo'y puno ng pagmamahal, pag-asa at pangarap.
Direksyon ng buhay ay lumiwanag.
Salamat AKING MAHAL.

Salamat Salamat Salamat...