YGOPRO ES or YGOPRO Espanol PC Game
WAG MAG-ALALA ENGLISH VERSION I-SHARE KO DI MO NA KAILANGAN MAG-ARAL NG ESPANOL

DISCLAIMER! DI PO AKIN OR INAANGKIN ANG LARONG ITO ISHINI-SHARE KO LANG PARA SA MGA PINOY VETERAN AT NEW PLAYERS NA GUSTONG MAEXPERIENCE ANG PAGLALARO NG YUGIOH TRADING CARD GAME.

Author: ChristianYGO



Info: YGOPRO is a free online dueling system made for playing Yu-Gi-Oh! duels. YGOPRO is fully automated. All card effects, life points, counters etc. are handled by the system.

History: YGOPRO ay isang open source program na dinevelop ni Fluorohydride at ng team nya, na free gamitin ng lahat
https://github.com/Fluorohydride/ygopro

Habang ang YGOPRO ES or YGOPRO Espanol naman ay isang modified version naman na gawa ni ChristianYGO gamit ang open source program ni Fluorohydride, na kung saan ay free nating madadownload at laruin ng walang bayad.

So what's special dito?

PROS

* First syempre ay UNLOCKED LAHAT at UPDATED yung database ng mga YU-GI-OH Cards na available kahit yung mga Card na wala pa sa market free to test agad.

* Sa ngayun eto na lang ang may Single Player VS AI Offline support (yung iba tulad ng YGOPRO2 need mo pa ng internet para lumaban sa AI).

* Updated na Summoning Method: from Fusion, Ritual, Synchro, Xyz, Pendelum at syempre yung latest Link Summon!

* Up to date na ban list ng cards

* Ang PINAKA special dito ay priority nila ang pag-update sa android phones.
mayroon naman iba tulad ng YGOPRO2,YGOPRO Percy kaso hindi na nila ina-update ang kanilang android version mas focused sila sa PC di tulad nitong YGOPRO ES active mga admin nila at pag may bago maya-maya lang ay may update na.

* Walang Support sa MAC OS (Sinong Naglalaro ng games sa Mac OS??)

* Pwede kayu mag laban sa Offline LAN example: PC VS PC, Android VS PC (pwede yung isa android yung isa nasa computer Ayus) bastat nasa iisang wireless network lang kayo ako nga Globe Wifi lang kami nag lalaban ng kapatid ko hehe


CONS

* Late ang updates para sa PC version means may mga cards na released na sa android version pero wla sa PC version.
PERO MERON AKONG PERSONAL METHOD PARA MAKUHA ANG UPDATES NA MERON SA ANDROID VERSIONS AT ILAGAY SA PC VERSION BALI NASA "How to Install the game" MO MABABASA.


* Di maiwasan na may mga bugs na nag-eexist at kailangan mo lagi mag-update
Note: At dito ako papasok dahil magproprovide ako ng update dito sa thread na ito kung saan ang gagawin mo na lang ay i-download at i-apply wala ka ng magiging problema tulad ng mga nawawalang files bali di muna kailangan halungkatin ang google para lang mafix ang game mo.

* Sa mga Veteran/Old players make sure na alam nyo ang bagong rule lalo na yung Link Summon kasi iba na ng onti ang process ng Summoning(Fusion,Xyz,Synchro) pag-galing sa Extra Deck kaya research na lang at good luck .

* Walang Support sa MAC OS (Sinong Naglalaro ng games sa Mac OS??)


How to Install the game.

1. Download PC GAME
Google Drive Link:https://drive.google.com/file/d/1TJY...B64uwLE1i/view
Alternate Link:

2. Download ang Sound at Texture Files (Naglalaman ito nang Card image at Sound SFX ng game)
Direct Link: https://codeload.github.com/yusaku6/ygopro/zip/master

3. Download My Modified PC Update file (Modified kasi yung mismong creator very late nya nirerelease ang PC update pero dahil sa Method na subok ko na pwede natin I apply ang update na meron sa android papunta ng pc version ang gagawin mo lang ay i-download ang nasa baba at i-extract sa game folder)
Google Drive Link:https://drive.google.com/file/d/1zft...ew?usp=sharing
Alternate Link:

4. I-extract ang muna ang Pc-ProEs.B.zip right click then select mo Extract to (para di kumalat ang files at gumawa ito ng folder).

5. Then extract mo naman ang ygopro-master.zip right click then extract here, may folder na ygopro-master open mo yan then sa loob nyan may mga files (fonts,sounds,textures,.gattributes) select mo lahat then Cut(CTRL+X) mo then Paste mo sa loob ng gamefolder ni Pc-ProEs.B (yung inextract natin na una) then pag nagtanung ng overwrite all files click Yes.

6. Lastly extract mo yung modified PC update file Pc-ProEs.B_Unnofficial Update_11-17-2019.rar right click extract here then overwrite all files mo na lang then click YES.
Note: Dapat ma replace mo ang mga files(locales,pics,script,cards.cdb,strings) na ito sa loob ng iyong game folder dahil kung hindi mo nareplace di mo makukuha ang latest updates at YU-GI-OH Cards.

7.Run the game (YGOProES.exe)as Administrator at antayin magloading then have fun!!

----------------------------------------------------------------------------------------

How to add Deck (Gusto mo mag download ng pre-made deck sa online ng makapag praktis basahin ang instructions sa ibaba salamat.)

1. Go to https://ygoprodeck.com/

2. Search ka ng Deck na gusto mo.

3. At kapag may napili ka na ay open mo yung link at hanapin ang YGOPRODeck File then click mo yung Download see image below:

4. May lalabas na .ydk na extension save mo para ma download.

5. Ilagay ang .YDK files sa gamefolder/deck/
Note: paste mo lang sa loob ng deck folder.

6. Run the game (as Administrator) at punta ka ng deck edit makikita mo na yan dun.

------------------------------------------------------------------------------------------------
QUESTION AND ANSWER PORTION!

Problem#1: May mga nawawalang image ng ibang card sa ingame at sa deck edit anu po way para magkaroon thanks.

Answer: Ulitin mo ulit ang installation delete mo muna yung game folder extract mo ulit yung file then gawin mo ulit yung "How to Install the game." sa itaas.
sa itaas.

Other Info: Hanggat maaari kunin mo lang dito sa Thread ko yung mga files kasi may method ako na ginagawa para macovered lahat ng Past to Latest files specially kung may bagong update. At kapag Nawawala ang mga images may kulang or mali sa pagkakalagay ng update files.


Problem #2:Panu po ba maglaban sa Offline Lan gusto ko po kasi makipag duel sa kasama ko? Wla kasi kaming internet para mag-online katay na po kasi si Wireguard VPN JOKE! PERO IN THE NEAR FUTURE PWEDE MAGKATOTOO.

Answer:
1. Make sure na sinunod mo ang instruction sa "How to Install the game." at make sure na wla kang ibang file na ginamit bukod sa mga nilagay ko na link(kasi pag yung files mo ay di tugma sa modified version na inilagay ko magkakaproblema kayo sa both online at offline).

2. Connected dapat kayu sa iisang Network di na mahalaga kung naka android version yung isa at pc naman yung isa or both same device (Pwedeng wifi or Hotspot) kami nga Globe homebroadband wifi lang pwede na.

3. Kapag Connected na kayu sa iisang Network,Hotspot or Wifi pwede na tayung gumawa ng Offline Host (bali sya yung mag create game at dito magkokonect yung ibang players).

A.)How to Create Host:
1. Run the game For PC: (YGOProES.exe),
- For Android users Open YGOProES application click Menu sa Lower left side
- Click Single Game. (wait for it to load) pag ok na next step na


2. Click "Lan Mode".

3. Pag Open Hanapin ang Nickname: (Pangalanan mo ng pangalan mo para makilala ng kasama mo)

4. Then Click "Host Offline".

5. Pag Open ay hanapin ang Host Name: (Palitan or Lagyan ng pangalan para ma-identify nyo yung pangalan ng host name).
Note: Pwede mo rin lagyan ng Password: (Kung sakaling Private duel kayo,mag Lan Party kayu or Pa Tournament.)
Note#2: Kayu na bahala mag set ng Allowed Cards: TCG/OCG, at kung gusto mo yung old Style na Yu-Gi-OH Format yung wlang LINK SUMMON set mo yung Use Obsolete Rulings: From New Master Rules into Master Rules 3.

6. Pag na-iset mo na lahat click mo yung "Ok" sa right side ng Hostname.

7. Click mo yung Ready at antayin mo magconnect ang kasama mo sa Host Game mo! Proceed sa next step "How to Connect from Host".

B.)How to Connect From Host
1. Run the game For PC: (YGOProES.exe),
- For Android users Open YGOProES application click Menu sa Lower left side
- Click Single Game. (wait for it to load) pag ok na next step na

2. Click "Lan Mode".

3. Pag Open Hanapin ang Nickname: (Pangalanan mo ng pangalan mo para makilala ka ng kasama mo)

4. Then Click Refresh Rooms Yung nasa baba ng Host Offline (di yung sa baba ng Host Online kasi pang Online yun haha)

5. Pag Click mo lalabas dapat yung pangalan ng Hostname na ginawa ng kasama mo then click mo yung room nya.
Note:Pag ayaw try mo i-exit the run yung application then Click mo ulit yung Refresh Rooms.
Note#2: Ayaw Parin?? Eto check mo kung nakaconnect ba talaga yung phone nitong kasama mo sa tamang hotspot or wifi baka mamaya sa
kapitbahay nyo kumonek di talaga kayo magkita nyan.. Dapat iisang network nga diba ang rule..

6. Pag nakaconnect ka na sa Host click mo yung Ready then sabihin mo sa kasama mo na host click na nya Start.
Note:Dapat pareho kayu naka ready para mag-start ang game malalaman mo yung kasi may checkbox sa gilid dapat naka-check.
Note#2: pag may lumabas ng ganito (see the image below) ibig sabihin nun ay may card na di allow sa banlist naka depende kasi kung anung
ruling ang nakaset nung na create nyo itong host yung Allowed Cards: set nyo nalang into Allowed Cards:Custom para wlang ban cards.


7. Have Fun!



GUSTO MO NG ANDROID VERSION nito yung malalaro mo kahit OFFLINE at Updated. Go to this thread: https://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1524361