Sa sulok ng aking mata nakikita ko ang mga bagay na di ko pinansin noong una. Nag kibit balikat ako at hinayaan lamang lumipas sa aking paningin. Gusto ko pa sulyapan hanggang sa huling pag kakataon sana kaso hinayaan ko na talaga.

Sa sulok ng aking isipan ay mga bagay na dapat kong ginawa. Mga bagay na mas masaya siguro kung nagawa ko. Mga bagay na mahiwaga para sakin. Pero kinahon ko at nilagay ko sa sulok at hinayaang maitabi sa paglipas ng panahon.

Sa sulok ng kwarto ay nakita ko ang isang ako na iniiwan ko tuwing akoy lumalabas. Pagod na pagod at may mapait na ngiti. Nag bibilang ng mga dahilan kung bakit wala ng saysay ang lahat at dapat na ma- maalam.

Sa sulok na iyon ay lagi kong nilalapitan ang aking sarili pag kabalik ko. At isa isa kong ginuhitan ang mga bagay na binilang nya. Habang binibigay ko ang isang balot ng ngiti mula sa labas. Pinipilit kong itapon ang ngiti nyang mapait.

Sa sulok na iyon ay pilit kong di sya pinaalis. Nag kasundo kami ng aking sarili na araw araw ay kelangan ko mag dala ng guhit ng mga bilang nya. Sana wag dumating ang araw na di ko na maguhitan ang mga bilang. Dahil mula sa sulok ay sya naman ang lalabas pag napagod na syang magbilang at dala ang bagay na iyon ay iiwanan nya na ang mundo kasama ako papunta sa isang lugar.

-666-