Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 1 of 1

Thread: "Good PM"

  1. #1

    Default "Good PM"

    "Good PM"

    Sumisirit,humihilagpos ang mga salita sa bibig ko pero di maaring bitawan.
    Pipigilin,Mag-hunosdili ka kung ayaw mo na ikaw ay lubusang masaktan.
    Luluha,Pupunasan na lang ang mga damdamin na karapatdapat na itali.
    Sisisihin,itutulak palayo ang puso na walang alam kung hindi magkamali.

    Hindi ko aaminin,magsinungaling kahit ang katotohanan ay mapagpalaya.
    Hahamakin,iwasan ang mga agam-agam tungkol sakanya at ako ay magpaparaya.
    Ayokong umasa,susuko na lang sapagkat ang panahon ay wala sa aking kamay.
    Hihilutin,uunatin ang utak kong baluktot nang sa iba ay hindi na madamay.

    Mawawalan ng ulirat,ngunit magigising sa katotohanan na hindi ka magiging akin.
    Tatahimik,pero kakausapin at hahayaan ang nararamdaman ay tuluyang palipasin.
    Hahawakan,hahablutin ang nakaraan upang matanaw ang aandap-andap na kinabukasan.
    Magtatago,Iiwas sa mapupungay mong mga matang nangungusap na parang isang tulisan.

    Mabibigo,malulupig ng pagibig na hindi dapat sumibol sa dibidib kong wasak.
    Sasaluhin,dadamputin ang mga ngiti mo na tila mula sa kalangitan ay bumagsak.
    Nahihirapan,naubusan ng mga kataga na iaalay sayo sa pamamgitan ng isang sulat.
    Hangad ko lang ay mabasa mo ang mga walang saysay na talatang ito sa iyong pagmulat.
    Last edited by TheBoyFromMars; 25th Mar 2020 at 12:32.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •