Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 1785 12311511015011001 ... LastLast
Results 1 to 10 of 17843
  1. #1

    Default GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    Simple lang, magtanong lang kayo mga boys .. Anything,, basta kayang sagutin,, sasagutin namin ng totoo.. .

    we'll be glad to answer them...
    anything... as in

    okay.. peace y'all






    Usapang lalake naman tayo

    *grabe. usapang lalake*

    *sindi ng yosi*


    *hithit*

    *buga*

    Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

    *hinga ng malalim*

    Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

    *tingin sa stars*

    Minsan naiisip ko,


    alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?


    E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?


    Ang feeling ng masaktan pag nabasted?


    Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

    *tingin sa malayo*

    Lagi naman ganun. Una pa lang,


    lalake na ang naghihirap.


    Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?


    Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?


    Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.


    At ano ang kapalit?


    Well, depende sa trip nila.


    Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.


    Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.


    Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

    Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

    "Hindi pa 'ko ready eh..",


    "Sorry pero I think we should just be friends..",


    "Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."


    "Better luck next time na lang muna, okay lang?",


    "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",


    "Para lang kitang kapatid e..",


    yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.

    *kuha ng bote ng beer*


    *lagok*

    *lunok*

    At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.



    Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.


    Sila? Ummm? Teka, isipin ko.

    Ayun.


    Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.


    Ewan. Ganun ata talaga.

    *kuha ng bote ng beer*

    *lagok*

    *lunok*

    Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
    bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

    *hinga ng malalim*

    Pero alam mo tol,


    feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.


    *hinga ng malalim*

    *tingin sa malayo ulit*

    At ito pa ang pinakamasaklap.

    *singhot*

    Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either


    sawa na sila,

    hindi na tayo trip,

    may nahanap na silang better saten,

    o kaya they need f*cking space and time muna.



    Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

    At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy.

    Na nagpapaiyak.

    *iiling*

    Tayo siyempre ang mga

    antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.



    Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

    Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

    Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.


    Ang mga babae talaga, oo.


    BOYS--eto ba madalas nasa isip mo? -- hahaha... magtanong ka nalang sa mga girls kung anu nasa isip nila ,..

    --Mga girls -- Ready naba kayo sa tanong ng mga boys..??

    Heto na... start na tayo!
    Last edited by laarnimarie; 4th Apr 2010 at 18:41.

  2. #2

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    ui ayos to ah.. Haha! (evil laugh)
    mag iisip muna ako

  3. #3

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    pano mo malalaman na liberated ang isang girl sa unang tingin pa lang, i mean paano namin malalaman na game ang isang girl, is it sa pananamit ninyo? the way you talk?
    or any gestures that we need to look at?
    anu ano ang mga key elements para pag nasa bars kami hindi kami mapahiya, hehe just curious,

  4. #4

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    liberated? You mean pwde mo i uwi sa bahay?

  5. #5

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    Malalaman mo yun mostly sa pananamit ng girl. Mejo daring siya, unang tingin pa lang. Mostly, pero hindi naman lahat.. Very obvious din naman na Liberated ang isang girl kung nakikita mong nakikipagsabayan siyang uminom with boys at nagyoyosi.

    anu ano ang mga key elements para pag nasa bars kami hindi kami mapahiya, hehe just curious,
    Simple lang naman, be yourself dapat (as always).. Dapat magpakita ka ng mataas na level na confidence . Kasi ayaw nila ng tahitahimik lang, yung parang my inferiority complex. You can also ask her for a drink. Pag mahilig siya sumayaw lalo na pag disco hits, you have to DANCE WITH HER... Higit sa lahat, kahit liberated yung kaharap mo, dapat maintain parin yung respeto.

    -- Nasan naba mga GIRLS??
    Last edited by laarnimarie; 4th Apr 2010 at 09:28.

  6. #6

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    Bakit ibang girl di kuntento sa isang lalaki lang at namemera lang?

  7. #7

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    Quote Originally Posted by n70mes60 View Post
    Bakit ibang girl di kuntento sa isang lalaki lang at namemera lang?
    Madami na kasi girls ngayon na sigurista dahil na siguro sa kahirapan ng buhay, Depende din naman yan, baka hindi mo siya inaalagaan ng husto kaya hindi siya kontento sa'yo

  8. #8

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    panu m malalaman pg ayw kn pakawalan ng gf m???

  9. #9

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    Got a question,

    Totoo ba na kahit mukhang paa yung guy (pardon me, pwede sigurong Tim Yap na lang) basta funny siya sasagutin siya ng babae?

  10. #10

    Default Re: GUYS, any questions?? sasagutin naming mga girls...

    Quote Originally Posted by laarnimarie View Post
    Madami na kasi girls ngayon na sigurista dahil na siguro sa kahirapan ng buhay, Depende din naman yan, baka hindi mo siya inaalagaan ng husto kaya hindi siya kontento sa'yo
    naibigay na nga lahat lahat ganon parin. Parang wala puso.

Similar Threads

  1. Replies: 10121
    Last Post: 20th Oct 2019, 15:35
  2. GALS, any questions?? sasagutin naming mga guys....
    By fire17m in forum Love & Friendship
    Replies: 64
    Last Post: 26th Mar 2018, 22:00
  3. question para sa mga girls
    By joezef in forum Love & Friendship
    Replies: 22
    Last Post: 23rd Dec 2008, 13:27
  4. guyz lets help (any question guyz)sasagutin namin
    By gimiker0 in forum School & Education
    Replies: 9
    Last Post: 18th Mar 2008, 20:21

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •