Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 1 of 1
  1. #1

    Read Simply Cellphone Trouble Shooting..

    Simple trouble shooting sa mga mobile phones na hindi na kinakailangan ng ibayong kalaman sa electronics.

    gamit na kinakailangan:

    t6-srcew driver (ito ung kalimitan size ng mga turnilyo ng cp)
    TesTer (pang sukat ng ampirahe,volatahe,resistensya)
    SoLdering Iron (pang hinAng)
    SOLDering LEAd (BALa Ng PAng hiNang)
    AC-Dc adaPtor (na kahit Nakapag bibigay lamang ng 10 volts pataas)
    Brush
    lighter fluid/lacquer thinner

    Una sa Lahat dapat natin malaman na napa ka sensitive ng mga pyesa ng cellphone sa enerhiya na nasa kamay mo. electro static discharge ang tawag dito na talaga naman delikado para sa piyesa ng cellphone na ma expose dito kaya ang cellphone body ay naka disenyo para hindi pasukan ng ganitong enerhiya... kaya kung bubuksan na ang cellphone mawawala na ito sa protesyon ng body nito at maari ng ma expose sa ESD na galing sa kamay mo... kaya marapat at kailangan mapakawalan ang static energy sa kamay natin sa pamamagitan ng pag hawak sa anumang metal para malipat dito ang enerhiya na iyon.. (mga 20seconds dapat na humawak sa metal) at kapag electro static discharge free ka na maari na tayong mag simula..


    una ko ng ipopost itong kalimitan kong natatanggap na gawain ang problema sa power or na nagiging sanhi ng hindi pag oopen/pag on ng telepono.

    1.i check ang boltahe ng baterya kong ito ay pumapalo sa 2.5volts gamit ang tester (pihitin ang pointer ng tester sa patungo sa DC section-10volts value) sapagkat kong ito ay hindi umabot sa ganitong antas mararanasan na ang problema tulad ng hindi pag chacharge sapagkat nde na ma detect ng telepono ang baterya na naka salpak dito. pag uugatan ito ng hindi pag chacharge at tuluyan hindi pag bukas ng telepono, kung ganito kagad ang problema eh, mainam na i-jerk oh buhayan ang baterya gamit ang ac-dc adpator. may dalawang daloy ng kuryente ang baterya at adaptor isang negative(-) at postive (+).
    pag tantuhin lng ang dalawang ito "+ sa + - sa -" para matanggap ng baterya ang kuryente na galing sa adaptor na bubuhay sa nahihimlay mong baterya. mga 40seconds lang eh mararamdaman mo ng mainit at nanganga hulugan na ito na buhay na ang baterya.


    kung tama naman ang boltahe ng baterya at ito`y na ngangahulugang walang problema. o mainam na subukan sa ibang telepono na ayos at ito`y nag bigay buhay naman. eh sa cellphone na tayo mag duda.

    unang hakbang na dapat gawin jan eh





    2.i check ang battery terminal oh ung nga kulay ginto
    na tumatama naman sa battery interface ng baterya. syempre kung hindi maganda ang pag sasalpukan ng dalawang ito ibig sabihin hindi dumadaloy ng maayos ang mga boltahe na kinakailangan ng cellphone galing sa baterya na nagiging dahilan ng hindi pag bubukas nito. mainam jan eh linisin ang koneksyon sa cellphone kiskisin ito gumamit ng brush at basain ito ng lighter fluid or lacquer thinner. upang dumaloy muli ang boltahe mula sa baterya papasok sa cellphone.


    KUng nagawa na ang mga ito at sleeping parin at patuloy na nahihimlay ang phone mo. kalingan na nito ng prince charming na hahalik dito upang magising.... ehehehehehehe... ! (JOwk lng BAck to NorMAL na tayo)
    '



    next naman eh dun na siguro tayo sa switch dumiretso ngayon buksan na ang cellphone pumunta kung saan naroon ang switch oh ang button na pinipindot natin para i-on oh patayin ang telepono. tiganan ang kalagayan nito. kundi nmn sira ang switch at maayos naman ang kalagayan hinangin lng uli ang mga paa nito baka kc nakaangat na ang isa sa mga pin nito. idikit lang ito ulit ng maayos. (kung sira naman wasak) kalimitan din itong nasisira oh nawawasak sa kadahilanan napalakas mung dumiin dito oh sa sobrang tagal na talaga nito' kung wasak na ito at hindi na tama ang itsura maari na itong palitan parekoy. P15-P30 pesos lang ang presyo nito at gagastusin mo sa pag-bili ng power switch (marami nito sa quiapo ahihihihihihi" laking tipid dahil kung sa technician pa yan eh pinakamababa na ang P250.00 para sa piyesa na yun at take note hindi pa kasama labor" ^_~ ...... continue na tayo sa pag lalagay nito madali lng hinangin (sa tulong na ng soldering iron at bala) ito may mga paa ito na maliliit kadalasan 4pins(paa) itong switch. hihinangin ito sa board na pinagtanggalan nito. (parekoy medyo kontrol lang sa mga pasmado") dahil sa maliit nga siguraduhin eksakto at matibay ang pag kakahinang sa mga ito)



    Ito po ay mga paunan lunas lamang na dapat gawin sa nasabi kong problema (first aid bah.......!)
    na kadalasan eh ganito lamang naman ang nagiging problema sa mga titanggaap kong pasyente) na kalimitan na sisingil ng P300.00 sa konting kaluskos sa cellphone.. ahihihihihihhihihi.......!!!

    Hope MAy na pUlot po kAyo sa TutoRiAL Kong ito sa Susunod Na Post ko po eh Ibang cellphone problem naman like no-signal,not-charging-hanging-no-audio-no display-keypad malfunction or backlight color replacement (maganda kasi kung puti para malinaw or kung anu man color combination na naiz mu) etc..etc..etc...

    or Just simply request the tutorial related sa nararanasan mong sira sa phone moh....
    Last edited by QuReNai`; 3rd Jan 2008 at 15:16.

Similar Threads

  1. PC Trouble Shooting Guide
    By agaxent in forum PC Hardware Chat
    Replies: 48
    Last Post: 27th Feb 2018, 23:38
  2. Pc trouble shooting center
    By agaxent in forum PC Hardware Chat
    Replies: 153
    Last Post: 26th Sep 2013, 22:35
  3. PC Hardware Servicing and Trouble Shooting
    By Jbhaks in forum PC Hardware Chat
    Replies: 31
    Last Post: 7th Jan 2012, 13:44
  4. (HELP) mga expert sa PC trouble shooting
    By cool_m16 in forum PC Hardware Chat
    Replies: 9
    Last Post: 13th Sep 2010, 11:07

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •