Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 6 of 6
  1. #1

    Default List of judges killed since 1999

    Below are the names, dates of death, and assignments of judges slain while in judiciary service:

    Hon. ROBERTO NAVIDAD
    January 14, 2008
    Regional Trial Court Branch 32, Calbayog City

    Hon. ORLANDO VELASCO
    July 27, 2007
    Regional Trial Court Branch 63, Bayawan City, Negros Oriental

    Hon. NATHANIEL PATTUGALAN
    January 19, 2007
    Municipal Trial Court in Baggao, Cagayan

    Hon. SAHARA SILONGAN
    December 3, 2006
    Regional Trial Court Branch 15, Cotabato City

    Hon. HENRICK F. GINGOYON
    December 31, 2005
    Regional Trial Court Branch 117, Pasay City

    Hon. ESTRELLITA M. PAAS
    September 23, 2005
    Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 44

    Hon. MILNAR T. LAMMAWIN, 51
    August 9, 2004
    Regional Trial Court Branch 25, Tabuk, Kalinga

    Hon. PATERNO G. TIAMSON
    February 21, 2004
    Regional Trial Court Branch 69, Binangonan, Rizal

    Hon. VOLTAIRE Y. ROSALES
    June 10, 2004
    Regional Trial Court Branch 83 of Tanauan, Batangas

    Hon. PINERA A. BIDEN
    May 17, 2003
    Municipal Circuit Trial Court of Kabugao, Apayao

    Hon. EUGENIO R. VALLES
    April 25, 2002
    Regional Trial Court Branch 3, Nabunturan, Compostela Valley

    Hon. OSCAR GABY M. USON
    September 27, 2002
    Regional Trial Court Branch 52 in Tayug, Pangasinan

    Hon. ARISTON L. RUBIO
    October 31, 2001
    Regional Trial Court Branch 17, Batac, Ilocos Norte

    Hon. HASSAN T. IBNOHAIJIL
    February 5, 2001
    Regional Trial Court Branch 45, San Jose, Occidental Mindoro

    Hon. CELSO F. LORENZO, SR.
    November 1, 1999
    Regional Trial Court Branch 1 in Borongan, Eastern Samar

  2. #2

    Default Re: List of judges killed since 1999

    grabe ang dmi na... and i dont think lahat yan nkamit ang justice for their deaths... tsk tsk

  3. #3

    Default Re: List of judges killed since 1999

    ipinost ko to 3 days after the murder of the last judge, sana hindi na madagdagan kasi ang mga lawless elements are sending a signal to the judges that...

  4. #4

    Default Re: List of judges killed since 1999

    ala na talaga takot mga yun pati sila

  5. #5

    Default Re: List of judges killed since 1999

    Quote Originally Posted by merde View Post
    ipinost ko to 3 days after the murder of the last judge, sana hindi na madagdagan kasi ang mga lawless elements are sending a signal to the judges that...

    uu nga eh... after they give justice to other people, yan mpapala nila... at ang malupet dun, cla naman ang ndi mkakuha ng justice haist...

  6. #6

    Default Re: List of judges killed since 1999

    Eto naman ang mga karahasan na naganap kailan lang sa mga korte:


    Enero 29, 2008: Pamamaril sa Manila RTC


    Isa ang patay at dalawa ang nasugatan nang sila'y pagbabarilin ng isang di-nakilalang lalaki pasado ika-siyam ng umaga sa loob ng Manila Regional Trial Court Branch 19 sa ikaapat na palapag ng Manila City Hall.

    Namatay ang dating mayor ng Sapang Dalaga sa Misamis Occidental na si Reynaldo Yap. Naghihintay siya ng hearing para sa kanyang kasong murder nang bigla siyang barilin ng isang lalaking naka-stripe.

    Sugatan naman si Bella Santos, na dadalo lang sa isang hearing bilang kasapi ng Crusade Against Violence, at ang bodyguard ni Yap na si Peter Sabihon.


    Nobyembre 15, 2007: Pamamaril sa Las Piñas RTC


    Pasado alas diyes ng umaga nang pinasok ng isang suspek na kinilalang si Roberto Tubale ang tanggapan ng Las Piñas RTC Branch 199.

    Pagdating sa korte, bumunot daw siya ng baril at pinaputukan ang kanyang asawang si Lolita at ang abogado ng huli na si Atty. Rebecca Basa. Naghihintay noon ang dalawa na magsimula ang hearing kaugnay sa hinihinging annulment ni Lolita kay Roberto.

    Dead on arrival sa ospital ang abogado, samantalang namatay bandang ala-una ng hapon si Lolita.

    Kahit itinuro ng mga saksi, itinanggi ni Tubale ang pamamaril. Sinampahan siya ng mga kasong parricide at murder.


    Hulyo 31, 2007: Hostage-taking sa Quezon City RTC


    Habang nasa hearing bandang alas-10 ng umaga, binato ng bote ni Allan Carbungco, akusado sa kasong armed robbery, si Judge Rossana QCRTC Branch 88 para ilihis ang atensiyon ng mga tao.

    Pagkatapos nito, nilapitan ni Carbungco ang stenographer na si Melinda Ocampo saka bumunot ng screwdriver sa pantalon at tinutukan sa leeg si Ocampo.

    Isang pulis na saksi sa isa pang kaso, si PO1 Bobby Lomibao, ang naging negosyador. Pagkatapos ng may 15 minuto, pinakawalan din ang hostage na nagtamo ng galos sa mukha.


    Marso 13, 2007: Hostage-taking sa Taguig RTC

    Bandang alas dos ng hapon sa loob ng Branch 266 ng Taguig Regional Trial Court na nasa ikalawang palapag ng Hall of Justice ng Taguig City, nang-hostage ng apat katao ang isang stuntman na si Almario Paraiso (screen name: Almario Villegas) at ang kinakasama niyang si Delia dela Cruz.

    Ang mga biktima ay sina:
    • Liwanag Saloma, clerk of court
    • Donnalee Dunuan, stenographer
    • Gina Ramos, kalaban sa kaso ni dela Cruz
    • Frederic Ballesteros, abogado ni Ramos


    Nagalit daw si Villegas nang di pumayag si Ramos sa mungkahing i-postpone ang pre-trial proceedings ng property case nina dela Cruz at Ramos. Dumukot siya ng baril at naglabas ng granada.

    Tinutukan ni Villegas ng baril ang mga bihag at pinagsisipa ang isa sa kanila. Nakipagnegosasyon si Taguig Mayor Freddie Tinga pati na rin ang aktor na si Robin Padilla. Dumating din si Punong Mahistrado Reynato Puno.

    Pasado ala-una ng hapon kinabukasan nang matapos ang krisis. Patay si Villegas matapos makipagbarilan sa mga pulis, at ligtas naman ang apat na hostage at si dela Cruz.

    Itinanggi ni dela Cruz na kasabwat siya sa pangingidnap.

Similar Threads

  1. list of Animes that was shown in ABS-CBN
    By paul777 in forum Manga & Anime Chat
    Replies: 28
    Last Post: 2nd Aug 2017, 18:43
  2. Replies: 5
    Last Post: 22nd Mar 2008, 21:59
  3. Replies: 6
    Last Post: 13th Jan 2008, 15:02
  4. The Grand List Of Console Role Playing Game Clichés
    By InstilledBee in forum Console Gaming
    Replies: 4
    Last Post: 6th May 2007, 13:52

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •