Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 24
  1. #1

    Default Ang mga payo ni Bob Ong.!

    1. "Kung hindi mo mahal ang isang
    tao, wag ka nang
    magpakita ng motibo para mahalin
    ka nya."


    2. "Huwag mong bitawan ang
    bagay na hindi mo kayang
    makitang hawak ng iba."


    3. "Huwag mong hawakan kung
    alam mong bibitawan mo
    lang."


    4. "Huwag na huwag kang
    hahawak kapag alam mong may
    hawak ka na."


    5. "Parang elevator lang yan eh,
    bakit mo
    pagsisiksikan ang sarili mo kung
    walang pwesto para sayo. Eh
    meron naman hagdan, ayaw mo
    lang pansinin."


    6. "Kung maghihintay ka nang
    lalandi sayo, walang
    mangyayari sa buhay mo.. Dapat
    lumandi ka na din."


    7. "Pag may mahal ka at ayaw
    sayo, hayaan mo. Malay mo
    sa mga susunod na araw ayaw mo
    na din sa kanya, naunahan ka
    lang."


    8. "Hiwalayan na kung di ka na
    masaya. Walang gamot sa
    tanga kundi pagdurusa."


    9. "Pag hindi ka mahal ng mahal
    mo wag kang
    magreklamo. Kasi may mga tao rin
    na di mo mahal pero mahal
    ka naman. Kaya quits lang."


    10. "Kung dalawa ang mahal mo,
    piliin mo yung
    pangalawa. Kasi, hindi ka naman
    magmamahal ng iba kung mahal
    mo talaga yung una."


    11. "Hindi porke't madalas mong
    ka-chat, kausap sa
    telepono, kasama sa mga lakad o
    ka-text ng wantusawa eh may
    gusto sayo at magkakatuluyan
    kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,
    malandi, pa-fall o
    paasa."

  2. #2

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    12. "Huwag magmadali sa babae o
    lalaki. Tatlo, lima,
    sampung taon, mag-iiba ang
    pamantayan mo at maiisip mong
    hindi pala tamang pumili ng
    kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas
    mahalaga ang kalooban ng tao
    higit sa anuman. Sa paglipas ng
    panahon, maging ang mga
    crush ng bayan nagmumukha ding
    pandesal, maniwala ka."


    13. "Minsan kahit ikaw ang
    nakaschedule, kailangan mo
    pa rin maghintay, kasi hindi ikaw
    ang priority."


    14. "Mahirap pumapel sa buhay ng
    tao.. Lalo na kung
    hindi ikaw yung bida sa script na
    pinili nya."


    15. "Alam mo ba kung gaano
    kalayo ang pagitan ng
    dalawang tao pag nagtalikuran na
    sila? Kailangan mong
    libutin ang buong mundo para lang
    makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."


    16. "Mas mabuting mabigo sa
    paggawa ng isang bagay
    kesa magtagumpay sa paggawa
    ng wala"


    17. "Hindi lahat ng kaya mong
    intindihin ay katotohan,
    at hindi lahat ng hindi mo kayang
    intindihin ay
    kasinungalingan"


    18. "Kung nagmahal ka ng taong di
    dapat at nasaktan
    ka, wag mong sisihin ang puso mo.
    Tumitibok lang yan para
    mag-supply ng dugo sa katawan
    mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo
    naman ay ang hypothalamus mo
    na kumokontrol ng emotions mo,
    mali ka pa rin! Bakit? Utang
    na loob! Wag mong isisi sa body
    organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:
    magiging masaya ka lang kung
    matututo kang tanggapin na hindi
    ang puso, utak, atay o
    bituka mo ang may kasalanan sa
    lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"


    19. "Pakawalan mo yung mga
    bagay na nakakasakit sa iyo
    kahit na pinasasaya ka nito. Wag
    mong hintayin ang araw na
    sakit na lang ang nararamdaman
    mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."


    20. "Gamitin ang puso para alagaan
    ang mga taong
    malalapit sa iyo. Gamitin ang utak
    para alagaan ang sarili
    mo."


    21. "Ang pag-ibig parang
    imburnal.. .nakakatakot
    mahulog... at kapag nahulog ka
    naman, it's either by
    accident or talagang tanga ka."


    *credits to the suertres group. Hit THANKS mga ka.symb

  3. #3

    Thumbsup Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    rock roll
    mi sense din nman

  4. #4

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    parang hindi cya pang gag & jokes.. parang dapat sa love & friendship cya...

  5. #5

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    ccccccccoooolllllllllll

  6. #6

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    nice

  7. #7

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    natatawa aku sa mga payo nya. . . Parang pwede din pagbasehan.

  8. #8

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    namiss ko to ha, hehe! college days

  9. #9

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    Graduate kana pala

  10. #10

    Default Re: Ang mga payo ni Bob Ong.!

    nakakatawa pero my basis.. go girl o boy hehehe

Page 1 of 3 123 LastLast

Similar Threads

  1. Mga Alagad ni Bob Ong
    By skylar21 in forum Arts & Literature
    Replies: 327
    Last Post: 20th Jun 2018, 17:02
  2. Mga Pamatay na Hirit ni Bob Ong
    By lilhotboy in forum Quotes & Poems
    Replies: 26
    Last Post: 17th Sep 2011, 15:47
  3. Ang ini-endorso ni Bob Ong
    By sunavabits in forum Government & Politics
    Replies: 1
    Last Post: 26th Apr 2010, 15:54
  4. Ang ini-endorso ni Bob Ong
    By sunavabits in forum Government & Politics
    Replies: 0
    Last Post: 26th Apr 2010, 11:43

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •