Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. #1

    Post Ang Pulang Kahon

    "Ang Pulang Kahon"


    “Gud m0rning baby, gla tau ngaun s mall, plmg tau ang init ng pnh0n eh…

    “Cge baby, pnta aq s iny0 pra snduin k…”

    “W8 kta baby k0, mwuah!”

    Masayang nag gala sa mall si Jess at Mika. Nagpalamig sila, window shopping, at kumain din sa food court. Nag-usap sila, nag reminisce, na lagi nilang ginagawa, tungkol sa kanilang simula, sa kanilang pagsasamahan. Walang silang naging problema sa isa’t isa.

    Hapon na sila umuwi ng biglang tinawagan si Jess ng kaibigan.

    “Pare inuman dito samin! Punta kayo ni Mika ha! Celebrate natin ang matagal ninyo ng pagsasama!”

    Madilim na ang kalsada, mga alas onse ng gabi, kakagaling lang nila Jess at Mika sa inuman sa kanilang kaibigan. Lasing na lasing silang lahat maliban kay Jess na hindi mahilig sa alak at kaunti lang ang ininom. Dahil hindi pwedeng hayaan nalang ni Jess si Mika na mag-isang umuwi, hinatid nya ito sa kanila.

    “Baby, malapit na tayo sa bahay nyo, ok ka pa ba dyan?”

    Hindi na nakasagot si Mika, ng biglang pumutok ang ilaw sa kalsada.

    “Uhhh, Baby? Nasaan ka? Nahihilo ako, gusto ko sumuka” mahinang sabi ni Mika.

    Wala siyang narinig na sagot mula kay Jess. May taong nagsisisigaw na may dalang flashlight, narinig ito ni Mika. Pagkatapat ng flashlight ng taong ito sa isang parte ng kalsada, may nakita syang babaeng naglalakad. Pagdating ng taong ito sa kinaroroonan ng babae, nakita nya ito na wala ng malay. Nagtaka ang taong ito kung bakit naglalakad ng mag-isa ang isang dalaga ng hating gabi na.

    Kinabukasan, nagising nalang si Mika sa may ospital, wala syang matandaan sa mga nangyari nang bigla nyang naalala si Jess. Napatayo sya sa kanyang higaan at sumigaw.

    “Jess! Nasaan ka?!”

    Napatingin ang lahat ng tao sa kanya. Biglang dumating ang taong nagdala sa kanya sa ospital.

    “Miss, ako nga pala ang nagdala sa’yo kagabi dito sa ospital, ako nga pala si Toni. Nakita kita sa may kalsada, nakahandusay ng mag-isa. Nagtataka ako kung bakit ka din duguan. Bakit nga ba?”

    “Pasensya na po sa abala kuya Toni, lasing po kasi ako ng mga oras na yun at wala po akong matandaan, may nakita po ba kayong lalaki? May kasama po akong lalaki kagabi.” sagot ni Mika.

    “Wala naman akong nakitang lalaki na kasama mo. Di ko na masyadong sinuri yung paligid mo kasi puro dugo ka nga sa katawan kaya diniretso agad kita sa ospital.” sabi ni Toni.

    Takang taka si Mika sa sinabi ni Toni. Humingi sya ng tulong kay Toni para hanapin si Jess at sumang-ayon naman si Toni.

    Hinanap nila si Jess. Nagtanong sila sa kapatid nio pero ang sabi ay hindi pa daw ito umuuwi. Pumunta naman sila sa bahay ng pinag-inuman nila, sabi ng kaibigan nila ay wala din doon si Jess. Hindi na nila alam kung saan sila pupunta hanggang sa makarating sila sa may ilog. May nakita silang pulang kahon na lumulutang dito.

    Binuksan nila ang pulang kahon. May laman itong singsing at isang sulat.

    Ito ang nakasaad sa sulat:

    “Baby Mika, maraming salamat sa lahat. May mga bagay na madaling tanggapin at mayroon namang hindi. Siguro nga dahil sa iyong nararamdaman ng mga oras na iyon. Medyo nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na gawin ang ganoong bagay, naging matapat ako sa’yo simula noong naging tayo pero ganito lang din pala ang aabutin ko.

    Ang singsing na yan ay simbolo sana ng pagmamahal ko sa’yo habambuhay. Hindi ko naibigay agad ito kasi gusto ko mismong sa araw n gating anibersaryo ko yan ibibigay sa’yo pero yun nga, nagpakalasing ka ng sobra tapos ay may nangyari pa, kaya nahihiya na akong ibigay sa’yo, nakakaramdam ako ng galit at lungkot, hinding hindi ko talaga matanggap ang nangyari.

    Kung may natatandaan ka man sa mga oras na nasa bahay tayo ng ating kaibigan, sana ay kimkimin mo nalang ito.

    Sa iyo’y nagmamahal, Baby Jess.”

    Namutla si Mika sa kanyang nakita sa kanyang nabasa habang may nakita naman si Toni na patay na katawan sa di kalayuan. Tinawag nya si Mika.

    Nanginginig si Mika sa kanyang nakita, napaluha ito at napasigaw.

    “Jess!!!!!!”




    **END**

  2. #2

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    Winner talaga ang ending nito ) Favorite ko 'to

  3. #3

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    wooh! salamat ate mela.. hoho.. di ko na hinabaan kasi short story lang, marami pang butas yung story..

  4. #4

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    pwede tong pang maalaala mo kaya

  5. #5

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    Naguluhan ako. lols Ano ikinamatay ni Jess? At bakit napadpad sa ilog yung coca cola box? Haha

    May kulang sa kwento.

  6. #6

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    Aw. Pero anong nangyari kay Jess?

  7. #7

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    maganda ang format iskay open ending makakapag imagine ka..yung nga lang masyado mo ginawang short story kaya hindi naging ganun ka solid yung kwento..

    pero maganda pagka flow nahook ako pag basa..

  8. #8

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    @mind^^FREAK, short story talaga! haha! butas butas talaga ang story, sinadya ko

    @heinriq, it's up to you to find out

  9. #9

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    @akosivintot sabhin mo nung nabasa mo ung title yun agad pumasok sa isip mo ? ahaha

    @TS galing naman sa kalagitnaan kinilibutan ako pero ok ung kwento

  10. #10

    Default Re: Ang Pulang Kahon

    salamat kevin..

    vintot, bat coca cola box?

Page 1 of 3 123 LastLast

Similar Threads

  1. kung may kulay ang ulan...
    By margaux_sofya in forum General Chat
    Replies: 37
    Last Post: 10th Mar 2016, 19:45
  2. Anong Pocket PC/Palm ang gamit mo?
    By cuteangelika in forum Other Mobile Brands
    Replies: 239
    Last Post: 5th Apr 2013, 12:45
  3. Genuine na ba ang Windows XP nyo?
    By Global360 in forum PC Hardware Chat
    Replies: 63
    Last Post: 25th Apr 2009, 21:00

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •