Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 34 12311 ... LastLast
Results 1 to 10 of 336
  1. #1

    Default [GUIDE]Android Applications 101 (Basics)

    INTRODUCTION
    Last Update: Sept. 02, 2012

    This is a short guide for beginners.
    I assume that you're new to Android and that your phone is still STOCK and is not using a custom rom.

    HINDI KAILANGAN ng root
    upang makapag install ng apps (free, full or cracked) sa iyong phone

    Paano mag-install ng applications sa android?

    May dalawang paraan para mag install ng apps sa android.

    1.) Android Market Google Play

    Lahat ng android phones ay may kasamang application na Android Market Google Play. Pwede mo itong buksan para makapag browse ng apps, games, themes at kung ano-ano pa. Click install at hintaying matapos ang download. Siguraduhin lang na naka-connect ka sa internet.


    Kung ayaw mo gamitin yung phone mo para mag browse ng apps, pwede ka magpunta sa market.android.com play.google.com
    Mag login sa gmail account na kapareho ng nasa phone mo. (Requirement po ang Google account dahil dito naka-sync ang info at activities mo sa iyong Android phone)

    Kung iyong matatandaan ay noong unang beses mo i-on ang iyong phone ay may lalabas na setup for first time users at may option upang mag sync ng isang google account.

    Gaya ng sa phone, i-click mo lang sa pc yung install / download at hintayin na maipadala sa phone mo ang apps na gusto mo. Siguraduhin din na connected sa internet ang phone mo.

    Kung nais mong gumawa ng bagong google account, pumunta sa
    Settings -> Accounts & Sync -> Add account




    ***Hindi nasa-save sa PC ang mga downloads mula sa Android Market. Ipinapadala ito diretso sa iyong Android phone***

    2.) Sideloading / Install from SDcard (.APK / Non-Market Apps)

    Bago mag-install mula sa SD Card (internal or external), pumunta muna sa
    Settings -> Applications -> Application Settings -> Unknown Sources -> ENABLE (for Android 2.3 and below)
    Settings -> Security -> Unknown Sources -> ENABLE (for Android 4.0 and above)



    Pwede ka magdownload ng APK files sa iyong sdcard at i-install ito mula roon. Siguraduhin na mayroon kang File Manager na nakapagbabasa ng .APK files. Kung wala pa, gawin ang OPTION #1 at mag install ng file manager na gusto mo. (ASTRO, ES, ANDROZIP, etc)


    ***Mayroon pang ibang mga paraan pero dahil sa ito'y isang beginner's guide, hindi ko na isasama ang mga ito.***


    Paano malalaman kung compatible ang isang application sa aking phone?

    Ang pinaka-madaling paraan ay ang magdownload mula sa Android Market application o website mismo. (Paki tignan na lang ang screenshot sa taas)

    Kapag ika'y nag search ng software sa iyong Android phone, kusa na nitong sinasala ang apps na maaari mong i-install at hindi lalabas ang apps na incompatible sa iyong unit.

    Kapag ikaw naman ay nagbrowse sa Android Market website, maaari mong ma-search ang lahat ng software na available sa Market pero dini-display na agad ng site kung compatible ito o hindi sa iyong phone.

    Maaari mo ring i-double check sa Android Market ang info ng isang .APK file na nadownload mo mula sa Mobilarian.

    ***Madalas kong mabasa ang "Sir, pwede ba ito sa blahblahblah kong Android phone?"

    Ang mga applications ay hindi BRAND specific. Ibig sabihin, kahit ano pong application ay pwede sa kahit anong brand / model ng Android phone basta pasado ito sa requirements ng application.
    ***

    Normal (Generic) at HD Games

    May mga games na pwedeng i-install sa kahit anong Android device, high-end man o low-end na ang natatanging requirement ay Android OS Version.
    Gusto ko lang i-grupo ito bilang Normal / Generic games.

    Ang mga HD games naman ay nangangailangan ng specific requirements tulad ng:


    Kung hindi mo alam ang specifications ng iyong phone, pwede mo i-search ang specs nito sa www.gsmarena.com

    Sa isang normal na situation (stock Android OS phone), hindi mo malalaro ang mga HD Games na hindi akma sa iyong device o kung malaro mo man ay makararanas ka ng problema sa graphics o hindi mo ito malalaro ng maayos.

    Kung "rooted" na ang iyong device, maaari kang gumamit ng isang application (Chainfire3D) upang i-adjust ang graphic properties ng isang game upang malaro ng maayos sa iyong phone.

    Mga errors na maaari mong ma-encounter sa pag-install ng apps mula sa sdcard:

    1.) Parse Error

    Maaaring corrupt ang file na na-download mo o sinusubukan mo mag install ng application na nangangailangan ng mas bagong Android OS version.

    2.) Application not Installed

    I-uninstall ang lumang version ng app at subukang magre-install muli.
    Kung nag-i-install ng cracked application, maaaring hindi ito na-re-sign ng maayos nung nag-crack.

    3.) Not enough space available

    Maaaring puno na ang Internal Memory ng iyong device at kailangan mo nang mag-uninstall ng apps na hindi mo ginagamit.

    Maaari rin na ang .APK file na iyong sinusubukan i-install ay higit na malaki kaysa sa /cache partition ng iyong phone.
    Attached Images Attached Images
    Last edited by HHubs; 14th May 2013 at 23:49.

  2. #2

    Default

    Personalizing your device



    Isa sa mga pinagmamalaki ng Android ay ang kakayahan nitong "bihisan" ang UI (User Interface) at baguhin ang halos lahat ng elemento na bumubuo nito ng hindi dumadaan sa anumang proseso gaya ng rooting.

    Ang pinakamadalas na ginagamit sa Android, bukod sa wallpapers, fonts at icon sets ay ang Home Launcher, Widgets at Themes.

    Home Launcher
    Ito ang magsisilbing "Desktop" ng iyong Android Phone.
    Ang mga Home Launcher ay may kanya-kanyang katangian at "unique features" na may kakayahang baguhin ang kabuuang "user experience".
    Ilan sa mga sikat na Launchers ay ang iLauncher, GO Launcher EX, SPB Shell 3D, Nova Launcher, ssLauncher, Apex Launcher, Holo Launcher, atbp

    Widgets
    Kung ikaw ay gumagamit ng Windows 7 sa iyong PC ay maaaring may idea ka na kung ano ang Widgets pati na rin ang ginagawa nito.

    Ang widgets ay maihahambing sa isang "mini application" na inilalagay sa Home Screen ng iyong phone na maaaring magbigay ng impormasyon o magsilbing daan upang magawa ang mga bagay nang hindi kinakailangan pang buksan ang isang buong application.


    Gaya ng nasa screenshot, ang mga widget ay maaaring gamitin bilang system monitor, switch, pang-view ng social media updates at rss feeds, atbp.

    Themes
    Wala pong "Universal Theme" ang Android OS.

    Ang ibig sabihin nito, ang mga themes na iyong nakikita sa Android Market / Google Play ay kinakailangang gamitin o i-apply sa isang Home Launcher na sinusuportahan nito.

    Ang mga themes ay hindi limitado sa Home Launchers.
    May mga applications at widgets din na maaaring gamitan ng themes na ginawa para sa kanila.

    ***Tandaan: Ang mga themes ay hindi isang application kung kaya't hindi mo magagamit ang mga ito kung wala ang kaukulang application o widget na gumagamit nito.
    Last edited by HHubs; 14th May 2013 at 23:50.

  3. #3

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    malaking tulong nanaman to sa mga newbie like me..

  4. #4

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    sir HHubs may mga games ba na nid pa root??
    bibili plng kc ako ng first android fone ko ,, at hanggat maari eh , ndi ko muna iru-root/flash etc etc .. gagamayin ko muna ung fone hehe ..
    btw im getting a xperia neo v , at ndi pala lhat ng hd games ay compatible sa fone na to , just sharing ^_^
    TIA more power god bless

  5. #5

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    games na kailangan ng root...

    hmm... gaya ng sabi ko, hindi kailangan ng rooted phone para makapag install ng apps (free, paid at cracked) sa normal na sitwasyon - ibig sabihin, na-meet ng iyong xperia neo v ang requirements ng isang game.

    pero kung susubukan mo mag install ng game package (HD games madalas) na ni-release para sa ibang device na iba ang GPU type ng sa XNV, kakailanganin mo gumamit ng Chainfire3D application (paki search na lang sa apps section).

    try ko na rin magsama ng links sa first post para sa listahan ng GPU at screen sizes.

  6. #6

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    Quote Originally Posted by HHubs View Post
    games na kailangan ng root...

    hmm... gaya ng sabi ko, hindi kailangan ng rooted phone para makapag install ng apps (free, paid at cracked) sa normal na sitwasyon - ibig sabihin, na-meet ng iyong xperia neo v ang requirements ng isang game.

    pero kung susubukan mo mag install ng game package (HD games madalas) na ni-release para sa ibang device na iba ang GPU type ng sa XNV, kakailanganin mo gumamit ng Chainfire3D application (paki search na lang sa apps section).

    try ko na rin magsama ng links sa first post para sa listahan ng GPU at screen sizes.
    ah ok po , maraming salamat po sa mabilis nyong reply .
    sayang wla pa ung tnx button .. dito na lng muna ako mag tnx . and to all .

  7. #7

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    ts para sa very useful mong guide..

    Laking tulong talaga

  8. #8

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    Sir,
    Paano po kung may existing na account na sa google peo hindi

    po akin yung account...kasi po every time na maglog in lagi may

    nag aapear na google log in hindi ko na mabago ang log in

    user..nagtry din po ako mag gawa ng sariling google account

    hindi pa din po ako maka log in still ung lumang may ari ng cp pa

    din ang nagaapear.. hindi ko na pede mahingi ang password kasi

    na sa ibang bansa na yung may ari..wala na kami contact... Please help me sir..thanks

  9. #9

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    tnx for TUT sir,, keep Sharing

  10. #10

    Default Re: [GUIDE]How to install Android OS applications

    salamat boss.. pang beginner nga lang talaga.. gawa ka TS ng pang advance

Page 1 of 34 12311 ... LastLast

Similar Threads

  1. Replies: 0
    Last Post: 7th Dec 2015, 13:05

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •