Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 2 of 2

Thread: Basahin mo Ako

  1. #1

    Default Basahin mo Ako

    hangang sa tuldok ng dulo.
    matapos sana to ng buwelo sa pag-pina ng titulo kanina,
    ng nahuhuli sa pa-utal
    bumasang tulad ko.
    misan ang nasaan ay ewan ko
    na alam mo,
    na tinatamad tayo mag-isip
    sa punto ng di-siguradong
    pag-sagip.
    nalulunod sa letrang de numero.
    paantras ang takbo.
    tulad ng pag-bibintang sa
    pag-taya sa lotto
    na siguradong mananalo ang gago,
    sa sabong ng mga tuso.
    bara-bara-bahalana?
    tinatangay kana,
    iritadong..kalmado
    pawisan ang kamay sa sariling palagay,
    basag na ang pula.
    nahuhuli ang kurap ng tatlong segudo,
    sabi ng wag paka-seryoso,
    nakakagutom ang matuto.
    malala na lalo
    kung wala naman
    palamang maiiwan sa isip
    ng kwento na sa akala ay
    replika ng sarili mo't sino?
    parang yung itim na kahoy
    sa quipo. tetano sa pako.
    pero tuloy mo lang,
    pakiramdaman nalang.
    ang kumapit sa hangin ang buwang.
    wag mo sanang laktawan o
    unawain sa pa-tsamba-tsambang
    pagka-inip sa kandilang
    kalahating pulgada nalang
    hihipan. matatapos na?
    walang sisihan ha!?
    panget ang hintuturo
    ng manduduro.
    paalala mas malansa ang hasang ng kadugo.
    walang mangyayaring tulakan.
    kase ang uto-uto
    kulang sa talino,
    pareho tayo ikaw daw mismo
    ang ehemplo.
    hindi rason ng tanga
    ang kumakamot sa ulo,
    nakalimutan lang ang salitang bibo.
    kaya sige't buklatin.
    kwentahin? isa-isahin.
    pwdeng mamaya o
    sa kubeta nalang tapusin.
    nakakaantok?
    kase tutok na tutok
    maaari namang hawak-hawak
    habang umiilag sa suntok
    ng isa pang naantok.
    .
    .
    ano ba kase ang ibig sabihin ng babasahin na ito? sayang ang oras mo? hehe pasensya na gusto ko lang paglaruan ang atensyon nyo. apir!
    Last edited by phytochemical; 29th Feb 2012 at 20:17.

  2. #2

    Default Re: Basahin mo Ako

    Hindi ko masyadong naintindihan honestly pero nag enjoy akong basahin susubukan kong hubarin ang totoong meaning nito, basahin ko lang ulit haha..

Similar Threads

  1. basahin mo to kung bored ka...
    By mabhin17 in forum Gags & Jokes
    Replies: 36
    Last Post: 29th Jun 2012, 15:42
  2. Torpe daw ako!!!.. Basahin mo to!
    By dwyane_0033 in forum Love & Friendship
    Replies: 31
    Last Post: 4th Sep 2009, 19:21
  3. "basahin mo nga" plz...
    By myragarcia in forum Quotes & Poems
    Replies: 29
    Last Post: 8th May 2009, 23:36
  4. basahin mo toh,,
    By kris_ros23 in forum Gags & Jokes
    Replies: 0
    Last Post: 22nd Apr 2008, 21:24

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •