Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 1 of 1
  1. #1

    Default Kuya "anti-hazing poem"




    Sa malupit na mundo hanap ko ay takbuhan
    Na malalapitan sa oras ng pangangailangan
    Mga kapatid na di ka-dugo, aking pinagkatiwalaan
    Pagkat iba daw magmahalan sa kanilang sagradong samahan.

    Ngunit ang mga taong tinitingala ko ng tingin
    Nagawa akong pahirapan, di ko sukat akalain
    Mga mukha nila ay maamo habang ako'y pinapalo
    Buong katawan ko ay nilatayan nila ng todo.

    Bawat hampas at haplit sa balat ko'y dumidikit
    Animo mga lintang sa laman ko'y kumakapit
    Nanunuot ang hapdi, kirot at walang hanggang sakit
    "Magpakatatag ka kapatid ko", iyan ang kanilang sinasambit.

    Bawat hikbi ko't hiyaw, tila di nila pansin
    Mga taghoy ko at palahaw ayaw nilang dinggin
    Sagad hanggang buto, nagmamakaawa sa tinamong pait
    "Magpakatatag ka kapatid ko", iyan ang kanilang sinasambit.

    Bawat segundo at minuto, para sa akin ay kaytagal
    Tila di na yata matatapos, paghihirap ko't pagal
    Dumating na sa puntong ninais ko nang umayaw
    "Duwag ka kapatid ko", iyan ang kanilang ibinubulyaw.

    Pawis, pasa at dugo sa katawan ko'y lumabas
    Di na yata sisikatan ng araw, di na aabutin ng bukas
    Ninais kong bumalikwas, gusto ko ng umatras
    "Duwag ka kapatid ko", iyan ang kanilang ibinubulalas.

    Ngayon heto ako, isa ng malamig na bangkay
    Iniwang nakahandusay at wala ng buhay
    Pagsisisis ay nasa huli, ba't ako nagpaakay
    Mga inakala kong anghel, may kinukubli palang sungay.

    Ngayon kuya sabihin mo.. habang ako'y inililibing
    Kung ano ang ikinabuti, kung ano ang ikinagaling
    Ng ipinangangalandakan mong buktot na kapatiran
    Ako ay ipagtanggol mo, agawin kay Kamatayan...
    Last edited by adiksadownload; 30th Mar 2012 at 15:02.

Similar Threads

  1. anti-hazing thread
    By pcruztemp in forum Government & Politics
    Replies: 7
    Last Post: 14th Mar 2012, 09:56
  2. Corona ( anti corona poem)
    By clintkliz in forum Quotes & Poems
    Replies: 1
    Last Post: 12th Feb 2012, 20:35
  3. Famous People (qUotes and sAyings)....ThOugHtful Quotes
    By penpen06 in forum Quotes & Poems
    Replies: 0
    Last Post: 2nd Nov 2011, 11:33
  4. Courtship (letters/poems/quotes/do's and don't's/ etc...
    By tazzky in forum Love & Friendship
    Replies: 39
    Last Post: 12th Jul 2007, 02:55

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •