.
Ang Pagbabasa ay parang
paglalakad sa kalyeng walang
pangalan ng alas- dos ng
madaling araw, parang Brain
Operation na walang anesthesia,
tulad ng paghitit ng Chongki na ga- braso ang laki, parang silence
sa mental hospital, tulad ng pag-
inom ng matapang na kape na
walang tubig at parang pagsisindi
ng posporo sa gitna ng mga
nakabukas at sumisingaw na LPG. Lagi itong delikado, diretso,
delingkwente. Pumapatay at
bumubuhay ng imahe ng
nakaraan. Mistulang laging may
asupre ang kukote kapag
bumubuka na ang polyester na panlasa. Umiikot, sumisinghot,
humihikbi, naninibugho, nalilibugan
ang damdaming kinakalmot ng
ala-ala ng kabataan at minumulto
ng makaraan. Tanging kwento
lamang ang may kakayanang magbigay kamatayan sa mga
naghihingalong pag-asa ito rin
ang bubuhay sa mga bangungot
na iniligpit kasama ang lukbutan
ng hinaing.