Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 5 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 49
  1. #1

    Default First Sight, Mahal na kita [ Chapter 8 ] Wakas

    First Sight, Mahal na kita


    CHAPTER 1 - RESUME

    Inaantok at hinihintay na matapos ang oras ng duty ko dito sa opisina, Wari'y matutulog na ay bigla akong sinigawan ng kasamahan ko sa trabaho.

    " Hoy! KIEL! Wag kang matulog baka mahuli ka ni sir diyan na tutulog tulog "

    " Uy pare hindi ako natutulog, naiinip lang ako hahaha! "

    Kasi naman ang boring dito sa opisina at dahil sa mga walang kabuhay buhay na mga katrabaho ko pati tuloy ako ay nahawa na sa pagka dry nila at nang biglang pumasok na may ngiting demonyo ang boss ko sa trabaho na may dala-dalang folder ng resume at dahil curious ako sa ngiti niya ay nagtanong ako.

    " Uy sir bakit ang saya mo ata? nanalo ba sa lotto? "

    " How I wish Kiel noh? It's just na may bagong magtratrabho na cute dito sa opisina natin pero contractual lang siya at I think magtatagal lang siya ng 5 months "

    " Ganun po ba sir. Grabe nakakasakit naman kayo ng loob eh? bakit sir hindi pa ba sapat ang cuteness ko dito sa opisina kaya't naghanap pa kayo ng iba? " With sad face reaction siyempre para kapanipaniwala.

    " Sira ulo ang kapal mo! " Sagot ng sir ko na with kulot kilay.

    " Kayo naman sir nagbibiro lang naman ako eh hahaha anyways sir patingin naman baka nga mas cute siya sa akin at ng matantsa ko hehehe "

    " Maglibag ka nga kumakapal ka nanaman eh. Oh sya eto ang folder with the resume inside and then after mo tignan itabi mo ng maayos sa table ko at na ma file ko na yan by tomorrow. "

    " Roger that sir hehe "

    Nang makuha ko na ang folder na may lamang resume ng newly contractual na workmate namin ay dahan-dahang kong binuksan ang folder dahil baka magulat na lang ako na monster pala ang picture ngunit nang mabuksan ko na ito ay laking gulat sa nakita ko pero hindi ung gulat factor dahil sa monster ang nakita ko sa picture ng resume niya pero isang picture ng anghel na babae na tila ay naligaw dito sa lupa.

    " Sir? "

    " Oh Kiel bakit? "

    " Siya ba talaga itong nasa picture or baka inedit lang niya sa photoshop? "

    " Ay hindi! malamang picture ko ang nasa resume niya! Syempre siya yan noh at hindi inedit lang sa photoshop ang picture niya kasi nakita at nakausap ko na siya ng personal kanina lang "

    " Hmmmmm infairness sir huh? Cute siya "

    " Haha see I told you cute talaga siya, Teka nga wag mo sabihin may gusto ka na sa kanya? "

    " Ikaw naman sir haha "

    Tumalikod ako at tinitigan ng mabuti ang picture niya sa resume.
    Bulong sa sarili ko na....

    " Aish totoo pala ang love at first sight "

    Medyo nakakahalata na ang sir ko dahil tumalikod ako at tagal kong lumingon kaya pinatabi na niya sa table ang resume ng new workmate namin at laking tanga ko naman ay nakalimutan ko tignan kung ano ang pangalan niya dahil sa sobra akong nabighani sa ganda niya pero ok lang kasi by tomorrow ng hapon ay makita ko na siya ng personal.

    " AT LAST!! Uwian na rin makakapag pahinga na rin "

    Pagkauwi sa bahay ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang bago namin workmate at sabay na naasar kasi ang tanga ko para hindi makita ang pangalan niya at kung ano ano na ang mga pangalan na naiisip ko dahil sa sobrang curious ko sa pangalan niya na dumating sa point na balak ko na bumalik sa opisina para makita lang ulit ung resume at makita ang pangalan niya but of course I wouldn't do that so tinulog ko na lang.

    " Krrrriiiiinnnnggg Krrrriiiiinnnnggg "

    " Huh? Cellphone ko nagriring " Sabay tingin sa relo bago sagutin ang cellphone ko.

    " WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! Tinanghali ako ng gising!! Kaltas sahod ko nito huhuhuhu "

    Pagdating sa opisina kulot kilay ang boss ko.

    " Hoy Kiel bakit ngayon ka lang kanina pa kita tinatawagan ano ba nangyari sayo hindi mo sinasagot tawag ko ha? "

    " Sir pasensya na kasi nawala yung cellphone ko sa bahay hindi ko agad nahanap tapos naka silent pa kaya hindi ko naririnig na tumatawag kayo " Dinahilan ko lang yun malay ko baka makalusot.

    " Ok! Eh bakit ngayon ka lang? Late ka alam mo ba yun ha Kiel? "

    " Yes sir I'm aware that I'm late pasensya na po hindi na mauulit " Kunwari naluluha luha para kumagat.

    " Hmmm o sige ano pa nga ba magagawa ko late ka na pero next time wala ng late, patatawarin kita ngayon kasi first time mo pa lang naman ma late "

    " Yes sir promise hindi na ako ma le late " YES! Nakalusot ako haha!

    " O sige go to your work now Kiel "

    " Yes sir salamat po "

    Hindi na ako nakapag lunch dahil sa late na nga ako at kailangan magpakita ng paawa effect sa boss ko para kunwari ay nagsisi na late ako pero sa totoo lang bago pa ako pumasok ay kumain na ako sa bahay kaya ok lang naman.

    " Kiel lunch time na "

    " Ay sir ok lang go ahead po and lunch na lang po kayo "

    " Sure ka huh? O sige lalabas lang muna kami para kumain, kaw muna dito mag isa ah? "

    " Yup, Sige sir enjoy your lunch "

    Natapos na ang lunch break at bumalik sila ng exactly 1:00pm at naisipan kong muna na pagtripan ang boss ko hehehe.

    " Oh sir binilhan niyo ba ako ng foods? " Pinagtritripan ko lang sir ko nito hehehe.

    " Huh? wala ka naman sinabi sa amin na bilhan ka namin ng foods mo "

    " Awwww nag text ako sainyo sir eh "

    " Ay ganun ba wala talaga ako na receive na text messege from you "

    " Joke lang sir wala talaga ako tinext binibiro ko lang kayo hahahaha! "

    " Walanghiya ka talaga Kiel hambalusin kita eh "

    " oh sir easy lang peace tau haha "

    " Magtrabaho ka na nga lang diyan "

    " Sir sorry but I already finished na may work kanina lang lunch break "

    " Aba talagang bumawi ka dahil late ka ha, sige good work rest ka na muna tutal wala na muna ako papagawa sayo "

    " Siyempre naman sir, ay by the way kala ko ba sir ngayon papasok yung bagong workmate namin? "

    " Oo ngayon nga anytime she will come here to start "

    " Huh? ano yun halfday lang siya? "

    " Yes halfday lang siya kasi 5 months lang naman siya "

    Later on may biglang kumatok sa pinto at ng binuksan ay pumasok na ang bago namin workmate " Speaking of the devil " habang papalapit siya ay bigla na lang ako tumabi at nagtago sa stock room namin kasi naman suddenly I feel so shy.

    " Oh Chloey nice to see you again, medyo napaaga ka ata 1:30pm pa shift mo "

    " Ay oo nga sir, excited lang siguro ako kea medyo napaaga ako hehe "

    Nang marinig ko si sir na tinawag siya na Chloey ay inisip ko na yung nga siguro ang pangalan niya.

    " O siya papakilala muna kita sa mga magiging workmate mo in 5 months "

    One by one siyang pinakilala ng boss ko sa mga workmate namin except me kasi bigla ako pumasok sa stock room namin at kunwari ay may hinahanap ako pero sa totoo lang nagtago talaga ako dun kasi nga naman bigla ako nahiya sa hindi malaman na dahilan.

    " Hmm teka asan na si Kiel? Bigla na lang nawala ang kumag na yun "

    " Sir nasa stock room ata siya " Sambit ng isa kong workmate.

    " KIEL! Lumabas ka muna dito at papakilala ko ang bagong workmate niyo na si Chloey "

    " Uhhhmmm sir wait lang po may hinahanap lang po ako dito sa loob " Pero ang totoo wala naman talaga.

    " Ano ka ba papaghintayin mo ba siya dito? Lumabas ka na diyan kung hindi kakaladkarin kita palabas "

    " Yes sir eto na po "

    Kabadong kabado ako at that time kasi hindi ko alam kung ano sasabihin or gagawin ko kapag nakita ko na siya in personal.

    " Oh Chloey eto nga pala si Kiel "

    " Hi Kiel ako nga pala si Chloey "

    " Uhhhmmm ahhmmm ahh eehh He he hello Chloey "

    " Kiel siguro naman alam mo ang shakehands eh noh? " Patanong na asar sakin ng boss ko.

    Nagshakehands kami and nahawakan ko ang kamay niya na sobrang lambot na parang ayaw ko na bitawan pero siyempre hindi pwede yun kaya mabilis lang.

    " Hmmm I smell something fishy " Pabulong na sinabi ng boss ko.

    " Sir ano sabi niyo? "

    " Wala! Ang Sabi ko ay bumalik ka na sa stock room at hanapin mo na ung hinahanap mo baka iba pa mahanap mo eh "

    " Ahhh Ok sir "

    Dali dali akong pumasok sa stock room sabay sara sa pinto at inamoy ang kamay ko na pinag shake hands ko kay Chloey, Grabe ang bango ng kamay niya at ang lambot. Crush ko siya AY! Hindi na, gusto ko na pala siya AY! Hindi na rin pala, Mahal ko na siya.

    Nahihiya pa ako na lumabas sa stock room pero siyempre hind ako pwede magtagal sa loob baka kung ano pa isipin nila. Hinanap ko agad si Chloey at ng makita ko siya ay pa sulyap sulyap lang ako. Kasi naman may pagka TORPE ako pagdating sa babae.

    7:00pm na at uwian na, lahat sabay sabay lahat nagsialisan sa opisina at pagdating sa labas ay nagpaalam na sa isa't isa.

    " Bye guys, see you tomorrow ingat kayo " Paalam ng boss sa amin.

    " Bye rin sir ingat sila sa inyo " Pabirong paalam ko sa boss namin.

    " Oh Chloey may sundo ka ba? " Nahihiyang tanong ko sakanya.

    " Ay wala man ako sundo eh kaw ba? "

    " Meron si kamatayan kaya lang baka hindi siya darating eh "

    " Hahaha adik ka Kiel natawa naman ako dun sa joke mo "

    " Hahaha ka diyan, hindi joke yun seryoso ako "

    " Ha? Hindi nga? Huwag kang magbiro ng ganyan Kiel "

    " Joke lang yun sira as if naman eh noh? hahaha "

    " Adik ka talaga hahaha, O siya uwi na ako "

    " O sige Chloey mag iingat ka "

    " Sige kaw din ingat ka "

    Nang sinabi niya sa akin yun eh biglang sumaya ako, hindi ko ma explain ang feeling ko at that time.

    to be continued......


    Chapter 2 - Ngiti
    Chapter 3 - Chat
    Chapter 4 - Damit
    Chapter 5 - Date
    Chapter 6 - Pagtatapat
    Chapter 7 - Awkward
    Chapter 8 - Paalam na mahal ko - Wakas -


    Inattach ko na po ang pdf file if gusto niyo po basahin at magkaroon po ng copy

    Btw, Neth is my nickname po
    Attached Files Attached Files
    Last edited by Oops15; 22nd May 2012 at 18:44.

  2. #2

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    Sensya na if masyado mahaba, first time ko kasi to magsulat ng story haha

  3. #3

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    okay lang yan oops... meron naman talagang story na mahaba

    galing

  4. #4

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    hehe oo nga po kisses salamat po sa pag comment

  5. #5

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    nice one ts sana mapost muna ung next nabitin ako dun ah haha ang ganda ng storya salamat dito balikan ko to pag napost mo na ung next chapter

  6. #6

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    haha sige po robert once I finished writing Chapter 2 ay ipopost ko na agad

    Salamat sa pagtangkilik hehe

  7. #7

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    Chapter 2 - Ngiti

    Pasado 8:30pm na ng nakauwi na ako sa bahay pero feeling ko parang hindi ako masaya na nakauwi kasi na mimiss ko na si Chloey. Naligo at kumain na ako ng aking hapunan nang bigla kong naisipan huwag muna matulog at mag facebook muna, hanapin ang facebook profile ni Chloey add siya at magka chance na maka chat siya hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko ang profile niya at inadd ko siya. Ganda at ang cute talaga ni Chloey wala akong masabing panlalait sa kanya o dahil sadyang may gusto lang ako sakanya kaya ganun. Naghintay hintay ako ng mga ilang oras pero wala pa rin notification na inaccept niya ang request ko at dahil inaantok na ako ay natulog na kasi baka ma late nanaman ako sa opisina bukas.

    Gumising naman ako sa tamang oras at naghanda na para pumasok sa opisina.
    Pagkadating sa opisina sinalubong ko ang lahat ng isang magandang bati.

    " Yooooooow!! Gooooooooood Mooooooorning guys!! "

    " Aba aba Kiel ano meron bakit parang ang sigla mo? " Tanong sa akin ng mga workmates ko.

    " Wala naman mga pare sadyang masarap lang talaga ang mabuhay paminsan minsan "

    " Weh? Bakit namatay ka na ba ng minsan? hahahaha "

    " Hindi naman mga pare basta mahirap explain haha "

    " Sus as if I know kayong dalawa ni Chloey ang huling umuwi hindi ba? " Biglang sawsaw na tanong ng boss ko sa akin.

    " Oh sir Good Morning po, Hmmm yes sir you're right pero wala naman yun eh "

    " Talaga lang huh?? May naamoy ako sayo kala mo lang ah? " Padudang tanong ng boss ko.

    " Sir! Naligo naman ako eh "

    " Hindi un baliw, Baka balak mong ligawa si Chloey ah? "

    " Sir ang bilis naman? Maaga pa para sa ganyan, Oh sige na sir back to work na tayo "

    " Oo buti alam mo! Oh hala sige trabaho na! "

    Wew, buti na lang naiba ko agad ang usapan medyo may naamoy na kasi itong boss ko sa akin eh, malakas kasi makaramdam to ng kung ano ano tsaka hindi talaga ako marunong manligaw kasi hindi ko style ang mga ganun.

    Lumipas na ang oras at tapos na rin ang lunch break so malapit na ang 1:30pm at ako ay excited na makita si Chloey kaya naman ang ginawa ko tinapos ko agad ang trabaho ko at pasimple lumibot libot na parang supervisor kasi mamaya maya ay tatambay ako sa pinto para salubungin ko ang unang ngiti niya.
    Dumating na nga ang 1:30pm at ako naman ay tumambay na sa pinto na may hawak na kape para pagbuksan siya ng pinto pagdating niya.

    *Knock Knock Knock*

    Yes! Si Chloey na ito for sure kaya dahan dahan ko binuksan ang pinto at hindi naman ako nabigo dahil siya na nga ang dumating.

    " Oh Hi Chloey Good Afternoon " Bigay todong bati at ngiti ko sa kanya.

    " Hello Kiel Good Afternoon din saiyo "

    Para akong nasa alipaap ng binati niya ako at nginitian parang anytime maari na akong mamatay, pero siyempre ayaw ko mangyari yun.

    " Chloey may tanong ako sa iyo "

    " ano naman yun? "

    " Kape ka ba? "

    " Huh? Bakit mo natanong yan? " Takang taka siya sa tanong ko na iyon.

    " Kasi KAPEranggot na ngiti mo lang, Buhay na ako! "

    " Sus kung maka pick up line ka ah? hahahaha " Tawang parang na cocornyhan siya sa akin.

    " Hehehe nabasa ko lang kasi kaya sinubukan ko lang naman "

    " Ay ganun o sige pasok na ako baka mawili ako dito hindi na ako makapagtrabaho haha "

    " Ay oo nga pala I forgot nasa trabaho pala tayo haha, O sige "

    Nagdaan ang mga oras at malapit na naman ang uwian dati ay excited na excited ako pag malapit na ang oras ng umuwian pero ngayon parang ayaw ko nang umuwi at titigan na lang si Chloey magdamag pero hindi naman pwede yun at wala akong magagawa sa bagay na iyon.

    " Guys it's 6:00pm na malapit na ang uwian be sure natapos niyo na lahat ang mga trabaho niyo for this day or else mag Oover time kayo ng walang extra pay " Sabi ng boss sa aming lahat.

    Bigla ako napatingin kay Chloey at that moment and napansin ko parang aligaga siya sa hindi malaman na dahilan, linapitan ko siya at tinanong.

    " Chloey may masakit ba sayo? Bakit ganyan mukha mo pumapanget ka tuloy, Cheer up! "

    " Ay wala naman kasi baka hindi ko matapos tong pinapatype sakin ni boss medyo marami rami pa kasi eh "

    " Hmmm hala ka mag oovertime ka dito ng walang extra pay tapos ikaw lang mag isa "

    " Kaya nga eh pag hindi ko agad natapos to ganun nga ang mangyayari "

    " Balita ko may nagmumulto dito pag ikaw lang mag isa "

    " HA? Talaga? Ihhhh natatakot ako ayaw ko ng ganun "

    Takot na takot ay parang luluha na siya anytime kaya siyempre para ako ay magka pogi points sa kanya ay naisipan ko na tulungan siya sa mga pinapatype sa kanya ng boss namin.

    " Joke lng un hehe "

    " Ihhh Kiel noh tinakot mo ko haha "

    " Haha! O sige bigay mo sakin ung kalahati at tutulungan na kita para matapos kana "

    " Ay huwag na nakakahiya naman sa iyo "

    " Tsk walang hiya hiya pag sa akin, nanakit ako pag tinatangihan ako alam mo ba yun? "

    " Ayyy ang bad mo naman pala hahaha! "

    " Hahaha sige na bigay mo na sa akin ang kalahati tatapusin ko agad "

    " O sige na nga, eto na ung kalahati "

    " Yan e di mabuti matatapos ka agad ng maaga niyan "

    " Salamat sayo Kiel ah? "

    " Sus wala yun basta ikaw haha! "

    Dali dali kong tinype ang kalahati na binigay sa akin ni Chloey sa loob lamang ng 20mins at bumalik ako sa kanya para ibalik yung mga papel at kunin pa ang iba if may natira pa.

    " Oh Chloey eto na oh natapos ko na yung binigay mo sa akin "

    " WOW! ang bilis mo naman magtype? "

    " Hehehe hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang pinakamabilis mag type dito sa opisina natin "

    " Wow ang galing mo naman hehe idol na kita "

    " Weh? Hindi ako artista noh? hahaha "

    " Haha sabi mo eh , malapit na rin ako matapos nito "

    Nakita ko na kaya na niyang tapusin ang mga natira pa pero sa palagay ko hindi siya aabot ng 7:00pm kaya ang ginawa ko kinuha ko ang natitira pa.

    " Ayyy Kiel hindi pa tapos mga yan bakit mo kinuha? "

    " That's my point nga, Don't worry tapusin ko na rin mga to tutal wala naman ako ginagawa "

    " Ayyy nakakahiya naman sayo kanina mo pa ako tinutulungan eh "

    " Don't mention it wala sakin yun hehehe "

    " Salamat ulit Kiel " Nawawala lahat ng pagod at stress ko kapag nakikita ko siya ngumingiti.

    Lumipas ang ilang minuto at 6:45pm na, 15mins na lang uwian na at ang lahat ay naghahanda na para umalis sa opisina namin.

    " Chloey tapos na ako kamusta ka diyan ok ka na? "

    " Uy Kiel eto kakatapos ko lang, Salamat talaga ha? "

    " Ok lang yun ano ka ba kanina ka pa salamat ng salamat eh "

    " Hehehe O sige na nga "

    Nag ayos na kami ng mga gamit namin at handa na para lumabas na ng opisina para umuwi na nang biglang sinabi ni Chloey na.....

    " Kiel sabay na tayo "

    " Ha? O sige tara labas na tayo "

    Ang saya ng feeling ko ng oras na iyon kasi siya mismo ang nagsabi na sabay na kami lumabas.
    Pagdating namin sa labas ay nagpaalam na kami sa mga workmates and boss namin.

    " Boss, mga pare bukas na lang ulit ingat kayong lahat "

    " Sige bukas na lang ulit, paalam ingat din " Sabi ng mga workmates at boss ko.

    " Oh Chloey uwian na tayo na at ng makapag pahinga na "

    " Teka Kiel hintay lang samahan mo naman ako sa Mall may bibilhin lang ako, Ok lang ba?

    Nagulat ako sa tanong niya yun kasi hindi ko expect na magpapasama siya sa akin eh 2 araw pa lang kami nagkakakilala pero siyempre ako naman ay go lang ng go basta siya kasama.

    " O sige walang problema "

    " Salamat Kiel "

    Sumakay na kami sa jeepney at nakarating na rin sa Mall.
    Nagtaka lang ako dahil sa isang fastfood kami pumunta.

    " Oh Kala ko ba may bibilhin ka? "

    " Hehehe wala naman ako bibilhin eh, Treat lang kita kasi tinulungan mo ko kanina "

    " Ha? Ikaw ah lininlang mo ko haha, Sabi ng Ok lang yun eh "

    " Ihh kahit na! Huwag ka nang umangal at kumain na lang tayo, sagot ko naman eh "

    " Naman bigla ako nahiya sayo eh hahaha "

    " Ay bakit naman? "

    " Wala naman, First time ko kasi na babae ang manlilibre sakin eh "

    " Haayy Ok lang yan atleast na experience mo na hahaha "

    " Hahaha oo nga eh, anyways salamat ah? "

    " Hehehe no problem "

    Nagsimula na kami kumain, kahit sawa na ako sa fastfood na iyon ay bigla akong nag enjoy sa mga pagkain nila dahil kasi naman kasama ko si Chloey sa oras na iyon at feeling ko parang nag dadate na kami or date na nga ba talaga to?
    Natapos din agad kaming kumain, dahil alam niya na maaga ang pasok ko ay agad narin siya nagyaya ng umuwi.

    " Sayang bitin ako " Sabi ko sakanya

    " Ay bakit? gutom ka pa ata? hehe "

    " Hindi ah busog na nga ako eh, bitin lang kasi agad na tayo uuwi "

    " Ayaw mo na ata umuwi? haha "

    " Hindi naman enjoy ka kasi kasama eh hehehe "

    " Sus kaw ah bolero ka haha "

    " Sa lahat ng bolero ako ang nagsasabi ng totoo noh? haha "

    " Ikaw na! haha, O siya sige byebye na maaga pa pasok mo bukas "

    " Oo nga pala sige byebye din saiyo, Salamat sa libre ah? sa uulitin hahaha "

    " Hahaha kaw talaga, Don't worry may next time pa naman, Sige ingat pauwi "

    " Ingat ka rin Chloey Bye Bye "

    Kahit gusto ko man siya ihatid pauwi eh hindi ko alam paano ko didiskartehin ang ganung situation, hindi kasi talaga ako marunong manligaw at dumiskarte, pero hindi bale may next time pa naman for sure matututuhan ko rin ligawan siya.


    to be continued.....

  8. #8

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    Chapter 2 released

  9. #9

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    CHAPTER 3 - Chat

    As usual gaya ng araw araw na ginagawa ko, eto papasok nanaman sa trabaho pero unlike before ay mas excited na ako pumapasok ngayon dahil na rin kay Chloey. The same ng ginawa ko kahapon ay sinalubong ko siya sa pinto para ako agad ang unang niyang makita.

    " Hello Chloey, Salamat nga pala sa treat kagabi hehe "

    " Hi Kiel, Ikaw naman wala nga yun eh bumawi lang ako kasi tinulungan mo ako kahapon "

    " Ganun ba wag kang mag alala basta pag need mo ng help I'm always here "

    " Naks naman! Sige salamat sa offer mo, Don't worry pag I need help I won't hesitate "

    " Sige hehe, oh let's go to work na baka kumatak nanaman si bossing haha "

    " Haha Ikaw talaga, O siya mamaya na lang ulit "

    Naging active ako sa pagtratrabaho at agad ko tinatapos ang mga trabaho ko if ever may hinahabol na deadline si Chloey ay ready ako tulungan agad siya para maiwasan na rin mag overtime siya sa opisina namin.

    " Kiel! Kiel! " Tawag sa akin ng boss ko.

    " Yes sir? "

    " Dito ka nga mag uusap tayo ng masinsinan "

    Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita ni boss ko kasi never ko pa siya narinig na ganun ang tono niya.

    " Bakit sir? May problema ba or may nagawa akong kasalanan? "

    " Wala naman Kiel, may tanong lang ako sayo, Liniligawan mo ba si Chloey? "

    " Huh sir? Uhmmmm ewan ko sir hindi ko masabi eh "

    " So tama nga hinala ko from the start pa na may gusto ka sakanya "

    " Yes sir tama po kayo "

    " O sige hindi naman ako tutol sa inyo eh, And sino ba naman ako para tumutol hindi ba? "

    " Salamat sir, pero sana po ay sa ating dalawa na lang muna po ito kung ok lang sa inyo sir "

    " Ok lang Kiel don't worry, Secret lang natin to pero bilis bilisan mong dumiskarte dahil 5 months lang siya dito "

    " Ewan lang sir, siyempre ilang araw pa lang naman kami nagkakakilala kaya hindi ko pa masasabi yan "

    " O sige kaw na bahala diyan, basta huwag mo lang papabayaan ang trabaho mo dito understood? "

    " Yes sir siyempre hindi "

    " Sige you can back to your work na "

    Kahit ganun ang boss ko ay tinuring ko na rin siya na pangalawang ama ko dahil sa willing siya na mag advice sa akin sa ano pa mang mga bagay bagay, kaya tiwalang tiwala naman ako sa kanya at hindi naman niya ako ipapahamak feeling ko pa nga willing pa siya na tulungan pa ako manligaw pero if ever tatangi ako dahil gusto ko sarili ko diskarte ang magwawagi.

    Isang oras bago ang uwian namin ay pinuntahan ko si Chloey sa kanyang table at kinamusta siya.

    " Yow Chloey kamusta naman diyan? "

    " Oh kaw pala Kiel, eto wala naman problema at natapos ko naman kahit papaano ang mga paper works "

    " Wow bumibilis ka na ata magtrabaho ah? Keep up the good work hehehe "

    " Hehe thanks Kiel "

    " Sige balik muna ako sa table ko, tawag ka nalang if you need something "

    " O sige "

    Dumating na ang oras ng uwian namin at sabay sabay kaming lahat lumabas sa opisina, kanya kanyang paalam sa isa't isa at nagsiuwian na pero gaya pa rin ng dati ay kami ni Chloey ang huling umuuwi.

    " Oh Chloey uwi ka na ba niyan? "

    " Oo eh ikaw ba niyan? "

    " Siguro hehe "

    " Ay bakit siguro? If I know niyan mang chichiks ka pa niyan eh? haha joke lang "

    " Hoy hindi ako ganun ah? Kahit ganito pagmumukha ko mabait naman ako kahit papaano haha "

    " Oo naman walang dudang mabait ka hehe, O sya una na ako Kiel Bye ingat nalang "

    " Sige ingat din bukas na lang "

    Hindi ko nanaman naihatid si Chloey sa kanyang bahay, ang hina ko talaga kahit kailan.
    Nakauwi na rin ako sa bahay, kumain na at naligo bago matulog pero naisip ko bigla ang facebook dahil sa inaadd ko si Chloey baka naman inaccept na niya yung request ko, Nag open na ako ng facebook at nakita ko na may notification na inaccept na ni Chloey ang friend request ko sakanya and nakita ko siya na naka Online so naisipan ko na chat siya bago man lang ako matulog.

    " Hi panget haha "

    " Che! Panget ka diyan haha "

    " Haha salamat sa pag accept "

    " Ngee wala yun ano ka ba aha "

    " Hehe oh kumain ka na ba? "

    " Oo katatapos ko lang eh ikaw ba? "

    " Tapos na rin "

    " Anu ginagawa mo niyan ? "

    " Hmm eto ka chat lang naman ang babaeng pangalan ay Chloey "

    " Ay ganun ba wala ka ata ibang ka chat? hehe "

    " Wala man ikaw lang at masaya na ako dun "

    " Sus Kiel talaga noh haha "

    " Bakit? "

    " Wala nman haha "

    " Haha ka ng haha diyan sige ka baka.... "

    " Haha oh? sige nga ano gagawin mo? "

    " Hahalikan kita diyan eh hahahaha! "

    " Hmmp subukan mo at ng makatikim ka sa akin haha "

    " Makatikim ng halik? Sure why not haha "

    " Che! Ang adik mo talaga Kiel "

    " Oo adik talaga ako, Adik sa iyo "

    " Weh bumabanat ka nanaman ah? "

    " Hindi naman haha, Musta pala lovelife? "

    " Weh lovelife naman, wala pa naman ako boyfriend eh "

    " Wow good girl ka ata hehe "

    " Hmm siyempre hehe, Tsaka wala pa naman nanliligaw kasi ayaw ko sila entertain eh "

    " Ay bakit naman? "

    " Wala lang siguro hindi ko lang sila type eh "

    " Wow choosy ka ata teh? haha "

    " Haha ewan parang nga naging choosy ako "

    " Ay bakit choosy? "

    " Hmm ewan nga din hindi ko masabi "

    " Ahh dahil siguro nasaktan ka sa dating mong relationship "

    " Hmm oo parang ganun na nga "

    " bakit naman at ano ang ginawa sayo ng ex mo? "

    " Hmmm O sige Kiel matutulog na ako inaantok na kasi ako "

    Feeling ko tuloy nagalit or nailang siya sa tanong ko kasi medyo personal ang tinanong ko sakanya about her ex boyfriend, Palpak ang ginawa ko na iyon.
    Sana hindi siya na awkward sa akin.

    " Sige Goodnight sweet dreams "

    " Sige Goodnight din "

    Nag offline na kami at ako naman ay ready na para magpahinga't matulog, Iniisip ko pa rin si Chloey hangang sa pagtulog nangangahulugan lang talaga na mahal ko na siya dahil ngayon ko lang talaga naramdaman ang feelings na to. Sana dumating ang araw na mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sakanya.


    to be continued.....
    Last edited by Oops15; 13th May 2012 at 10:46.

  10. #10

    Default Re: First Sight, Mahal na kita

    sa ksunod....

Page 1 of 5 123 ... LastLast

Similar Threads

  1. " hindi na kita mahal "
    By leosky in forum Love & Friendship
    Replies: 11
    Last Post: 6th Feb 2014, 23:21
  2. Hindi na kita mahal ..
    By kissie shin in forum Quotes & Poems
    Replies: 28
    Last Post: 29th Jul 2012, 22:59
  3. Nakakasuka ka na!!!....pero mahal parin kita....
    By jay_maseb in forum Love & Friendship
    Replies: 16
    Last Post: 26th Nov 2009, 22:11

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •