Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 10 of 10
  1. #1

    Default "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTULALA"


    Ginawa ko po ang thread na ito para pag sama samahin ang mga sinulat ko at maibahagi nadin at mag silbing inspirasyon para sa iba.

    .

    "WHAT ARE YOU THINKING?"

    (post ko sa thread na
    "what are you thinking?" ni dadaq05)

    .

    .
    ako ang iniisip ko?
    tigilan muna ang pag iisip..
    .
    Iniisip ko din kung pano magagawa iyon,
    ang hindi sya maisip..
    .
    Pero pano ba sya mawawaglit sa aking isip..
    .
    Gayung sya palagi ang laman ng aking puso at isip..
    .
    Siya padin Maging sa panaginip..
    .
    Palagi ko syang sinisilip..
    .
    Nakatanaw ako mula sa di kalayuan at medyo naiinip..
    .
    Buti nalang ang hangin ay biglang umihip..
    .
    At ang buhok koy nahawi ng hangin itoy mahagip..
    .
    Teka palitan naman natin..
    .
    Baka mag sawa sa akin..
    .
    Try natin..
    .
    Mangarap
    bilang bigatin..
    .
    Etong atin..
    .
    "Hot issue!"
    .
    Talsik ko lumalaway pengeng tissue..
    .
    Pero ang totoo,
    i realy miss you..
    .
    Life aint complete without you..
    .
    Why oh you?..
    .
    Ibig sabihin ko ay "you"
    .
    Teka mabilis ba like
    the fast & the furious..
    .
    Okay let's get serious..
    .
    I know halata muh na at masyado nang obvious..
    .
    Words abuse?..
    .
    O gusto lang sya ma amuse..
    .
    Wait teka
    pwede ba kita gawing muse?..
    .
    Excuse..
    .
    Let me introduce..
    .
    Before i produce..
    .
    Words na mula sa isang tulad kong tinatawag na adik at baliw..
    .
    Ang tanging nais lamang ikaw maaliw..
    .
    Sensya na kung nag liliwaliw..
    .
    Sikreto lang ito gaya sa una kong sulat..
    para sayo..
    ako sayoy baliw..
    .
    Weew..
    .
    Yucky iiw eew!..
    .
    Pero di mapipigil..
    Ang tulad kong napaka giliw..
    .
    At lalong nang gigil..
    pag hawak lapis at papel
    .
    Di papipigil!..
    .
    Teka kailangan ko na palang tumigil..
    .
    Mag papakilala muna
    si jorgeRapatan nga pala..
    Isang tunay na
    makulet..
    .
    Kabilang at winawagay way ang watawat ng mga "M.A.K.U.K.U.L.E.T"...
    .
    A.K.A.
    "TROPANG KABUTE"
    .
    Mabuti!
    .
    Sana isa samin palarin mapasama sa literati..
    .
    Goodluck kay pareng
    .
    neji..
    .
    Ma'am kisses &
    .
    ms.prettywitty.. =)
    .

    .

    "PARA SA NAG MAMAHALAN (KONG MGA KAIBIGAN)"
    .
    (post ko sa thread ni crai na
    "48 hours ; ngayon pa ba?")

    Quote Originally Posted by jorgeRapatan View Post

    walang pagsubok ang di malalampasan..
    .
    Bastat sa puso ng isat isa'y nangingibabaw ang pag mamahalan..
    .
    At magka hawak kamay kayong dalawang lalaban..
    .
    Para sa inyong pagmamahalan..
    .
    At wag makakalimot sa diyos na makapang yarihan..
    .
    Palaging tumawag sa kanya at manalangin
    di lang tuwing may panga ngailangan..
    .
    Tandaan na walang imposible dahil makapang yarihan ang kanyang ngalan..
    .
    Ilagay nyo sa gitna ng relasyon nyo ang diyos para makita ang tamang daan..
    .
    Tinitiyak ko na kailan may di nya kayo pababayaan..
    .
    hangad ko para sa inyo ang lubos na kaligayahan..
    .
    .. "PARA SA NAG MAMAHALAN" ..
    .
    Yan ang pamagat ng aking tula..
    .
    jorgeRapatan
    .
    Ang aking ngalan..
    .
    Mula sa
    .
    "TAMBAYAN NG M.A.K.U.K.U.L.E.T"..
    .
    Miyembro at Winawagayway ang watawat ng
    .
    "TROPANG KABUTE"..
    .
    mula sa lupain ng
    .
    "HACIENDA de KABUTE"
    .

    master mind ang kilabot na kabute..


    "PAMBOBOLA"
    (pagsasabi ng nararamdaman sa pamamagitan ng pinakamatamis na pararaan)

    (post ko sa thread ni nokiauserz na mga bolero at bolera dito tayo!)

    Quote Originally Posted by jorgeRapatan View Post
    Wow mukhang bagay ako dito ahh?..
    Madami kasing may sabi na..
    Basta ayun..
    Sana welcome din ako dito..
    Pa join ako..
    .
    @mela

    depende yan sa tao ei..
    May bola kasi na half meant true..
    .
    @ts
    actualy wala namang salita o linya sa pambobola ang madalas o palaging successful sa panliligaw at pag propose..
    Ang mahalaga talaga sa pam bobola
    .
    1st:
    .
    tamang tyming..
    .
    Akala nila basta basta lang ang pambobola..
    Siguro yung iba..
    Nakiki uso..
    Pero may pambobola
    na mula sa puso..
    Parang mga jokes na corny at baduddles(baduy)
    kung papakinggan..
    pero astig para sa dalawang pusong nagkaka unawaan..
    Importante..
    na dapat alam muh kung kelan ka bibitaw sa bawat atake..
    At kelan ang mga follow up..
    To make up..
    Kung hindi tsk tsong wake up..
    (rhyming lang)
    .
    2nd:
    .
    the way how you deliver
    .
    Ang pambobola ay hindi basta basta bitaw lang ng bitaw..
    May mga ibat ibang style yan..
    May brusko ang datingan..
    Meron tahimik pero pag mag salita malaman..
    Meron genius idadaan sa kanyang kaalaman..
    At higit sa lahat mga simple at pa simple pero taglay ang mabulaklak na dila
    na kailan may di mapag iiwanan..
    .
    Diskarte ang ibig kong ipahiwatig..
    Maraming paraan para makuha ang pusong iniibig..
    Pero kung ikay hagang tingin lang at titig..
    Mag inom ka nalang ng beer at mamulutan ng sisig..
    .
    3rd:
    .
    dapat mapapaniwala muh yung binobola muh at yung sarili mo..
    .
    Marunong ka sumabay..
    sa mga agos kung kailan ka papa tangay..
    Maghihintay..
    At di lang mukhang sincere dapat ramdam din na tunay..
    At mula sa puso ng makamit ang tagumpay..
    (rhyming lang uli)
    sana may napulot kayo sa mga walang saysay na mga sinabi ko nyahaha..
    .
    Last edited by jorgeRapatan; 14th Jun 2012 at 05:52.

  2. #2

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    "idinaan sa rhyming ang hindi maamin"

    Quote Originally Posted by jorgerapatan View Post
    @buttercup
    meron sana akong gusto sayong sabihin..
    Hindi ko lang alam kung papaano ko sasabihing
    gusto kita/mahal kita..
    Kaya sumulat nalang ako..
    .
    " buttercup "
    .
    Sugar, spice..
    And everything nice..
    .
    Yan ang mga sangkap..
    Upang mabuo ang mga cute na power puff..
    At hindi sila bigla nalang nag pop up..
    .
    Sila ay mula sa experiment..
    Ni professor utonium..
    At hindi sa ms. Universe pageant..
    At malamang silay mahilig din sa magnum..
    .
    Sa aking pagkaka alam
    aksidenteng natapon ang chemical x..
    But one thing is for sure
    they are better than your ex..
    And definitely much better than your next..
    Ooop's biglang may nag text..
    .
    Mag focus daw kay buttercup sabi ni direk..
    Pag bumenta daw ang kwento sagot nya pag kami ay bumarek..
    .
    .
    .
    buttercup, buttercup,
    buttercup..

    saan ba at papaano kita mahahagilap..
    Bakit ba palagi nalang kita hinahanap hanap..
    Mula ng ikay makilala pakiramdam koy lumilipad sa ulap..
    .
    .
    Ang totoo akoy kinakabahan..
    Kapag bigla kang sumusulpot sa aking harapan..
    Wala naman akong nais ilihim mula saking nakaraan..
    Ngunit may kung anong meron sa nag daan..
    Mula nang aking nasilayan..
    Ang iyong larawan..
    Hindi ko maipaliwanag at maintindihan..
    Ang aking mga nararamdaman..
    Siguro habang ito ay binabasa mo ikaw ay maguluhan..
    Ewan ko kung ano nang tingin nila dito kung ito ay makabuluhan..
    At sadyang may pakahulugan..
    Sanay mag dulot ng katuwaan..
    Sa iyong damdamin at isipan..
    Kahit na ang mga nilalaman..
    Ay baka dimo maunawaan..
    .
    .
    .
    Alam mo ba mula nang ako sayoy napa sulyap..
    Nag umpisa muli akong mangarap..
    Oo nga sadyang mahirap..
    Sa bigat ako ay na papa singhap..
    Pero may nag papagaan at sa pakiramdam ay masarap..
    .
    .
    .
    Pag ikay kausap namumutla ang bibig..
    Ang tuhod ko ay nanginginig..
    Di naman ako nilalamig..
    Pero di padadaig..
    Aminado ako'y kinikilig..
    Ipag patawad mo
    ikay aking ini ibig..
    Sanay iyong madinig..
    Aking pag susumamo at pahiwatig..
    .
    .
    .
    Dahil kahit hindi mo kilala ang tunay na ako..
    Hindi ko sinubukan na sayo ay mag panggap..
    At kung sakali man dumating ang panahon na akoy iyong makilala ng lubos, sana akoy iyong matanggap..
    At kahit saglit ikay aking mayakap..
    .
    .
    .
    .
    .
    "wala na akong ibang gusto..
    Dito sa ating mundo..
    Kundi ikaw, ikaw, ikaw, ikaw,ikaw lang ang mahal ko..
    Kahit na maraming tawirin..
    Sa relasyon nating dalawa..
    Ay ikaw parin..
    Ang mamahalin..
    Ko"..
    .
    .
    .
    .
    "handa kong tanggapin lahat sayo at i alay..
    Lahat ng sakin..
    Pagkat hindi ko kaya..
    Na makita kang kasama nya..
    Alam kong kaibigan lang ang tingin mo satin..
    Gayon pa man ay ayos lang..
    Bastat nandito lang ako sayo ay handang dumamay..
    Akoy maghihintay sayo"..
    .
    .
    .
    @buttercup
    pag katapos mong mabasa ito at malaman..
    .
    Hindi ko naman hinihiling o pinipilit na akoy iyong paniwalaan..
    .
    Okay lang yun aking mauunawaan..
    .
    Inaamin ko akoy sadyang tinamaan..
    .
    Ang bilis ba?
    Pasensya na kahit ako di ko din akalain
    sobra ngang bilis..
    .
    Di naman ako nag mamadali
    pero kung talagang hindi pwede
    sabihin mo lang sakin at iyong asahan akoy hinding hindi maiinis..
    .
    Matatanggap ko kung tayong dalawa ay parang
    tubig at langis..

  3. #3

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    am bangis!



  4. #4

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL


    "kaya mo yan kayla"

    (post ko para kay kissie shin, sa tambayan ng mga puyat)


    Quote Originally Posted by jorgeRapatan View Post
    Wag mo ipagkait..
    Na makita ang iyong obrang kaakit akit..
    .
    Hayaan mo silang mapanlait..
    Mga mahilig manakit..
    .
    Walang gustong ipa dama sayo kundi pasakit..
    .
    Kailan may sila'y di mapupunta sa langit..
    .
    Ang tanong nyo ay kung bakit?..
    Siguro kahit,
    .
    Batang musmos
    dama ang pait at galit..
    Dulot ng mga mapang lait..
    .
    Mga hinanakit..
    .
    Na sanay mapawi sa pag iyak ng langit..
    .
    @kayla
    hayaan muh lang sila manghusga..
    Wag kang matatakot sa sasabihin ng iba..
    Kung tatanggap ka ng papuri..
    Dapat handa kadin tumanggap ng mga negatibong opinyon..
    .
    Share lang, ako kasi
    im inspired when people's dont like me.. =)
    lam ko walang saysay mga sinasabi ko pero sana napangiti manlang kita at napalakas ang loob..

    "Alak"
    (practice lang sa alak)

    .
    Ang alak nakaka tanggal ng nadaramang sakit..
    .
    nakaka tulong para mailabas ang mga tinatagong hinanakit..
    .
    panandaliang nakakapag palimot sa dinaramdam na pasakit..
    .
    sa kalunos lunos na sinapit..
    .
    at higit sa lahat nakakatulongupang mabilis mahubad ang kanyang damit..
    .
    Dang lupit..
    Last edited by jorgeRapatan; 18th Jun 2012 at 11:52.

  5. #5

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    Quote Originally Posted by jorgeRapatan View Post
    "Isang usapan? o karanasan mula sa nakaraan?"
    .
    .

    boy jorge:
    Ang ganda mo ngayon..
    alam mo ba yon?..
    .
    neneng B.
    huh?..
    Salamat, teka ngayon lang? Eh di paano kahapon..
    Nung nakaraang buwan at taon..
    Ang panget ko?..
    Mukhang gusto muh ng konyat!?..
    .

    boy jorge:

    bakit?..
    .
    neneng B.
    ang panget muh kasi bumanat..
    .

    boy jorge:

    sorry naman..
    Wag ka naman ganyan..
    .
    Para namang wala tayong pinag samahan..
    .
    Ako lamang ay natataranta at kinakabahan..
    .
    neneng B.
    bakit naman may nakikita ka bang multo sayong harapan?..
    .

    boy jorge:

    nakaka tense kasi ang iyong kagandahan..
    .
    neneng B.
    non sense pwede ba akoy iyong tigilan!..
    .

    boy jorge:

    wag muh naman sana akong talikuran..
    Pasensya kana,
    ako ay humihingi ng paumanhin..
    Saking pangungulet at pag papapansin..
    Di naman kita masisisi kung akoy iyong iisnabin..
    .
    neneng B.
    ang drama mo pwede bang lumayo ka nalang sa akin..
    .

    boy jorge:

    bakit?..
    Anung meron sa akin?..
    Ayaw muh ba sakin?..
    .
    neneng B.
    (ang hirap muh palang tiisin..)
    hindi naman pero..
    ayoko nang muling mahulog, sa isang tulad mong bolero..
    .

    boy jorge:

    ako? Bolero?..
    Di naman siguro..
    .
    Hindi ko lang talaga masabing gusto kita..
    At wala din akong maisip na paraan upang sayo ay maipakita..
    .
    neneng B.
    mahirap nang mag tiwala..
    .

    boy jorge:

    di naman kita masisisi sayong pag hihinala..
    Pero wag naman sana sobrang tamang hinala..
    .
    neneng B.
    pangingitiin nyo kami ngayon para makuha..
    Bukas naman ay luluha..
    .

    boy jorge:

    hinding hindi ko iyon magagawa..
    Ang hayaang lumuha ang iyong magandang mata..
    At maamong mukha..
    .
    neneng B.
    ano pa bang gusto mong madinig sakin at sayoy ipa mukha..
    .

    boy jorge:

    hindi ba ako pwedeng matuwa?..
    At sayo ay humanga?..
    .
    Alam mo sa tuwing pumapasok ka sa aking isipan ako ay napapa tunganga..
    .
    neneng B.
    kaso akoy pagod na masaktan at magpaka tanga..
    .

    boy jorge:

    nauunawaan kita subalit akoy di tulad nila..
    .
    Mahal kita di mo lang makita..
    .
    Hindi naman ako masamang tao o sayoy nagka sala..
    .
    Nahuli lang ako sayo at nauna sila..
    .
    neneng B.
    haay..
    Pareparehas lang kayo wag kanang mag kaila..
    .

    boy jorge:

    sana pala akin nalang ininda nuon ang pagiging masungit mo..
    .
    Eh di sana ngayon ang makasama ka ay nasusulit ko..
    .
    neneng B.
    mahilig lang kasi kayo mangako..
    Lagi namang napapako..
    .
    Bat ba kayo ganyan..
    Lagi niyo nalang akong sinasaktan..
    .
    Mamahalin kayo ng lubusan..
    Anong kapalit?, sasaktan, kasawian..
    Pagkatapos basta nalang iiwan..
    .
    Na ang puso ay sugatan..
    Mga mata ay luhaan..
    .
    Tapos iniwan lang pala ng walang dahilan..
    .

    boy jorge:

    naman..
    (god i wish i was in his place, so i can erase all the stres that he had made)
    .
    neneng B.
    sarado na ang puso ko..
    Bat di ka nalang sumuko..
    .
    Hindi ako karapat dapat..
    Mga mata moy iyong imulat..
    .
    Sa iba mo nalang i alay ang iyong pagmamahal..
    At wag ka sakin mag paka hangal..
    .
    Isa ka namang taong may mabuting kalooban,
    may pinag aralan at marangal..
    .

    boy jorge:

    bat di mo subukan muling mag mahal?..
    .
    neneng B.
    ayoko na muling masakal..
    At takot na muling mag mahal..
    .

    boy jorge:

    siguro nga hindi lahat ng pangarap ay aking maabot at makukuha..
    .
    Bat ganun di ko mapigilan ang pag patak ng aking mga luha..
    .
    Pero kahit ganito ikaw parin ay aking iibigin..
    .
    Sa malayo ikay aking pag mamasdan..
    Palaging nakatingin..
    At sa isip koy di aalisin..
    .
    Tanging langit lang ang nakaka alam..
    Ng nilalaman ng puso ko at himig ng damdamin..
    .
    Kahit akoy di mo kayang tanggapin..
    .
    neneng B.
    may sikreto ako sayong gusto sanang aminin..
    Muntik na kitang minahal..
    Hindi ko lang din alam kung papaano ko sasabihin..

  6. #6

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    Ang aking bday gift para kay mare (jheayaka12).. Nung kanyang kaarawan..
    .


    Quote Originally Posted by jorgeRapatan View Post
    maligayang kaarawan mare..
    .
    Para sa pinaka close ko dito sa Mobilarian
    at pangalawang tao na tumanggap sa akin..
    .
    eto walang lapis at papel free stlye tayo..
    .
    Okay 1 2 3..

    .
    Jheayaka..
    .
    batid mo bang
    ka ayaaya ka..
    .
    Sa taglay mong ganda namumutawi at talagang umaangat ka..
    .
    Karamihan huma hanga sayo at tinitingala ka..
    .
    Sayong natatanging pag uugali..
    .
    Sino ang di mawiwili..
    .
    Sa angking karisma..
    .
    Di maikaka ilang masarap kang kasama..
    .
    Ewan ko ba bat the best ka..
    .
    Swabe pa ang iyong dating na para bang vodka..
    .
    Kapag nakaharap ka..
    .
    Kahit nakatalikod ka..
    .
    Parang pag nakilala ang isang tulad mo..
    .
    Ay di na muling mawawaglit pa sa isipan mo..
    .
    At palagi ka nang hinahanap hanap..
    .
    Na ang pakiramdam ay daig pa ang nasa alapaap..
    .
    Ang mga momento..
    At segundo ay ginto..
    .
    Na para bang pusong di humihinto..
    .
    Sa pag tibok nito..
    .
    At masasabi mo sa
    iyong sarili..
    .
    Isa pa..
    .
    Humihirit ka pa..
    .
    Sumisilip pa..
    .
    Ang araw, araw, araw, araw..
    .
    Na maisip ka..
    .

    Jheayaka..

    .
    Last edited by jorgeRapatan; 18th Jun 2012 at 11:32.

  7. #7

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    Reserved for future use.

  8. #8

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    Reserved for future use.

  9. #9

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    Reserved for future use.

  10. #10

    Default Re: "Akoy TUTULA pagkat di ko kaya ibigay ang TALA, at pag nabasa mo ito ikay MATUTUL

    Reserved for future use.

Similar Threads

  1. di ko kaya
    By yNaQt in forum Quotes & Poems
    Replies: 2
    Last Post: 9th Nov 2010, 20:06
  2. di ko kaya minus one
    By seungwon17 in forum Audio & Video Players
    Replies: 0
    Last Post: 17th May 2010, 21:12
  3. Replies: 19
    Last Post: 21st Jul 2009, 18:36
  4. di ko maappreciate themes nyo - look at here!
    By flamingatom in forum Legacy Mobile Software
    Replies: 17
    Last Post: 17th May 2008, 21:27

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •