Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 9 of 9

Thread: Frenemy

  1. #1

    Default Frenemy

    Hindi mo naman kwento ang sinasalaysay
    Ngunit nais mong ikaw lagi ang bida

    May sarili ka namang buhay
    Nakapagtataka lamang kung bakit lagi mong pinapakialaman buhay ng iba

    Hindi ka naman boss
    Ngunit nais mong ikaw lagi ang nasusunod

    Kung ano ang sa amin
    Hangad mong ito'y maging iyo din
    Samantalang ang iyo ay iyo lamang

    Ayaw mong nalalamangan
    Para ka tuloy alimangong nanghahatak upang ang isa'y 'di maka angat

    Lagi mong binibida mga bagay na mayayaman lamang nakakabili
    Nais mong ika'y kainggitan

    Patawad na lamang
    Hindi ko kailanman'y kaiingitan ang bagay na 'di ko naman madadala sa langit
    Buti pa't kagandang asal ang iyong ipagmalaki
    Baka sakaling ako sayo'y lumuhod pa

    Teka, akala ko ba'y ika'y matalino
    Ngunit bakit kwento mo sa iba ay may dagdag

    Gumana na naman ba utak mong puno ng katalinuhan?
    Katalinuhan nga ba o kalituhan?
    Kalituhan sa pag sigaw sa mundo na ika'y perpekto

    Bawat status sa facebook ay inuusisa
    Laging tanong ay BAKIT pag ako'y masaya
    Kasunod sa sagot ko'y sagot mong " para yon lang "

    Oo na't ako ay mababaw
    'di tulad mong tanging nagpapasaya ay ang pagpapasikat

    Laging nilalait mga babaeng napipiling mahalin ng iyong iniibig
    Bakit 'di ka tumingin sa salamin at titigan iyong sarili
    Sige na't ikaw na ang maganda
    Sana nga lan'y ganun din ang iyong ugali

    Bawasan kunot ng noo
    Huwag umiyak na tila namatayan ng mahal sa buhay
    Nais mong ikaw ay kaawaan
    At kami ay magmukhang masama
    Pag hingi ng patawad ay balewala
    Tila nakalimutan mo ata na ikaw ang may kasalanan

    'di ko na maatim ugali mong tago
    Pag kaharap ko'y anghel
    Pag talikod ko'y daig pa nakawala sa hawla

    May buhay ka namang sabi mo ay napaka interesado
    Ngunit bakit kailangan mo pang ika'y magpasikat?

    Tigilan mo na kaya pagpapasikat, hindi ka naman kasi araw
    Pilit mong itinataas sarili mo sa mga taong hindi naman nakikipag kumpentensya sa iyo

    Bakit 'di subukang bumaba,
    Tanggalin ugaling mapagmataas
    Baka sakaling kahit ika'y nasa baba'y tingilain pa din

    Saka mo na ipagmalaki gamit mong mamahalin
    'di mo naman dugo't pawis ang pinambili nyan
    Bat 'di mo na lang itago sa sarili yan
    At hayaang iba ang kusang mamangha

    Hala sige't oras mo na para magsalaysay
    Hahayaan lang namin ikaw ay magpantasya
    Ilang beses na bang nahuli kwento mong barbera
    Ito na nga lang kami't ngumingiti
    Para naman masabi mong kami'y nakikinig pa rin

    Mga nagiging kasintahan nami'y napupuno ng lait
    Habang kami'y tahimik pag iyong kasintahan aming nakilala

    Maganda ka nga
    Hindi naman kasing ganda ng iyong ugali

    Maputi ka nga
    Hindi naman kasing busilak ng iyong puso

    Mayaman ka nga
    Ngunit puro kayabangan lamang iyong alam

    Matalino ka nga
    Hindi naman nagagamit sa tama

    Umasal ng tama
    Mata'y buksan upang kagandahan ng iba'y makita
    Takpan ang bibig kung walang masasabing maganda
    Hayaang iba ang makakita ng kung anong meron ka
    Makinig ng mabuti ng 'di madagdagan kwento ng iba
    Maging sensitibo sa pakiramdam ng kapwa tao

    Yaman na meron ka'y 'di madadala sa langit
    Walang ibang madadala kundi ang iyong kagandahang asal
    Ito na lamang ang iyong pag yamanin
    Nang ika'y tunay na maging angat sa mga taong nais mong angatan

  2. #2

    Default Re: Frenemy

    "keep your friend close and your frenemies closer"

    ang lalim ng pinaghuhugutan ah
    ignore mo nalang yan kung sino man yan

  3. #3

    Default Re: Frenemy

    Quote Originally Posted by 16MinutesLate View Post
    "keep your friend close and your frenemies closer"

    ang lalim ng pinaghuhugutan ah
    ignore mo nalang yan kung sino man yan
    wahahaha. tama ka. kaso ayoko na.

    she doesn't matter.
    matter means anything that occupies space.

    solid, liquid and gas. walang pang PLASTIC kaya she doesn't really matter


    nagets mo ba sinabe ko?

    salamat sa pag daan

  4. #4

    Default Re: Frenemy

    ayos ang lalim ng pinaghugutan mo my dear apprentice

  5. #5

    Default Re: Frenemy

    Quote Originally Posted by 10reason View Post
    ayos ang lalim ng pinaghugutan mo my dear apprentice
    eh kasi

    kung alam mo lang

    salamat sa pagdaan master

  6. #6

    Default Re: Frenemy

    hala. this is war!





    resbak natin kissie?


    dyowk lang


    magandang.


    free writing, at nasabi lahat ng gustong sabihin.


    aral din para sa mata ng ibang makakabasa.


    sakin hindi. bulag ako ihh



  7. #7

    Default Re: Frenemy

    Quote Originally Posted by blindpen18 View Post
    hala. this is war!





    resbak natin kissie?


    dyowk lang


    magandang.


    free writing, at nasabi lahat ng gustong sabihin.


    aral din para sa mata ng ibang makakabasa.


    sakin hindi. bulag ako ihh


    gising ka pa? (hindi tulog na)

    war? mag uumpisa at matatapos sa oras na mabasa nya 'to

    kayang kaya na sya ng mga tingin ko

    kung sabagay wala naman atang ganyang lalaki eh. meron ba?

    salamat sa pagdaan blind

  8. #8

    Default Re: Frenemy

    lalaki pala


    hehe ou gising at sumisipa pa.


    sinusulit lang ang alam mo na


    walang anuman 'yun.


    keepwriting&belated

  9. #9

    Default Re: Frenemy

    Quote Originally Posted by blindpen18 View Post
    lalaki pala


    hehe ou gising at sumisipa pa.


    sinusulit lang ang alam mo na


    walang anuman 'yun.


    keepwriting&belated
    lalaki ang alin?

    ang? ang? .. oo yun. kahit 'di ko alam kung ano yun



    salamat kahit late na

Similar Threads

  1. a message for frenemy part 3
    By 10reason in forum Quotes & Poems
    Replies: 2
    Last Post: 21st Dec 2012, 04:34
  2. a message for frenemy part 2
    By 10reason in forum Quotes & Poems
    Replies: 2
    Last Post: 31st Jul 2012, 22:06
  3. a message for frenemy
    By 10reason in forum Quotes & Poems
    Replies: 7
    Last Post: 28th Jul 2012, 05:53

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •