Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Results 1 to 3 of 3
  1. #1

    Thumbsup Ang batang palaboy na nilasing ng mga sanggano





    ANG BATANG PALABOY NA NILASING NG MGA SANGGANO

    Hindi na siya nasasaklaw ng mga alamat.

    Pasuray-suray siya patungo sa katotohanang

    Ang isang palaboy ay tinatangay

    Ng puyu-puyong hangin. Kamusmusang

    nanguluntoy.

    Kamuraang natigang. Sumuso siya ng alak

    Sa dibdib na bubog sa pagitan ng mga

    halakhak

    At maanghang na biro. At umakyat na sa

    simboryo

    Ng diwa ang init ng alkohol. Ngayo’y pinupuno

    Niya ng nikotina ang mga bagang dinadarang

    Ng alak sa mga landas ng dugo. Ibinubuga niya

    Ang asap ng lipunan at pasuray-suray ngang

    Binabagtas ang lansangang patungo sa isang

    Kinabukasang pusikit tulad ng hatinggabi.

    Kung kapatid mo siya, ano ang iyong iisipin?

  2. #2

    Default Re: Ang batang palaboy na nilasing ng mga sanggano

    nice one dre..

  3. #3

    Default Re: Ang batang palaboy na nilasing ng mga sanggano

    Quote Originally Posted by beelzebub4 View Post
    nice one dre..

Similar Threads

  1. Ang Tunay na Araw ng mga Patay ayon sa Biblia
    By kapitanbasa in forum Traditions & Beliefs
    Replies: 0
    Last Post: 16th Oct 2010, 21:25
  2. Patong na Pictures ng mga Sikat ahihihi
    By rentao_15 in forum Graphics & Photos
    Replies: 4
    Last Post: 7th Jan 2008, 07:20

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •