Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 14

Thread: +=_Hubad_=+

  1. #1

    Default +=_Hubad_=+


    "Hubad"

    Bumilog na naman ang buwan sa kailaliman ng gabi
    Nag babalak na naman ang mga ulupong na humuhuni
    Ginagapang ang mga bulaklak sa ginintuang paraiso
    Sumusuka ng punyal habang nag dadasal sa anito
    Ang mga aninong may puting buhok na nakasakay sa mga uwak
    Pinag mamasdan ang pagka sunog ng mga puting tagak
    Maglalakbay at maghahanap ng mga prinsesang hubad
    Mag hahasik ng kadiliman sa mga kaisipang sa karunungan ay salat
    Unti unting nagliliyab ang mga dahon ng gumamela
    Humihiling ng katarungan sa kalangitang binalot ng malisya
    Mga praktikal na kaisipang nilason ng kaalaman
    Nagdudulot ng pasakit na kumakain ng laman
    Ang mga ulap ay lumuluha na ng mga bulalakaw
    Nag-hari na sa kalupaan ang mga ginintuang kalabaw
    Sinasamba ng mga buang at mga ignorante
    Inaalay ang asawa't mga anak na babae
    Bibigkas ng bulong ang prinsipe ng kabulaanan
    Magpapaiyak ng mga sanggol habang nagtatawanan
    Alipores niya'y may dalang higanteng kandado
    Ikukulong ang mga anghel at palalayain ang mga demonyo
    Huhugutin ng prinsipe ang espada sa kanyang dibdib
    Ibabaon sa puso ng kanyang amang nilamon ng pag ibig
    Tutunawin ang korona at magbibigay ng signos sa lahat
    Seselyuhan ang langit na takda ng pagwawakas
    Last edited by phAntom kniGht; 22nd Aug 2012 at 03:07.

  2. #2

    Default Re: +=_Hubad_=+

    Nice.. up ko

  3. #3

    Default Re: +=_Hubad_=+

    ganda ts..aus!

  4. #4

    Default Re: +=_Hubad_=+

    salamat sa feedback

  5. #5

    Default Re: +=_Hubad_=+

    i-up ko nga to boss

    ang lalim ng english mo boss, san mo nahugot ang mga tagalog na eto

  6. #6

    Default Re: +=_Hubad_=+

    Nakupo..salamat IDOL sa pag Up

    di ko alam paano ko na hugot yan..dami kasi problema ng pilipinas nung ginawa ko yan


  7. #7

    Default Re: +=_Hubad_=+

    Quote Originally Posted by phAntom kniGht View Post
    Nakupo..salamat IDOL sa pag Up

    di ko alam paano ko na hugot yan..dami kasi problema ng pilipinas nung ginawa ko yan

    akalain mo yun

    pero iba ang imaheng nagaganap sa utak ko

  8. #8

    Default Re: +=_Hubad_=+

    ahaha..ok lang yan IDOL,may kanya kanya naman tayong interpretasyon sa ating mga nababasa..kung tutuusin..wala naman mali sa kung paano mo na imagine ung content ng tula..nakabatay din naman kasi un sa mga na experience natin sa buhay

  9. #9

    Default Re: +=_Hubad_=+

    so na experience mo ng
    magselyo ng langit

  10. #10

    Default Re: +=_Hubad_=+

    ahaha..syempre..hindi literal

Page 1 of 2 12 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •