Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 34 12311 ... LastLast
Results 1 to 10 of 339
  1. #1

    Read The Real History of Aswang In Dueñas iloilo City True Story -Mobilarian

    The True to Life Story of Fidel Maravilla and His Bestfriend Mario in Dueñas Iloilo city


    Magandang umaga sa lahat may nais lamang po akong ibahagi sa inyong kwento buhat sa aking lolo Na si Fidel Maravilla. ciquijor ang aMing bayan at marami kaming kamag anak sa parting Dueñas-iloilo,, ang kwentong ito Ay tunay na naganap mula sa bayan ng dueñas iloilo, at maniwala man kayo o hindi totoong ngyari ito...ang kwentong ito ay personal at tanging sa lolo ko lamang ito nakuha ang impormasyon base sa kanilang karanasan sa tunay na pag harap sa tunay na aswang,maraming nakakaalam ng kwentong ito sa bayan ng iloilo, kaya nais kung ibahagi ito sa inyo..

    Paalala:


    Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay at karanasan ng aking lolo sa bayan ng Dueñas-Iloilo, kung meron Man pong mga taga iloilo dito sigurado Makakarelate ang sinu man sa inyo. Ang Istorya ng kasaysayan Ng tunay na Aswang at mula sa tunay na pangyayari ng totoong buhay...na may 3 yugto na pina magatang
    TENIENTE GIMO - ASWANG!!!


    Part 1 Ang pakikipagsapalaran ni Fidel maravilla at ng kanyang kaibigan na si mario sa bahay ni Teniente Gimo
    Part 2 Ang anak na maestra ni Teniente Gimo at ang 2 guro na kinumbida mula sa bayan ng iloilo.
    Part 3 Ang pagkakahuli kay Teniente Gimo na aswang ang pagwawakas
    Last edited by 1989matanghari2012; 16th Sep 2012 at 18:34.

  2. #2

    Default Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo-Mobilarian

    totoo nga ba ang aswang????

  3. #3

    Read Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo-Mobilarian

    Teniente Gimo - Aswang


    Dueñas -Iloilo

    May 50 dekada na mula ngayon, ng mangyari at maganap ang kasaysayan ng kwento na ito ........
    Isang nagngangalang Teniente Gimo ang kasalukuyang brgy. Captain Sa isang liblib brgy.ng Dueñias ilo-ilo.
    Maraming hakahaka na ang pamilyang nito ay pinaniniwalaang aswang,, dumating ang taganihan ng palay sa bayan ng iloilo, at nag pasya ang lolo ko at ang isa niyang kaibigan na magtungo sa lugar na iyun upang maki ani ng palay sa pinsan ng mga lolo ko.. Dumating sila sa isang brgy dun, at usap usapan nga na isang Teniente ang Pinaniniwalaang aswang at kasalukuyang kapitan ng brgy.pati ang buong angkan nito ay pinaniniwalan ding aswang,, makatapus ang anihan ng palay. Nag plano ang lolo ko at ang kaibigan niya na alamin ang tunay na katotohanan sa tunay na pagkatao ng teniente,
    Isang Gabi, Nagsimulang mag tungo Ang 2 sa malayo at liblib na lugar kung saan Nakatira Si teniente Gimu,
    Nagpangap silang Magtitinda ng Asin at uso pa nuon ang tikles na gawa sa manipis kawayan na pinaglalagyan ng mga prutas, pero maliet lamang ito para sa lagayan ng asin.
    Pagsapit nila sa pintuan kumatok at pinagbuksan sila ng Teniente Gimu.
    Ang sabi daw ng lolo ko baka maaring makituloy po sapagkat malayong brgy ang kanilang pinagmulan baka maaring makituloy kahit isang gabi lang...
    At Tinanung ng teniente kung bakit sila ginbi?
    Nagtitinda po kase kami ng asin, at ng pagkasabi niyang iyon, biglang Nagtaas daw ng boses ang teniente at ang sabi Wag na wag ninyung ipapasok dito sa bahay ko ang dala ninyung mga asin Ilayo ninyo iyan sa pinto.. At iwan sa labas,
    at iyun nga naiwan sa labas ang dala nilang asin.....


    ....... Mula sa labas ay pinapasok na sila ni
    teniente,At papasok na sana
    ang lolo ko sa pintuan ng may
    biglang sumundot sa tagiliran
    ng binti niya, isang batang
    lalaki kung hindi ako nagkakamali eh 5-7 taung
    gulang daw Nakakulong ang
    bata Sa malaking tiklis o
    Tabungos, isang malaking
    tapayan na gawa sa manipis
    kawayan, nkasandig sa tabi ng pinto, ang sabi ng daw ng
    bata, Manong parang awa na
    po ninyo tulungan po ninyu
    ako papatayin ako ni teniente
    gimu aswang!!
    Nagulat ang lolo ko at aktong Bubuksan ang tabungos at
    kukunin ang bata para ilabas,
    eh saktong Sumigaw daw ang
    teniente ! ang sabi Wag
    ninyung papakielaman ang
    batang iyan iyan ay aking apo at kinakastigo ko hayaan
    ninyo siyang naririyan!
    At ang bata ay patuloy sa
    kaieyak hanggang sa tinawag
    ni teniente gimu ang isang ank
    niyang lalaki upang ipanhik sa itaas ng bahay ang bata, sa
    lakas ng iyak ng bata sa itaas
    ng bahay dinig na dinig ng 2
    magkaibigan ang unti unting
    paghina ng iyak at dahang
    dahang taghoy ng bata... At ng makaakyat na sila wala
    ang bata sa itaas! subalit
    katakataka daw na may
    tinatadtad na karning baboy
    sa lamesa pero ng dumating
    sila wala naman daw naman silang narinig na nagtatadtad,
    at sa pintuan palang ng bahay
    ng teniente kapansin pansin
    na ang kakaibang lansa, ganun
    din ang mga naglalakihang
    Kawa ,kaldero Kaserola na kahìt ang isang buhay na
    kambing ay kasyang kasya...
    At sa pagtatadtad napansin
    daw ng lolo ang amoy na
    malansang utak ng tao at
    alam niyang itoy bago at sariwa pa, nagtataka sila sa
    kanilang nakita at mga
    napapansin subalit sa mga oras
    na yaon ay wala ang bata
    subalit iesa lang ang kwarto
    sa itaas ng bahay..saan napunta ang bata? Ang wika
    ng magkaibgan..
    At duon nabuo ang kanilang
    konklusion ,,
    subalit hindi pa dito natatapos
    ang lahat Dahil ng mga panahon na iyun
    marunong ng kumontra ang
    lolo ko sa ganitong mga
    nilalang, Nag orasxion ang
    dalawang magkaibigan
    sapagkat silay may alam sa mga bulong/albulario. At dito
    na maguumpisa ang tunay na
    kwento,,








    #3 continue Matapos manalangin ng daw
    ng lolo kasama ang kaibigan
    niya, tinawag daw sila ni
    teniente Gimo upang mag
    hapunan subalit silay tumangi
    at sinabing kung pwedi mamahinga nalamang sila at
    napagod sa mahabang
    paglalakad. Di nagtagal
    sinamahan sila ni teniente sa
    kaitaasan ng bahay kung saan
    may papagan na gawa sa tabla ng akacia at kawayan at
    dun sila pinatulog..
    Makalipas ang ilang mga oras
    na silay nakikiramdam sa
    paligid Ganap daw na alas
    11.35 pm ay may biglang dumating na maraming tao,
    halos mapuno daw ang
    bulwagan sa ibaba ng bahay
    bata matanda binata, at mga
    maeedad naron Dw..biglang
    bumangon at sinilip ng lolo ko kung bakit maraming tao
    Takang taka silang dalawa,
    maraming Kawa ang may
    lamang tubig na pinakukulo,
    may naghahasa at may
    naghihiwa ng gulay. At sa iba ba din ng bahay may
    matandang babae na
    nagkakambas ng karne , may
    1klo sa isa may 2klo naman sa
    isa May leeg, at ulo, ang sabi
    pa ng bata daw na isa Lola akin nalang po Ang tenga at
    dila ieehaw ko lang po.
    sa madaling salita may
    katayan na magaganap, ang
    pagkakaalam naman ng lolo
    ko e baka piyesta kinabukasan Kaya me
    handaan.
    habang nasa pagsilip sila sa
    ibaba, May naring silang
    naguusap sa labas ng pinto na
    malapit sa dingding ,ganito raw ang pag uusap na
    kanilang narinig
    Teniente Gimo >>
    May 2 tayung panauhin mula
    sa malayung lugar
    Pagkakataon na natin ito, kaya sisiguraduhin Ninyo
    hindi eingay ang 2 iyan .
    Kapag nahuli ninyo Balutan
    ninyo ng sako sa ulo At gilitan
    ng leeg. At ihagis Ninyo dito
    sa ibaba at kami ng bahala sa mga iyan ang sabi ng Teniente
    sa 2 kausap.
    ang pagkakaalam siguro ng
    mga tao ay tulog na ang mga
    lolo ko Kaya dahandahan ng
    umakyat ang 2 taong kausap ni teniente Upang isagawa ang
    plano...
    subalit ang hindi nila alam na
    nakahanda na sa mangyayari
    ang dalawang magkaibgan...









    At ng aktong papasok na ang
    2 lalaki upang isagawa ang
    ang kanilang plano,
    Pagkabukas ng pintuan
    hinampas ng malakas na dos por dos ng kaibigan ng lolo
    ang isa at ganun din ang
    ginawa ng lolo ko bilang
    depensa nila sa kanilang sarili,
    upang hindi malaman ng
    angkan ni teniente gimu ang ngyari sa kamag anak niya
    Hinubaran nila ang dalawang
    lalaki upang hindi kagad
    makilalala ang mga ito at
    upang Hindi rin mabuko ang
    planong pagtakas ng mga lolo ko.
    gaya ng bilin ni teniente gimu
    Balutang ng matibay na sako
    ang ulo ng mga bisita at
    pagkatapus ay gilitan ng leeg.
    at ganun nga ang kanilang ginawa ginapos nila ng
    matibay na sako at ginilitan
    nilang pareho Ang leeg ng 2
    gamit ang dalang punyal ng
    lolo ko na gawa sa tanso na
    may ukit ding orasyon. Pagkatapus nila gawin ito
    inihulog na nila ang bangkay
    sa ibaba ng bahay at dun
    kinumog at pinagpiyestahan
    ng angkan ni teniente ang 2
    patay.. Ginawa lang daw nila ito bilang pagtatanggol sa
    sarili dahil kung di nila ito
    gagawin sila ang mamamatay
    sa lugar naiyon. At pagkasilip
    daw ng lolo kasindk sindak
    dw ang pangyayari kanya kanya daw tadtaran at
    hìlapan ng laman, sa mga oras
    na iyun wala pang may alam
    kung sino ba talaga ang may
    balot ng sako sa ulo.at di parin
    nila nakakalag ang balot sa ulo ng 2 lalaki....
    Continue..........
    At sa mga oras daw na iyun
    sayang saya daw ang mga
    tao,
    at isang malaking
    pagkakataon naman daw para sa kanilang mag kaibigan
    para tumakas Sa bahay na
    iyon .
    dahil sa sinaunang bahay ni
    teniente gimo ang bintanay
    gawa daw sa capiz, dun sila dumaan at tumalon, sa
    sobrang takot na kanilang
    nasaksihan kahit anung taas
    daw ay di nila inalintana basta
    ang mahalaga makalayo sila
    hanggat hindi pa nalalaman kung sinu ang ulo nasa sako....
    At ng Malayo layo na sila Sa
    bahay palibhasay liblib at nasa
    gitna ng katahimikan ng
    kagubatan ! biglang
    dumagundung daw ang napalakas na sigawan at
    hiyawan Malalakas na iyakan
    at dinig na dinig daw ng lolo
    ang galit na namumutawi sa
    mga taong kanilang naiwan sa
    bahay na iyun! at iyun daw ang hudyat na
    nalaman na ng Mag anakan ni
    teniente na hindi pala bisita
    nila ang napatay Kundi kamag
    anak din nila... at palibhasay
    mula siquijor Ang lolo ko at walang gasinung may kilala sa
    kanila kaya agad ng
    Nakarating Ang lolo sa bahay
    ng kaniyang pinsan kasama
    ang kaniyang kaibigan,, sa
    sobrang takot na poribleng mangyari sa kanilang dalawa
    agad silang nakarating Malapit
    sa kabilang bario kung Saan
    Nakatira ang pinsan ng aking
    lolo....






    continue........,.
    At ng dumating sila sa bhay
    ng mga pinsan ng lolo ko agad
    daw silang naligo upang hindi
    daw sila masundan ng
    amoy ,at mga ilang minuto lang daw nag tahulan na daw
    ang mga aso At marami daw
    taong nagkalat sa labas galing
    daw kabilang baranggay ni
    teniente gimo na may
    hinahanap daw sabi daw ng tiyahin ng loloko. ng panahon
    Daw na iyun ay 30 anyos
    palang ang lolo ko. At
    iknuento nga daw ng lolo ko
    sa kanyang tiya ang lahat na
    ngyari at nagimbal daw sa takot ang tiyahin ng lolo ko,
    at nasa gitna sila ng pag uusap
    ng may biglang kumatok
    daw sa pinto Malalakas na
    katok! Biglang kinabahan
    daw silang 3 Dahil sila lang ang gising ng oras na iyun, alam
    daw nilang isa sa kamag anak
    iyun ni tinyente, kaya ang
    ginawa daw ng tiya ng lolo,
    binalot daw silang
    magkaibìgan ng banig na buli at ginapos at isinandig sa tabi
    ng aparador. Kung sakali daw
    mag hanap di sila mapapansin.
    ng binuksan daw ng tiya ng
    lolo ang pintuan, isang
    napakatangkad dw na lalaki na madungis ang nagtanung
    kung may napansin daw bang
    2 lalaki na napadpad sa
    baryung iyun mag titinda
    daw ng asin ang sbi ng lalaki .
    Ang sabi daw ng tiya ng lolo ko ! Wala daw at bigla daw
    sumilip ang lalaki sa pintuan
    ng bahay, at awa daw ng dios
    walang nakita..
    continue......
    bago mag bukang liwayway
    nakagayak na ang mga
    lolohin kung pauwi ng capiz
    at nangako sa kaniyang tiya
    na kahit kaylan hindi na muli pang babalik pa sa dueñas
    hanggang hindi pa nahuhuli si
    Teniente Gimo ng
    kinauukulan.
    At ng marating sila ng Pier
    Halos naroon Ang buong angkan ng teniente
    nagmamasid at nagbabantay
    sa kanila,, pero dahil tanging si
    teniente Gimu lang ang
    nakakilala sa kanilang
    pagmumukha hindi sila napansin ng iba pang kamag
    anak ng teniente at
    maluwalhati silang nakasakay
    ng barko pauwing capiz.. At
    eto nga po dito nag tatapus
    ang nakakatakot na karanasan ng lolo ko sa bayan
    ng Dueñas iloilo.. At hanggang
    ngayun ay ibinahagi ko sa
    inyo ang tunay na
    kasaysayan ng aswang na si
    teniente Gimo, kasaysayan mula sa tunay na buhay at
    kahit kaylan hindi Ini
    dokumentaryo ng lolo ko sa
    alin mang pahayagan tanging
    kwentong inilihim sa
    mahabang panahon ,upang maipreserve daw ito sa
    tamang panahon at para sa
    lahat.
    Paalaala: Ang kwentong ito
    Ay hindi po maaring baguhin
    ng sinuman na wala ang ang phintulot ng may akda..
    This is the Real history of
    Aswang In Dueñas iloilo city
    by - Fidel Maravilla and his
    Bestfriend Mario...
    Maraming salamat po sa lahat ng nag hintay at nag basa ,
    isusunod ko na po dito Ang
    kwento kung paanu nahuli si
    Teniente Gimu ng mga
    kinauukulan abangan.......
    Last edited by 1989matanghari2012; 10th Sep 2012 at 17:59.

  4. #4

    Default Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo-Mobilarian

    Quote Originally Posted by aztig678 View Post
    totoo nga ba ang aswang????
    Quote:
    sir aztig678:
    Ayan sir totoo daw po iyun kahit wala pa ako nakikita imsure 100% naniniwala ako, gaya nga po nito nishare ni sir matanghari May halong kaba takot akung naramdaman ng mabasa ko po ito lalo at through to life story, Nakakaexcite sir gusto ko po itong ganitong kwento totoong buhay at wala pa po yata nag shre ng gnto dito, sir hari tanung ko lang Hindi po ba Kayo natatakot ? Sa aswang, kase napansin ko po halos lahat ng thread ninyo dito masyadung Underworld pero Usefull at marami po kaming natutunan.. Sir aabangan po namin ang continuation ng kwento! Nakakatakot.

  5. #5

    Default Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo-Mobilarian

    nambibitin si ts.haha

  6. #6

    Default Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo-Mobilarian

    Eto ang totoong kwento,
    hindi katulad ng ibang ka sb ay kwentong barbero lang
    sa share TS...

  7. #7

    Default

    pag dadayo sa mga probinsya at haingan kayo ng food hingi agad kayo ng asin.

    at unang gagawin once nakasampa sa isang probinsya ay tapakan ng 3x na padabog ang sahig at bigkasin ang ''kung tablan mang ang sahig na ito ay tablan na rin ako''

    pagtinapik ka ng hindi mo kilala, balikan agad ng tapik din.

  8. #8

    Default

    dugtungan mo na ulit sir matanghari...

    parang iyong shake rattle & roll part 2 (1990)
    pangatlong yugto yata iyon ang pamagat "äswang".

  9. #9

    Default

    makiki read lang po TS

  10. #10

    Default

    ala ka wla na pla

    continue plz^^

Page 1 of 34 12311 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •