Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 7 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 62
  1. #1

    Default Sino si devilbat?

    BABALA: Ito po ay hango sa totoong kwento ng buhay ni devilbat sa Mobilarian. Ang maikling kwentong ito ay tungkol sa di kapanapanabik na buhay ni devilbat sa Mobilarian.

    Sino si devilbat?

    Siya isa sa mga sa Mobilarian na:

    • supplier ebooks, mobile games at applications, reviewers, math at engineering books
    • dakilang pirata ng mga librong gawang pinoy (Bob Ong, Pugad Baboy, Kikomachine Komix, Eros Atalia) at engineering books na tatak pinoy
    • spammer sa Forum Games at sa Newcomer’s Introduction (noon )
    • mahilig mag update ng sariling thread
    • walang inuurungan sa diskusyon at di nagpapatalo
    • invisible mode pero laging online
    • astig, da best, hulog ng langit, mapagbigay, mabait, laging handang tumulong
    • mayabang, pinipili lang ang tinutulungan, snob, mahangin, mayabang sapagkat contributor
    • isang inhenyero ayon sa kanyang siggy


    Ilan lang yan sa mga tumatakbo sa isip ng kapwa Mobilarian tuwing naririnig ang pangalang devilbat sa Mobilarian subalit sino nga ba si devilbat?

    Si devilbat ay isa sa mahigit 80 milyong madlang pipol ng ‘Pinas na kabilang sa libu-libong inhinyero partikular na sa mga inhinyera elektrika. Nagtapos sa isang sikat at malaking unibersidad sa norte. Mahilig sa online games, sports, programming, internet surfing at sumali sa forums kaya naligaw sa Mobilarian. Mula ng magawi sa tahanang ito naging isang tambay sa Mobilarian na kadalasang makikita sa section/sub-section na E-books & Audiobooks, Forum Games, Adult Zone, Android Zone, Samsung, School & Education at Non-Symbian Software Zone. Sa kabila ng pagiging busy sa pag-aaral, trabaho at review classes di pa rin nakakaligtaang maglog-in sa paboritong tahanan sa Web World. Mobilarian na ang pangunahing binubuksan sa web.

    2nd Feb 2011 Wed (Ang Itinakdang Araw)


    >>Isinilang si devilbat sa Mobilarian. Tulad ng karamihan, naligaw sa tahanang ito sa pangungulit kay pareng Google tungkol sa UBT/FBT at PC Applications, sa kakulitan ko naibulgar na rin ni pare ang kasagutan sa aking mga katanungan sa katauhan ng mga forums. Matagal na ring napapabilang sa sari-saring forums at napapadaan din sa Mobilarian at napilitang magregister dahil sa hindi makita ang links at attachments sa mga threads. Hindi na rin naisipang tumapak sa Newcomer’s Introduction dahil isang newbie lang sa Mobilarian at hindi sa forum ang nasa isipan.



    3rd Feb 2011 Thu 14:52 (Unang Thread)


    >>Isang araw matapos maging opisyal na miyembro ng Mobilarian, naisipang gumawa ng sariling thread. Ang thread na ito ay tungkol sa pag-unlock ng Huawei modems, isang repost at walang kwentang thread. Hindi lang repost at walang kwentang thread kundi closed thread pa, sa di inaasahang pagkakataon napindot ang “Close this thread after post”. Datapwat isang newbie na hindi nagbasa ng Forum Guidelines, 5 minuto makaraang magpost gumawa ulit ng bago sa dahilang hindi alam iopen ulit ang saradong thread. Ang thread ay nagtagal na mas maraming binigo kesa tinulungan, ito rin ang naging susi ng pagiging adik sa Mobilarian dahil araw-araw na inuupdate ang thread sa pagsagot sa kapwa Mobilarians. Nagsimula din ang pagiging adik sa paggawa ng thread at naisapang ishare ang lahat ng laman ng laptop ko tulad ng maobiles games & applications, e-books, PC games & applications, reviewers at di nagtagal halos lahat ng laman ng bahay na libro.



    2 (Warning Na Natanggap)


    22nd Mar 2011 Tue 15:06

    >>Isang masamang regalo ang natanggap sa nakakataas, napatawan ng warning na tatagal ng isang buwan para sa sms posting daw?!! Unang reaksyon? Ang buong akala ay hindi lang sang-ayon o di na nagustuhan ng nagbigay ng warning ang opinyon ko sa post na yun. Ang post ay matatagpuan sa Government & Politics ngunit ng mabasa ulit ang Forum Guidelines ay naliwanagan sa aking pagkakamali. Ito na rin ang hudyat ng pagreport sa mga nagpopost pa rin ng sms type.



    26th Oct 2011 Wed 11:40

    >>Muling nakatanggap ng masamang regalo, isang warning naman sa multi-posting/spamming/flooding daw?!! Unang reaksyon? Nagtataka at nagagalit dahil ginamit ko naman ang quote button ngunit nagpost pa rin ako ng magkasunod , magulo ba? Di na umangal at umapela dahil ng muling basahing mabuti ang Forum Guidelines ako’y namulat sa aking pagkakamali dahil lilipas din ang isang buwan at muling mawawala ang di kanaisnais na palamuti ng aking profile. Ito rin ang naging hudyat ng mas aktibong pang pagreport ng paglabag ng ibang miyembro sa Forum Guidelines, sa una ay upang maghiganti at idamay ang ibang nagkasala ang motibo ngunit unti unting napalitan ng pagtulong sa mga nakakataas ang dahilan ng pagrereport.



    382 na araw mula ng maging Mobilarian, (Contri Na Ako )


    >>Instant? Mabilis? Ito marahil ang nasa isip ng karamihan sa kapwa Mobilarians. Ano ang aking ginawa? Ginawa ko lamang po ang bukambibig na “Help & Share”, nag-upload ng sangkatutak na mobile games & applications, e-books, reviewers, konting PC Applications atbp.

    Naisipan umiba sa uso sa pagshare ng link sa thread. Ang naisip na paraan na malimit ginagawa ay hangga’t maari inuupload ko dito sa site mismo sa pamamagitan ng pag-attach sa mga threads ang karamihan sa mga nashare ko (maliban sa PC Applications na di practical iattach sa site ) sa dahilang kahit hindi na updated yung thread ko buhay na buhay pa rin ang link at para ipakita din na hindi para kumita ang prayoridad ng pagbabahagi ko (maliban sa ilang blogs ko na gumagamit ng affiliate links ngunit lahat ng nasa blog ko ay matatagpuan din dito sa site ng libre ). Ang paraang ito ay maaaring nakakadagdag sa bigat ng site at hassle para sa ibang members pero ito ang pinakamagandang paraan upang manatiling buhay ang links maliban sa regular na pag-update ng links a file hosting sites. Kung ako man ay gumamit ng file hosting site ay aking ginagamit ang mga madadaling site na makapagDL tulad ng Mediafire at Zippyshare (diskarte lang para hindi agad madelete ang file alo na sa MF). Panatilihin din ang respeto sa ibang members at tumugon sa kanilang katanungan ng maayos pero kung hindi sapat ang kaalaman sa tinatanong ng iba marapat ng huwag makialam at umastang magaling.

    Inasam ko din maging Contributor mula nang makatanggap ng unang +reputation at idinaan ko ito sa gawa at hindi sa pangungulit, garapalang paghingi, pagsigawan ang mga “bakit siya meron, ako wala; marami naman ako natulungan bakit wala akong +reputation” at kung anu-ano pang paraan ng kaepalan na ginagawa (bato bato sa langit, matamaan na ang matamaan ). Palakasan? Sa tingin ko naman ay wala naman, isang patunay po ang account ko nagsimula sa wala pero nabigyan pa rin ng green cube. Ngunit ang pagiging Contributor ay hindi dahilan para hindi na ako maging aktibo dahil kung ano ako nung simula ganun pa rin hanggang ngayon.




    >>Ang pag-iwas sa mga section/sub-section na ito ay malaking tulong din sa pag-iwas sa gulo, warning, infraction at negative reputation. Dito kasi sa mga lugar na ito lumalabas ang tunay na kulay at ugali ng karamihan sa members. Sa mga nabanggit na lugar din (maliban sa Traditions & Beliefs kasi di pa ako nagcocomment dun hanggang ngayon) nagkaroon ng hater, kaaway o anumang tingin ng iba kay devilbat ng Mobilarian sa dahilang hindi nila nagustuhan ang aking opinyon, natalo sa debate o sadyang pikon lang at di marunong tumanggap ng pagkatalo o pagkakamali. Hindi ako nakatanggap ng warning, infraction o red reputation kahit madalas akong tumambay at sumali sa diskusyon sa mga lugar na ito dahil sa pagpapanatili ng respeto kahit mainit na ang usapan sapagkat ang mga thrash talkers ay alam nilang talon a sila o di kayang panindigan ang sinasabi. Ngunit ang pag-iwas sa mga nabanggit na lugar ang pinakamainam pa rin upang maiwasan din ang warning, infraction at red reputation lalo na kung immature at mainit ang ulo.



    231, (Mobilarian Friendlist)


    >>Marami ba? , Mahigit kalahati siguro sa bilang na ito ang nadagdag sa listahan dahil sa unang customized avatar ko, epektib pala ang babaeng avatar

    Di ko akalain na nakakalinlang ( mga brader na kapwa tambay ng AZ ) yun samantalang malinaw naman ang nakalagay na sa profile ko. Ang nakakatawa pa, marami nanghihingi ng number at nagtatanong kung totoong piktyur ko yun porke ba babae ang avatar babae din o binabae ang may-ari hindi ba pwedeng fansign, hinahangan yung pic o trip lang.

    Ngunit meron din naman mga natulungan at nagustuhan ang mga thread ko sa listahan ng Mobilarian friends.



    Mobilarian Legend (Di Na Narating)


    >>Ang huling User Title na inaasam ko ngunit hindi na narrating dahil sa ganap ng naging berdie. Walang anumang panghihinayang dahil ang kapalit naman ay pagiging isang berdie.



    6 (Thread Na May Berde) at 1 (Post Na May Berde)


    >>Gulat ba kayo? Hindi po lahat ng thread ng thread na ginagawa ko ay instant na mag berde na sa katunayan po 7.5% lang po ng thread ko ang nabigyan ng positive reputation ngunit hindi ito naging sagabal sa patuloy na pagiging aktibo sa site at paggawa ng makabuluhang thread. Matagal na rin po yung huling +reputation na aking natanggap pero hindi rin ito sapat na dahilan para



    15,000 + (Bilang Ng Posts)


    >>40% (Makabuluhang post sa makabuluhang thread), 20% (welcome message sa Newcomer’s Introduction), 35% (posts sa Forum Games), 5% (others)


    Salamat sa mga nagsayang ng oras para mabasa ang boring na thread na ito.

  2. #2

    Default Re: Sino si devilbat?

    Well si Sir Devilbat, likas na matulungin. Napatunayan ko yan sa isang thread sa Schools and Education wherein madaming nangangailangan ng tulong sa Mathematics at mga sangay nito.


    Hindi lang naman dun. Madalas ko ding makita ang kanyang mga tulong sa mga pdf files na libro na talaga namang useful lalo na sa mga estudyante na kumukuha ng kursong Engineering.


    Well, salamat sa iyo Sir at sana'y huwag kang mawawalan ng ganang tumulong.
    Last edited by Circuited Soul; 27th Feb 2013 at 14:10.

  3. #3

    Default Re: Sino si devilbat?

    haha! nakakatuwa ang storya muh sir, parang buhay hayskul ang pagpasok muh dito sa symb! anyway keep on sharing parin kahit nakakalula na yung mga nacontribute muh dito lalo na yung mga engineering books, sandamukal eh! san nyo ba nakuha yung mga ebook na yun? tsaka namimiss ko na rin si ms avatar nyo sir, ang sarap tignan kasi eh.

  4. #4

    Default Re: Sino si devilbat?

    eh sino yung mga ibang devilbat?

  5. #5

    Default Re: Sino si devilbat?

    saludo kami sayo

    >>>master:
    praise:

  6. #6

    Default Re: Sino si devilbat?

    ang ganda ng story

  7. #7

    Default Re: Sino si devilbat?

    Nice Story Sir DevilBat

  8. #8

    Default Re: Sino si devilbat?

    sa mga nagsayang ng oras na nagbasa nito..

  9. #9

    Default Re: Sino si devilbat?

    Ayun, natapos din ang storya mo sir bat. Si sir bat alam kong provider ng ebooks, pero nakakasama ko lang siya sa Usersfeedback at Newcomers Introduction. Salamat dito at sa lahat ng naitulong mo dito sa site at sa kapwa Mobilarian natin.

  10. #10

    Default Re: Sino si devilbat?

    salamat sa lahat lahat ng shares mo sir
    tunay kang contributor. nakakatulong lahat ng ebooks na share mo sir

Page 1 of 7 123 ... LastLast

Similar Threads

  1. Sino si Bro?
    By belardz in forum Film & TV Chat
    Replies: 7
    Last Post: 3rd Feb 2010, 19:53
  2. sino si malu fernandez?
    By xxblu3thund3rxx in forum Government & Politics
    Replies: 10
    Last Post: 23rd Nov 2007, 02:46

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •