Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1263 of 1263 FirstFirst ... 263763116312131253126112621263
Results 12,621 to 12,629 of 12629
  1. #12621

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    Gusto kong sabihin na hindi na kita mahal, pero kapag di na ako busy. Kapag magisa ako, ang lungkot, paulit ulit naiisip ko kung kamusta ka na.

  2. #12622

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    To my Friend... masaya akong masaya ka sa kanya. sana matagpuan ko na din yung makapagpapasaya sa akin yung pupuno sa akin. Tulad ng pagpupunonya ngkasiyahan sa puso at isip mo. Masaya akong naging parte ng kasiyahan mo ngayon. asahan mong patuloy akong nakasuporta sa lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo basta nasa tamang linya tayo ha?. Mahal na mahal kita

    - - - Updated - - -

    Quote Originally Posted by KulasaMia View Post
    To my Friend... masaya akong masaya ka sa kanya. sana matagpuan ko na din yung makapagpapasaya sa akin yung pupuno sa akin. Tulad ng pagpupunonya ngkasiyahan sa puso at isip mo. Masaya akong naging parte ng kasiyahan mo ngayon. asahan mong patuloy akong nakasuporta sa lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo basta nasa tamang linya tayo ha?. Mahal na mahal kita
    no more takas and sex.

  3. #12623

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    Quote Originally Posted by QueenKisses View Post
    Gusto kong sabihin na hindi na kita mahal, pero kapag di na ako busy. Kapag magisa ako, ang lungkot, paulit ulit naiisip ko kung kamusta ka na.
    same with that..... prang baliwla sayo 10 years ntin nagabroad k lng nklimutan mo n ako...

  4. #12624

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    Sorry hindi ko naibigay ang gusto mong label commited pa ko.
    Pero minahal kita.. parehas na tayong nasasaktan papalayain na
    Kita

  5. #12625

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    Kahit pa sinasabi mo na wag na akong umasa sayo, wag na tayong umasa sa isa't-isa dahil hindi natin masasabi ang panahon at walang ibang mahalaga sayo kundi ang anak mo, okay lang at naiintindihan ko. Sa simula't-simula pa lang tinanggap ko na na never mo ako magiging priority. Masaya ako dahil isa kang mabuti at huwarang ina na uunahin ang kapakanan ng anak bago ang pansariling kaligayahan. Proud na proud ako dahil sa mga kaya mong gawin para sa family mo, lalung-lalo na para sa anak mo. Pero, yung wag umasa ang hinding-hindi ko kayang gawin. Bakit? Alam mo sa sarili mo na mahal na mahal mo din ako pero kino-kontrol mo lang. Bukod sa hindi naman tayo naghiwalay or what, alam kong kailangan mong gawin 'to sa mga kadahilanang tayo lang ang nakaka-alam. I respect your every decision kahit na sobrang sakit, and I respect you. Alam mo yan. Sabi mo pa nga babawi ka pagdating ng time di ba? Ayaw ko naman mag-expect pero alam kong may isa kang salita na kapag sinabi mo, sinabi mo. Alam kong nagwoworry ka din na baka sa paglipas ng panahon at dahil na din siguro sa situation na nandoon tayo ngayon ay baka magbago ako, na baka makahanap ako ng iba. Yan yung bagay na madalas mong ulit-ulitin sa akin dati di ba? Pero iisa lang naman ang sagot ko sayo eh. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huli. Willing akong maghintay, mag-tiis kasi mahal na mahal kita. Alam kong ikaw na yung babaeng hiniling ko sa may kapal na hindi ko akalain na ibibigay niya agad sa akin. Alam kong ikaw na ang babaeng nakalaan para sa akin. Alam kong ikaw na ang babaeng makakasama ko habang buhay, hanggang sa huling hininga ko. Alam kong ikaw na ang babaeng makakasama ko sa mga adventures ko in the future. Alam kong ikaw ang babaeng makakasama at makakatuwang ko sa pagbuo at pag abot ng mga pangarap natin. Alam kong ikaw yun. Kaya kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako susuko, hinding-hindi kita susukuan. Hinding-hindi ako bibitaw, hinding-hindi kita bibitawan. Alam mo sa sarili mo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Kaya kahit na ano pa ang sabihin mo, nakahanda na akong patunayan yan. Makasarili man pakinggan pero ikaw ang pinaka-dahilan kung bakit gusto kong ayusin ang buhay at sarili ko. Madaming nangyaring pagbabago sa akin ng dumating ka sa buhay ko na puro kabutihan lahat. Kaya kahit na anong mangyari, ikaw at ikaw lang hanggang sa huli. Ang nangyayari / nararanasan nating ito ay parte lang ng kwento ng libro nating dalawa. Parte lang ito na malalampasan nating dalawa, at hindi pa ito ang katapusan / wakas ng kwento natin. Mahaba-haba pa ang lalakbayin nating dalawa, magkasama, hanggang sa dulo/wakas. Hintayin mo lang ako ha baby ko? Liligawan ulit kita. At kung papayag ka, magpapakasal na din tayong dalawa. Kasi gusto ko sayo lang ako, at sa akin ka lang.

    Mahal na mahal na mahal na mahal kita baby baby ko!

  6. #12626

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    Madalaas na kitang napapaginipan lately. Kadalasan lahat ng dream ko sayo eh ngyare na pero eto di pa ngyayare. foresight? maybe. Gusto ko sanang sabihin sayo pero later nalang pag andito kana. Sana napapaginipan moko ulit katulad ng dati. haha.

    Uy nabasa ko pinost mo. Fight ka lang palagi at wag papatalo ah! Big girl kana at kaya mo yan.

  7. #12627

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    Parte lang to ng kwento nating dalawa na malalampasan natin. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Palagi mong tatandaan yan ha baby ko. Palagi mo ding isasa-puso at isasa-isip! Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hanggan sa huli! Magiging okay din ang lahat para sa ating dalawa. Nararamdaman ko malapit na tayong maging okay ulit. Miss na miss na miss na misis na kita!

  8. #12628

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    Naalala ko na naman yung time na di pa tayo close. Matagal na tayong magkaka kilala pero ni hi o goodbye wala akong narinig sayo. Wag moko sisihin that time at bakit ako may kasalanan kung bakit di kita kinakausap? Sa totoo lang ako ang lumalapit sayo kaso naging matipid lang ang mga sagot mo sakin. We were both young at that time. Ang cute mo pa non at look alike mo pa younger version ni heart. haha. Alam mo ba ako unang nagka kras sayo dati? OO matagal na kitang kras dati rati pa nung dinededma mo pako. haha. Alam mo ba that I kept my feelings sayo sa mahabang panahon? I tried to suppressed my feelings kasi it's very wrong to like you. Many years have past at tuluyan ng nawala lahat ng nararamdaman ko sayo. Tapos nung nagkita tayo ulit parang nag iba naman ang ihep ng hangin. Yung time narin nayun medyo nag iba kana at parang papansin kana sakin at kinakausap mo nako that time. Haha. Tapos dumating yung time na may nalaman akong revelation na galing sa kanya. haha. Did you like me before? Yung time narin na may gusto ako sayo? Kaya mo ba ako di kinakausap that time? haha. That really made my day and it made me think the whole week nung narinig ko sa kanya yun. haha. I really thought it was a bad joke pero habang tumatagal na realized ko na totoo pala yun. Nung nagsimula ka ng nagpakita ng affection sakin dun ko nalaman na hinde na joke yun. That's the day it started diba? Wala lang naalala ko lang yung panahon nayun. Sa totoo lang medyo bumalik na feelings ko sayo nung time nayun at dun nako nagsisimulang magpigel ulet ng nararamdaman sayo.
    Last edited by Pyromaniac; Today at 01:41.

  9. #12629

    Default Re: UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them he

    dapat di ko na ginawa yon ��

Similar Threads

  1. Replies: 57
    Last Post: 29th Jun 2019, 20:37
  2. Replies: 143
    Last Post: 28th Jul 2018, 02:06
  3. alin ang pipiliin mu,ang BF/GF mu o ang Ex. mu?
    By brylly08 in forum Love & Friendship
    Replies: 14
    Last Post: 15th Dec 2015, 22:38
  4. Replies: 14
    Last Post: 7th Dec 2015, 15:23
  5. ano ang pagkakaiba ng bf/gf sa barkada?
    By schizoprenic_paranoia in forum Love & Friendship
    Replies: 8
    Last Post: 18th Sep 2008, 19:01

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •