Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?
Page 1 of 4 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 33
  1. #1

    Lol Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]






    Straight from the Heart
    Mga Tula Galing sa Puso ni Sky




    ♥♥♥♥♥




    Mensahe mula sa may-akda:
    Lahat tayo ay nagmamahal at minamahal. Bawat taong malapit sa ating puso ay ating minamahal. Ang ating pamilya, mga kaibigan, ang Panginoon, ang ating mga guro, mga kaiskwela, at ang isang taong nagpapatibok sa ating puso.

    Hindi mabubuhay ang tao kung walang pagmamahal. Ito ang nagpapatibay sa ating loob, ang nagpapasaya sa atin at nagsisilbi inspirasyon.

    Minsan, dumarating sa punto na tayo ay nasasaktan. Bahagi lamang ito ng pagsubok upang tayo ay mas maging matatag. Matuto tayo sa bawat sakit na ating nararanasan dahil sa paglipas ng panahon, kung anong sakit ang iyong nadama, iyon namang ligaya ang iyong matatamasa.

    Keep on Loving.
    Intro:
    Ako yung taong nagpapahalaga sa bawat isang malapit sa aking puso. Masakit mang isipin, ang ilan sa kanila ay hindi matanggap na kung sino ako pero 'di bale na. I treasure people close to my heart more than they treasure me.

    Inihahandog ko sa inyo ang aking mga tula na galing mismo sa aking puso, ang mga tulang aking nagagawa sa bawat nararamdaman ng aking puso. Hindi man ito perpekto, at least nailabas ko pa rin ang aking saloobin. Naniniwala akong mas mainam ilabas ang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat tungkol dito. Bakit? Teka, bakit nga ba? Ang sagot ay naririyan lamang sa puso ng bawat manunulat.
    Last edited by skylar21; 18th Feb 2019 at 20:28.

  2. #2

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    "The Story of You and Me"


    Years have past since we've known each other
    years that we have spent with one another
    Laughters came, tears are shed
    I just love you the way you are

    I remember those songs that you shared
    for that songs mean a lot to me
    who would ever know that i cherish that songs
    I just love you the way you are

    Then came a time that you have to go
    My heart is filled with tears
    But even though that happened
    I just love you the way you are

    You always light up my heart
    with the things you do and say
    I feel so happy just being with you this way
    even you are far away

    Every moment we share together
    Even if you're far
    We grow closer and closer
    Believe me when i tell you I love you

    With all my heart,
    I will be here for you forever and always
    Just like I was at the start
    I just love you the way you are

    The story of you and me
    means a lot to me
    As my tears fell
    I always remember your kindness

    I wish at the end,
    We will be together forever
    and also, happily ever after
    I just love you even we're apart

    Last edited by skylar21; 17th Apr 2013 at 23:26.

  3. #3

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    "How?"


    How will you come
    out of your feelings
    if there's a greater emotion
    that makes you fall back?

    How will you start to convince yourself
    to fight if you think
    you're weak enough
    to endure the pain?

    How will you give something
    if you have been tired
    of giving the same thing and yet
    it will always be gone?

    How will you take something
    if you don't have the right
    to do so?

    How can i beg to say,
    "Love me too" if you have
    someone else loving you more?

    How can I walk away
    from this feelings without you
    knowing that I'm walking away?

    How?

    I may not be obvious of what i feel
    because I just don't want to throw
    away my feelings.

    Keeping your emotion for a better purpose
    of other's happiness is the
    most courageous act you could do.

    Wait if there's a place.

    Wait if there's time.

    Just keep in touch..





    PS. Thanks sa isang tao para sa tulang ito.
    Last edited by skylar21; 17th Apr 2013 at 23:27.

  4. #4

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    "Pagsayaw sa Langit"


    Maari ko bang mahingi ang iyong mga kamay?
    Iindayog tayo sa musikang malumanay
    Tibok ng puso ko'y sa iyo'y ipaparinig
    Nang malaman mo na ikaw lamang ang s'ya nitong dinidig

    Magkasamang naglalakbay sa kalangitan
    Sa ulap tayo'y magkahagkan
    Dumuduyan kasabay ang kalmadong hangin
    Nangangarap na ika'y maging akin

    Sa bawat pintig ng awit
    Puso ko'y sa iyo'y mas napapalapit
    Sa bawat mahinghing kilos
    Tibok nito'y naghihikahos

    Pakiusap ko sa'yo aking sinisinta
    Sana'y mahalin mo ako ng walang pangamba
    Ang pag-ibig mo'y gusto ko lamang makamit
    Tulad ng ating pagsayaw sa langit

    Last edited by skylar21; 17th Apr 2013 at 23:30.

  5. #5

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    "Nang Ika'y Matagpuan"


    Naglakad ako at bigla kitang nakita
    Nagulat ako at ‘di makapaniwala
    Ikaw na matagal ko ng hindi nasisilayan
    Oh tuwa ang aking nararamdan

    Ikaw na ang aking matagal ng hinahanap
    Ang babaeng minamahal ko ng ganap
    Nanginginig ako tuwing tinititigan ka
    Hindi na makatingin pa sa iba

    Gusto sana kitang lapitan
    Pero nangunguna pa rin ang aking kahihiyan
    Kung bakit pa kasi wala akong lakas ng loob sabihin
    Eh di sana naipahayag ko na ang aking damdamin

    Naupo nalang ako sa isang tabi at may napansing bulaklak
    Ito ay pulang-pula tulad ng rosas na maganda at humahalimuyak
    Pipitasin ko sana ito para ibigay sa’yo
    Pero baka naman masita ako

    Lumingon-lingon ako sa paligid para hindi mo mahalata
    Hanggang sa may nakita akong balat ng tsokolate
    Naisip ko, pano kaya kung bigyan kita ng tsokolate?
    Yun nga lang, wala naman ako pambili

    Ikaw ay umalis na sa kinapepwestuhan mo
    Sabay sunod naman ng pagtingin ko
    Napabuntong hininga nalang ako at napapikit
    Bigla kong nasabi, “Bahala na, kahit masakit”

    Nakakahiya naman sabihin ng harapan na mahal kita
    Ang magagawa ko nalang sa ngayon ay isipin at tingnan ka
    Kahit sa paglipas ng panahon na ika’y magbago,
    Mananatili parin ang aking katapatan sa’yo

    Idinilat ko na ang aking mga mata
    At bigla akong nakaramdam ng kaba
    Nanlamig ako at bumilis ang tibok ng puso
    Yun pala, ikaw ay nasa tabi ko


    Last edited by skylar21; 19th Apr 2013 at 19:05.

  6. #6

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    "Bakit Ikaw Pa?"


    Iniisip kita sa mga sandaling ito
    At batid kong s'ya naman ang iniisip mo
    Tibok ng puso ko para sa iyo ay 'di matatawaran
    Ang iyo namang puso ay sa kanya nama'y nakalaan

    Bawat sandali gusto ko'y ikaw ang makasama
    At ang sa iyo nama'y makasama s'ya
    Hinahangad ko na mahagkan ka
    Hinahangad mo na mahagkan mo s'ya

    Bakit nga ba ikaw pa?
    Bakit hindi nalang iba?
    Marahil ay may nakita ako sa iyong kakaiba
    Marahil ay ikaw ang matagal ko nang gustong makilala

    Nandirito lamang ako at naghihintay
    Aking pagmamahal sa iyo lamang iaalay



  7. #7

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    nice one dre !
    pahiram pwede ?

  8. #8

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    sure, basta lagyan mo lang ng credit.

  9. #9

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    "Ako'y Nandirito"


    Magandang araw sa iyo binibini
    Maaari bang humingi ng sandali?
    Alam kong ikaw ay may pinagdadaanan
    Mga bagay na hindi mo makalimutan

    Hindi matiis ng damdamin ko na malungkot ka
    Ang gusto ko'y ikaw ay maligaya
    Talikuran mo na ang nakalulumbay na alaala
    At harapin ang masayang umaga

    Hirap ka mang iwaglit ang mga alaalang ito
    Heto ako, handang tumulong sa'yo
    Ipakikita ko sa'yo na ang mundo ay hindi lamang puro kalungkutan
    Kundi ang mundo ay puno ng sigla at kaligayahan

    Huwag ka nang mag-alala pa
    Nandirito ako para sa'yo
    Aalagaan ka...
    Iibigin ka...



  10. #10

    Default Re: Straight from the Heart [Mga Tula Galing sa Puso ni Sky]

    "Hanggang Sa Makilala Kita"


    Sa isang tabi'y nakaupo
    Iniisip ang kalungkutang tinatamo
    Wari ko'y hindi na ako muling sasaya
    Hanggang sa makilala kita

    Hindi ko akalaing may darating na tulad mo sa buhay ko
    Hindi ako makapaniwalang ikaw ang papawi sa kalumbayan ko
    Sa bawat oras na ating pag-uusap
    Buong puso ko itong pinapahalagahan ng ganap

    Asahan mong hindi ka na muling mag-iisa
    Asahan mong mamahalin kita sa tuwina


Page 1 of 4 123 ... LastLast

Similar Threads

  1. Straight from The heart
    By AssassinWizard in forum Love & Friendship
    Replies: 0
    Last Post: 13th Aug 2011, 12:14

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •